CHAPTER 37

189 5 0
                                    

It's Friday, kaya pupunta ako sa University para ipasa ang mga pinapagawa sa'min this week.

Sabi nila'y wala namang pasok ngayon dahil may conference daw ang lahat ng teachers.

“ Girl!” napalingon naman ako nang may tumawag sa'kin.

“ Chant, Tania!” lumapit sila sa'kin at bineso ako.

“ Kumusta ang nangyari kagabi?”

“ Ano ang pakiramdam na napakilala ka na niya sa parents niya?” tanong ng dalawa.

“ Maayos naman. Actually hindi lang parents niya ang nakilala ko. Pati na rin ang mga kapatid ng Daddy niya, at ang kapatid niya.”

“ Yieee! We're both happy for you!”

“ Kahit nga ako hindi pa rin makapaniwala. Pero hindi magiging perfect ang lahat kung hindi dahil sainyo. Kaya, thank you! Malaking tulong 'yon, at nagustuhan din ni Tito Akihiko yung regalo ko para sakaniya.”

“ Teka, teka! Did we hear it right? TITO? As in T—I—T—O? TITO?”

Natawa naman ako sa naging reaksyon nila.

“ Oo, Tito. He insisted na 'yon na ang itawag ko sakaniya maging sa Mommy at mga Tito at Tita rin ni Haruto.”

“ Hindi na talaga fa-ke ang relationship niyo. Forda re-yal na.”

“ By the way, you're always welcome, bebe. Basta ikaw, handang- handa kaming tulungan ka.”

“ And by the way, ano ba ang gagawin niyo today? Wala namang pasok at kakatapos lang din nating magpasa ng mga kailangang ipasa. Beach tayo?”

“ With whom?”

“ With the boys, I guess? Or pwede namang tayo na lang tatlo. Sama mo na rin kaya Tania si Kiel? I'm sure G 'yon. Hindi naman siya ma-a- out of place since friendly naman ang boys. Tsaka Paul is also with them. Di ba best friends sila?”

“ Y-yeah. Pero baka busy 'yon.”

“ Just try to reach him out.”

“ O-okay..”

“ Tawagan ko lang din si Haruto.” pagpapaalam ko't lumabas muna ng room.

*On call

“ Yes, Moonbeam? Good morning by the way. Have you eaten? How's your sleep? Why did you call? Did you miss me? Haha!”

Sunod- sunod niyang tanong.

Kahit kailan talaga ay napakamahangin niya.

“ Good morning! Tapos na akong kumain, ikaw din. I slept well. I called you hindi dahil namimiss kita. I called you to ask if you're busy. Nagkayayaan kasi kaming pumunta ng beach today since wala namang pasok at weekend na rin naman bukas.”

“ Ouch! Hindi mo pala ako namimiss.”

“ Sir@. Magkasama pa lang tayo kagabi ah.”

“ It doesn't matter. I miss you every second.”

“ So ano nga? Are you busy?”

“ Nope. I'll never be busy when it comes to you. Anong oras ba ang alis niyo?”

“ Baka meron kang kailangang gawin? This morning ang alis.” 

“ Next week pa naman ang concert. Magkikita- kita sana kami ngayon.”

“ Saan ang concert niyo?”

“ In Canada, so I guess 1 week na naman kaming mawawala.”

“ That's sad. Hindi na naman kita makikita.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now