CHAPTER 14

510 31 2
                                    

Habang tumatagal, mas lalong hindi ko na alam kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sakaniya. O baka naman, hindi naman talaga, sadiyang nakikita ko lang sakaniya ang gusto ko sa isang lalaki. Hayst! Ang hirap, lalo na kung mas nananaig ang mga kilos niya kesa sa mga salita niya.

Sinasabi ng mga labi niya na ayaw niya sa'kin, subalit sa mga kilos niya ay para bang ayaw niya man lang akong hawakan ng iba.

Sabi ko na nga ba e, mixed signals 'to, o 'di kaya'y nag- aassume lang talaga ako.

“ Ang lalim ata ng iniisip mo, Princess? May problema ba?” napatingin naman ako sa aking tabi nang tumabi sa'kin si Kuya.

Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa hagdan sa may pintuan. Hinihintay ko na lang din kasi si Haruto na sundoin ako dahil pupunta ulit kami sa hospital para kamustahin ang Lola niya.

“ Tulala lang, malalim na agad ang iniisip?”

“ B@liw ka kung gano'n.”

Napakunot naman ako ng noo. “ Bakit naman, aber?”

“ Mababaw ka kung mag-isip e.”

“ Kuya...”

“ Hmm?”

“ Naranasan mo na bang pakitaan ng motibo hindi sa pamamagitan ng salita kun'di sa kilos?”

“ Weird ng tanong mo ah.”

“Sagutin mo na lang, kung hindi ay—”

“ Oo naman, hindi lang babae ang nakakaranas niyan 'no. Wala siyang sinasabi na gusto niya ako, pero base sa kilos niya ay halatang oo.”

“ Anong ginawa mo?”

“ Hinintay ko na lang na siya mismo ang magsabi sa'kin.”

“ Sinabi niya ba?”

“ Hindi. Ako lang pala ang nag-aakalang pareho kami ng nararamdaman.”

Baka nga, baka nga ako lang din ang nag-aakalang  pareho kami ng nararamdaman.

“ Kaya ba wala ka pang girlfriend?”

“ B@liw, hindi sa gano'n. Matagal ko na yung kinalimutan, naalala ko lang nang magtanong ka.”

“ E bakit wala ka pa ring girlfriend? Bente syete ka na pero NGSB ka pa rin. Naghihimala nga ako, kasi maraming babae ang umaaligid-aligid, nagh@h@bol at nagkakagusto sa'yo pero hanggang ngayon wala ka pa rin natitipuhan.”

“Ayokong piliting magmahal ang sarili ko dahil lang sa tingin ng iba ay napapag-iwanan na ako ng panahon. Mas@s@ktan lang ako, at mas@s@ktan lang ang taong mamahalin ko kahit alam ko naman sa sarili kong hindi pa ako handa. Hindi naman masama ang mapag-isa, wala naman sa batas ang mag-asawa ka na't bumuo ng pamilya kapag nasa tamang edad ka na. Nasasa'yo yun, Princess. Kung handa ka na ba talaga o hindi pa.”

“ Pero may nagugustuhan ka na?” hirit kong tanong. Elizabeth, hindi ka ba lalapit sa'kin at yayakapin ang Mama mo?”

Hayst! Baka naman kasi mawalan na ako ng pag-asang magkaroon ng pamangkin.

“ Meron na. Nandiyan na ang kotse ni Haruto. Baka aalis na kayo.”

“ Teka lang, sabihin mo muna kung sino...” pamimilit ko't hinawakan ang kaniyang braso.

“ H'wag na, mauusog na naman e.” napanguso na lamang ako dahil sa sinabi niya.

“ Haruto, ingat sa pagd-drive ah?” habilin ni Kuya ni Haruto't tin@pik sa balikat bago pumasok sa loob. Tumango naman si Haruto at lumapit sa'kin.

“ Where's Tito and Tita?”

“ Wala sila, may inasikaso lang.”

“ Let's go.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now