CHAPTER 29

470 17 0
                                    

Ladies and gentlemen, All Nippon Airways  welcomes you to  Haneda Airport.  The local time is 7:35.  For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate.

Nang marinig namin ang sinabi ng flight attendant ay umayos na kami ng upo't maya-maya rin ay tumayo na't kinuha na ni Haruto ang bagahe namin.

Byahe pa lang ay nakakapagod na subalit nawawala naman 'yon kapag nakikita ko ang ngiti niya t'wing tumitingin siya sa'kin.

Subalit hindi ko talaga maiwasang humikab.

“ Do you feel sleepy?” tanong niya habang naglalakad kami papalabas. Masyado rin kasing malaki ang Airport na 'to at ang malas ko dahil maiksi pa ang biyas ko.

Tumango lang ako't pinilit pa ring ngumiti ngunit unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata.

“ Sit here.” saad niya't tinapik- tapik ang kaniyang malaking maleta.

” Ayoko, mabigat ako.”

“ Just sit.”

“ Ayo—ay kabayo!” napasigaw na lamang ako nang bigla niya akong buhatin na parang bata't pina-upo sa kaniyang maleta.

“ You may sleep now, my Moonbeam.” he said and kissed my forehead.

Wala na akong magawa kun'di ang sumakay at matulog sa maleta niya habang tuloy -tuloy lamang siya sa pag- guyod.

Para akong bata ngayon, pero totoo naman, baby niya naman ako e.

Huie, biro lang! Ene be.

“ Excuse me! You're Haruto, right?” rinig kong ani ng isang babae kung kaya't napa- angat ako ng tingin.

“ O-oh, yes. Why did you ask?”

“ I'm a big fan of B. O. N and you're by bias wrecker. Pwede po bang magpa-picture? Matagal ko nang pinangarap na makita ka in person!” nananabik nitong sambit.

“ Sure, no problem.” muli kong ipinikit ang aking mga mata nang marinig ko ang kaniyang mga yapak.

I felt his soft lips touch down on my forehead.

“OMOOOO! You two were together?! How sweet!”

“ Uhm, yes. I followed her so that we can spend our 1 week vacation together.”

“ Nakakakilig naman! Is she sleeping?”

“ Yup, she got tired. Kakarating lang namin dito. Let's take a selfie.”

“ O-oh yeah, I almost forgot.”

Hahayaan ko na lamang sana sila subalit bigla akong pinigilan ng konsensya ko. Nakakahiya rin naman kasing magkunwaring tulog at hindi man lang bumati.

“ Hoooahh..” pakunwari kong paghikab nang sa gano'n ay medyo mahalata namang galing akong tulog.

Pero nasobrahan ata ako dahil paglingon ko'y nakatingin pala silang dalawa sa'kin at nakangiti lang.

“ Moonbeam..” malambing niyang sambit.

“ Hmm?”

“ She's also looking for you.”

“ H-hi...” nahihiya kong pagbati sakaniya't mabilis na tumalikod.

Nakakahiya naman ang histura ko ngayon. Haggard na haggard pa galing byahe.

“ Moonbeam...” ramdam ko ang pagyakap niya mula sa aking likod, maging ang mainit niyang hininga nang siya'y bumulong.

“ She wants to take a picture of us.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now