It's been 3 days mula no'ng pumunta kami rito sa Tokyo. Namimiss ko na rin sina Tania at Chantrea. I badly want to call them, pero baka busy rin sila sa kaniya-kaniya nilang buhay ngayon and I want them to enjoy this one week vacation.
Ilang araw ko na ring chineck ang social media ni Haruto pero lahat nang 'yon ay naka-deactivate. Maging ang cellphone niya'y naka-off.
Nakakadisturbo na ba ako?
“ Nak, kape ka muna.”
“ Thank you, Ma.” ani ko't kinuha ang mainit pang kape na iniabot ni Mama.
“ Namimiss mo ba?”
“ Po? Sino po?”
“ Sina Tania.”
“ Ah, opo. Sila nga ho yung iniisip ko ngayon.”
“ Si Haruto?”
“Po?”
“ Tatlong araw na tayo rito, pero hindi pa rin kayo nagtatawagan man lang o text. Hindi mo man lang ba siya namimiss?”
“ Yun na nga ho e, kung gano'n din ho siya'y bakit hindi niya man lang ako magawang kumustahin man lang?”
“ Kaya tinatanggi mong namimiss mo yung tao?”
Inilapat niya ang kape niya sa lamesa't isinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.
” Nak, porket sa palagay mo'y hindi kayo pareho ng nararamdaman ay kailangan mo nang itanggi. You're invalidating your own feelings. If you miss him, tell him. Hindi ko pa siya gaanong kilala pero, sigurado akong mabait na bata si Haruto.”
”P-pero bakit hindi niya man lang magawang kumustahin ako? He even deactivated his social meadi accounts at in-off niya pa ang cellphone niya. Tatlong araw na rin ho akong hindi mapakali, kakaisip kung...kung naiisip niya man lang ba ako? Kung sumasagi man lang ba ako sa isipan niya? Ang h-hirap, Ma...”
“ Normal lang 'yon sa isang relasyon, 'nak. Hindi pa naman kayo gano'n katagal kaya minsan hindi mo talaga maiiwasang manibago sa mga bagay-bagay. Aalis kami ngayon kasama sina Kuya at Papa mo. Gusto mo bang sumama?”
“ Gusto ko na lang po munang manatili rito.”
“ Oh siya, sige. Bibil'han ka na lang namin ng pasalubong.”
” Sige po.”
“ Princess! Hindi ka ba talaga sasama?” tanong ni Kuya.
“ Next time na lang. Wala ako sa mood lumabas ngayon.”
“Sus! Miss mo lang e!”
“ Don, hayaan mo na ang kapatid mo. Ganiyan din ang Mama niyo no'ng mangulila siya sa'kin no'ng pumunta ako sa abroad.”
“ Hanggang ngayon ay napaka-kapal pa rin talaga ng mukha mo e 'no?”
“ H'wag mo nang itanggi, mahal. Kitang kita ko sa mga mata mong nananabik ka pa ring makita ako araw-araw.”
“ May asim pa rin talaga kayo Ma at Pa. Walang kupas.”
“ Matamis na pagmamahal ang tawag do'n, 'nak!”
“ Oo na, oo na. Halina kayo, naiinggit na ako e. At mas lalo tuloy namiss ni bunso si Haruto.”
“ Kuya naman e!”
“ Bye nuno sa bunsoy! Bil'han na lang kita ng HA-butai mochi.”
“ Meron pa 'nak, yung HA—kata burabura.”
Tumatawa pa sila habang sinasabi 'yon habang ang mukha ko'y halos hindi na maipinta ni Leonardo Da Vinci.
“ Meron pa, meron pa! Yung HA—rajuku crepes!”
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...