Wednesday ngayon at wala kaming pasok. Here I am laying on my bed, nakatitig lang sa kisame. Iniisip kung pupunta pa ako o hindi.
Napatingin naman ako sa binili niyang damit sa'kin. Sayang naman kung hindi ko gagamitin.
*Ring, ring
Matamlay kong sinagot ang telepono.
“Hello?”
“ Ano na, gurl? Pupunta ka ba?” tanong ni Chantrea mula sa kabilang linya.
“ Hindi ko pa alam.”
“Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Haruto?”
“Nagkausap na, pero hindi pa rin talaga maayos na usapan.”
“Ano ba kasing ikinatatampo mo sakaniya?”
“Hindi ko alam."
“G*ga, inom ka ng gamot, gurl. O baka naman, iniiwasan mo siya?”
“Ako? Iiwas do'n?! Hindi 'no!”
“So bakit nga?”
“H-hindi ko alam.”
“Ewan ko sa'yo, gurl. Basta, kapag pupunta ka sabihan mo'ko, okay? Kailangan magkakasama lang tayo.”
“Oum.” binaba ko na ang telepono't muling pinagmasdan ang dress.
Wala rin naman siyang tawag, baka hindi ko na rin naman kailangan pang pumunta. Pero baka hindi niya na ako sinabihan kasi alam ko na rin naman na kasali 'yon sa rules namin.
Naisipan kong buksan ang aking cellphone at e-check ang Social media acc's ko at halos update sa concert nina Haruto ang lumalabas.
“ Can't wait sa concert niyo tonight B.O.N (Backbone of Night)! ”
“OMO! Today is the day para sa'ming mga Galaxies!”Ang lungkot sa mukha ko'y napalitan ng ka'unting ngiti nang magpop-up ang message ni Haruto.
“Haruto sent you a message: I can't pick you up tonight. We're still busy, you should come.”
Ngunit agad iyong napalitan ulit ng lungkot nang mabasa ko ang message niya.
Ba't nga ba ako nalulungkot?!
Kung pupunta ba ako, kailangan ba mag-facemask ako at mag cap? Tulad ng ginagawa ko noon kay Rio. Tapos hihintayin ko na lang siguro siya sa may Parking lot kung saan wala sa'ming makakakita.
Tama! Gano'n na nga!
Sa wakas ay nakapag-isip-isip na rin ako kaya muli kong tinawagan si Chantrea.
“Yes, gurl?”
“S-sasama na ako..”
“Hulaan ko...nag- message na siya ngayon 'no?”
“H-hindi dahil do'n 'no!”
“So nag message nga? Asus, ito pakunwari pa e.”
“Oo! Pero hindi dahil do'n! Naka-isip na kasi ako ng paraan para hindi ako makilala ng ibang tao.”
“ Kaya hindi ka pa rin sigurado kung sasama ka?”
“Oum.”
“ Ganiyan na ganiyan ka rin noon kay Rio. H@los ipahiy@ mo na ang sarili mo sa ibang tao, makapunta ka lang sa concert niya nang hindi nila nabibisto.”
Gano'n na nga, ginagawa kong katatawanan ang sarili ko, h'wag lang akong makilala ng ibang tao. Ginagawa ko ang lahat, masuportahan lang siya. Hindi na rin ako nagpapaalam kina Mama, at gumagawa na lang ng kung anong dahilan t'wing gabi na ako umuuwi. Cause Rio never did that for me, inintindi ko siya, gano'n ko siya kamahal noon.
YOU ARE READING
TANGLED STARS
Romance"Stars may collide, stars may die, but stars will never get tangled." Meet Hope Dorothea Dawn Villanueva, a 22-year-old Entrepreneur student and the Unica hija of her family. Her family spoils her with love, care, and support. She also has true frie...