CHAPTER 32

354 13 1
                                    

Maaga kaming gumising ngayon dahil maaga rin ang flight. Pagkatapos kong maghilamos ay agad akong tumungo sa tapat ng pintuan ni Haruto at kumatok.

*Tok, tok, tok!

“ Haruto? Gising ka na ba?” subalit ni wala man lang akong narinig na sagot mula sa loob.

“ Nak? Gising na raw ba siya?” tanong ni Mama na kakabukas lang din ng pinto.

“ H-hindi nga po siya sumasagot e.”

“ Baka naman natutulog pa. Alam mo namang may hang over pa ang binatang 'yon. Pumasok ka na muna rito sa loob at mag- aalmusal na tayo.”

Sumulyap pa ako saglit bago pumasok sa loob.

Nadatnan naman namin sina Papa at Kuya na kasalukuyang humihigop ng sabaw ngayon.

“Oh, ayan, naglasing kasi kayo nang hindi pa kumakain.” panenermon ko.

“ Sus, galit ka lang kasi nalasing si Haruto kagabi, 'di ba, Pa?”

“ No comment, 'nak. Kilala mo naman ang kapatid mo.” tugon ni Papa at ipinagpatuloy na lamang ang paghigop ng sabaw.

“ Aba'y kahit sino naman ay magagalit. No'ng boyfriend ko pa lang ang Papa niyo'y ayaw na ayaw ko rin talaga siyang nakikitang lasing. Okay na yung, k'unting inom pero h'wag lang magpapakalasing- lasing lalo na kung hindi naman kaya ng katawan. Kaya hindi naman masama kung magalit ang Prinsesa natin, dahil nag- aalala lang naman siya sa boyfriend niya.” ani ni Mama.

“ Basta talaga babae, laging tama. Ikaw po, Pa? Kailan ka po huling tumama?”

“ Tin@maan lang ako, Don.”

“ Ay, batas nga talaga si Mama. Gano'n ka rin ba, Princess?”

“H-hindi 'no... hindi naman kasi ako gano'n kaselosa.”

“ Aysus. Wala naman akong tinatanong kung selosa ka o hindi.”

” Ke aga aga na naman ng bangayan niyo ah.”

“ Si Kuya kasi, Ma e!”

“ Tamo, ako na naman agad may kasalan.”

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako nang sa gano'n ay dumiretso na ako sa room ni Haruto.

Sasama kaya siya sa'min?

Nagsuot lamang ako ng blue jeans at white long sleeve nang sa gano'n ay hindi na ako gaanong lamigin pagdating namin sa Airport.

*Tok, tok, tok!

“ Haruto?”

Napangiti naman ako nang marinig ko ang tunog ng doorknob.

“ Good morning, my Moonbeam.” nakangiti niyang ani habang nakasandal sa may pintuan at pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok.

“ Did you eat your breakfast already?”

“ Oum. Ikaw ba?”

“ Kakain pa lang. Come in.”

Pumasok naman ako't naupo sa sofa.

“ Sasama ka ba sa'min ngayon?”

“ Yup. Why? Ayaw mo ba?”

“ H-hindi 'no! G-gusto ko nga 'yon e.”

“ Gano'n mo pala ako kadaling ma miss.”

“ Sir@. Akala ko kasi hindi ka sasama sa'min.”

“ Pagdating lang sa Philippine airport.”

“ Bakit?”

“ 1 week akong nawala sa paningin ng mga tao, ni isang update ay wala akong binigay. At ayokong pagpyestahan tayo ng mga tao doon. So, I think it'll be better kung mauuna kayong umuwi.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now