CHAPTER 23

535 37 2
                                    

Hindi pa rin maaalis sa isipan ko ang babaeng nakausap namin kahapon.

Ba't kaya hindi siya pinatapos ni Haruto na ipakilala ang sarili niya?

Pero at least, nakabawi! Akala niya siguro magpapatalo lang ako. Walang Villanueva na mahina uy! Tandaan mo 'yan!

“ Good morning, 'nak! Kumusta naman ang exam niyo?” tanong ni Papa habang humihigop ng kape.

“ Maayos naman po, Pa. Last day na po ngayon, sa tingin ko'y kakayanin ko naman.”

“ Sus! Ikaw pa ba? Nagmana ka kaya sa'min ng Mama mo.”

“ Si Papa nambola pa.”

“ Hindi ako nambobola, 'nak. Lalo pa't sinabi ko naman sa'yo na sa'min ka nagmana.”

“ Siyempre ho, Pa. Dug*ng Villanueva ako e.”

“ Sinabi mo pa. Siya nga pala, pupunta rito ang pamilya nina Gilbert bukas ng gabi.”

“Po? Bakit daw po?”

“ Nak, matagal na rin mula no'ng nag- jamming kami ng kaibigan kong Daddy nga ni Gilbert. Kaya naisipan kong imbitahan sila, celebration na rin para sainyo ni Gilbert at natapos niyo ang pagsusulit niyo.”

“ Hindi na ho yun kailangan.”

“ Nak, hayaan mo na kami. Minsan lang 'to e. At tsaka, sinabi ni Herbert na ilang beses ka na raw inaaya ni Gilbert na lumabas pero lagi ka raw busy. Kaya kami na ang gumawa ng paraan.”

“Pa, hindi naman ho ata tamang tignan na lagi kong kasama si Gilbert. May boyfriend na ho ako, Pa. At ayoko ring masaktan ang damdamin ni Haruto.”

“Nak, alam ko 'yon. At wala naman akong problema doon. Magkaiba ang kaibigan sa ka-ibigan. Nasa-sa'yo yun, kung ano nga ba ang turing mo sakanila. Pero tulad nga ng sinabi mo, si Haruto ang ka-ibigan mo habang si Gilbert naman ang kaibigan mo. At kung totoong mahal ka ni Haruto, at kung may tiwala nga kayo sa isa't-isa'y hindi kayo magdadalawang isip na subukang gawin ang isang bagay na susubok pa sa relasyon niyo. Mas kilala niyo ang isa't-isa, kaya dapat lang na hindi kayo makinig sa sasabihin ng iba. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ni Papa, Princess?”

“O-opo...”

“ Lagi mo 'yon tatandaan. Oh siya, asikasuhin mo na ang sarili mo't may exam ka pa ngayon. Do your best! Good luck!”

“ Thank you po, Papa! Good luck din po sa work niyo.”

Naka- ear buds lang ako papasok sa University habang nagrereview, nakatuon lamang ang mga mata ko sa cellphone kung kaya't hindi ko nakitang meron palang papadaan na student sa harap ko.

“ Ay! Sorry!” usal ko't tinulungan siyang pulutin ang kaniyang mga gamit.

Ni hindi ko na tinignan kung sino ito, hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagtanggal niya sa ear bud ko.

He sweetly smiled. “ Napaka- good student mo talaga Ms. Villanueva.”

“ Uy! Mr. Lopez, ikaw pala. Pasensya na, hindi kita nakita.”

“ It's okay. Uhm, sakto nga kasi may sasabihin ako.”

“ Ano yun?”

“ Sabay na tayong pumunta sa bahay niyo bukas. Total, do'n din naman kami mag-d-dinner nina Daddy. If okay lang sa'yo.”

“ Oh, sure! Kaso 5 pm pa matatapos ang klase namin bukas. Makakapaghintay ka ba?”

“ Oo naman, kahit ilang taon pa 'yan.”

“Ha?”

“ Oo, hintayin na lang kita sa parking lot.”

“ Sige. Mauna na ako.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now