Kakatapos lang naming magsimba ngayon. Mula pagkabata'y lagi kaming magkakasamang magsimba t'wing linggo.
I've decided na magpa-iwan muna upang tumungo sa wishing well. Nasa gilid lang 'yon, marami ring tao ang pumupunta doon.
Hindi naman ako naniniwala rito, pero gusto ko ring subokan, baka sakaling....totoo.
Kumuha ako ng barya sa'king wallet at sinimulan ng ipikit ang aking mga mata upang makapag-wish na.
"What are you doing here?" napadilat naman ako ng mga mata nang marinig ko ang isang boses.
"Haruto? Anong ginagawa mo rito?"
"Saan ba 'to?"
"Simbahan."
"Anong ginagawa sa simbahan?"
"Nagsisimba."
"Exactly."
Pasalamat talaga 'to kakatapos ko lang magsimba.
" Are you with someone?"
"Sina Mama lang ang kasama ko kanina magsimba. Nagpa-iwan na lang ako kasi mag w-wish pa ako rito sa wishing well."
" Do you still believe in that?"
"Hindi rin. Sinubukan ko lang, baka sakaling magkatotoo. Ikaw? Ba't mo'ko nakita rito?"
"Naiiba kasi ang height mo." he said and smirked.
Heh! Di naman ako 4'11 ha! 5'0 flat lang.
" Kung wala ka nang sasabihing matino. Pwes, mauna na ako sa'yo." ilang hakbang na rin ang nagawa ko nang bigla siyang magsalita.
"Wait."
"Hmm? Yes po?" I politely ask.
"A-are you hungry?"
" Hindi gaano, mauna na ako."
"Wait."
"Ano na naman ba?"
"Y-you want some ice cream?"
Ilang segundo muna akong nag-isip bago sagutin ang tanong niya.
I nodded. "Sure, libre mo ah?"
Lumapit kami sa isang ice cream vendor at pumili ng flavor.
"What flavor do you like?"
" Pandan. Ikaw ba?"
" Mango."
"Bakit? Ayaw mo ba ng Pandan?"
" I don't like its taste."
" Sige, sabi mo e."
Naglakad-lakad muna kami sa may park habang kumakain ng ice cream na nabili namin kanina lang.
" Dumiretso na tayo sa Hospital after nating kumain nito."
"Oum."
" By the way, we'll be having a concert next week. Holiday naman so I'm expecting na pupunta ka."
Ito na ata yung sinabi sa'kin ni Chantrea no'ng nakaraang araw. Akala ko hindi niya na sasabihin pero....siya na mismo ang nagsabi sa'kin ngayon.
"Sige ba. Part pa rin naman 'yon ng deal, 'di ba?"
" Yeah. Meron din akong race, next Sunday. Pero gabi 'yon, if you don't want to go, hindi na kita pipilitin."
" O-okay.."
Napatingin naman ako sa ice cream na hawak-hawak ko ngayon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko.
I offered him my ice cream, at alam ko ring nabigla siya sa ginawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/370905622-288-k923672.jpg)
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...