CHAPTER 4

344 16 0
                                    

Pagkapasok ko naman sa classroom ay pinagtinginan naman ako ng ilang classmates namin.

”Gurl! Ano yun?! Kahit kami nabigla rin sa sinabi niyo ni Haruto...”

“Oo nga, Dawn. Parang kahapon lang—”

“Ay.shhh...mamaya ko na lang e-eexplain.”

After ng subject namin ay agad akong hinil@ ng dal'wa palabas ng University at dinala sa favorite naming tambayan. Ano pa nga ba? Edi 7/11.

“Gurl, anong gusto mo? Libre ka na namin. Di ba, Chantrea?”

”Oum, sabihin mo lang, Dawn.” ani nito't ngumiti pa.

“Nako, nako! Ang mga gawi niyong 'yan ay alam na alam ko nang may gusto kayong malaman.”

“Hoy, hindi ah! Pero ano nga talaga yun?”

Umupo kami sa isang table at do'n ko na in-explain sakanila ang plano namin ni Haruto. They're my trusted friends kaya, pwedeng- pwede ko namang sabihin sakanila.

“Huie! Pigilan niyoko, kinikilig ako!” hiy@w ni Tania.

“Shhh! Ano ka ba, baka may makarinig sa'yo!”

“ Basta support lang kami sa'yo, gurl at sana, sana wala ni-isang malab@g sa rules niyo.”

“Oo nga, pa'no na lang kung habang tumatagal, unti-unti na pala kayong nahuhuløg sa bawat isa?”

“ Imagination mo ang limit, Tania. Alam niyo naman na hindi ko siya type at kahit siya na lang ang matitirang lalaki sa mundo, mas pipiliin ko na lang na mag- isang m@m@tay kesa mahalin siya, 'no!”

“Asus, ano bang wala kay Haruto na meron kay Rio? Haruto is the standard, gurl. He's a guitarist, singer, racer, handsome, kilala rin ang pamilya nila bilang isa sa pinaka-mayamang pamilya hindi lang dito sa Pilipinas, kun'di pati na rin sa ibang bansa.”

“And so? Hindi ko kailangan ang lahat ng 'yon. At tsaka kung ano-ano na ang pinag-iisip niyo, after ng plano namin, ay babalik na lang din ang lahat sa normal.”

“Sayang naman.”

“Walang masasayang, Tania. We don't love each other, lahat ng gagawin at ipapakita namin ay hindi yun totoo.”

Gusto ko lang bayaran ang kasal@nang nagawa ko. Ako ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng issue, kapag maayos na ang lahat. Magiging malaya na ulit ako.

Pagka-uwi ko'y agad kong ibin@gsak ang aking katawan sa kama at huminga muna ng malalim bago buksan ang cellphone.

“Haruto Takahashi listed that you two are in a relationship.”

Just now pa lang niya sinet ngunit dinumog na ito ng mga tao, lalong-lalo na ng mga supporters niya.

“ Haruto sent you a message: What are you waiting for? Accept it, stop acting na parang napipilitan ka lang.”

Tulad ng napag-usapan namin ay in-accept ko naman ito kaagad. Hindi ko na si-neen pa ang mga messages niya, maging ang mga comments sa relationship status namin. At bakit naman ako mac-curious? All of these are fake so, don't get too attached, Dawn.
________________________

Nagising na lamang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng notifications sa mga accounts ko, nakalimutan ko rin kasing p@tayin ang WiFi bago matulog. Subalit hindi ko na lamang ito pinansin, bagkus ay dumiretso na ako sa Cr at naligo na bago bumaba.

“Nuno sa bunso, ano 'tong nakita ko sa social media na, In a relationship kayo ni Haruto? Kailan pa kayo ng break ni Rio? At ano 'tong—”

“Kuya, ayoko muna 'yang pag-usapan. Masyado pang komplikado ang lahat. Tsaka ko na e-e-explain sa'yo kapag kaya ko na.” matamlay kong usal.

TANGLED STARS Where stories live. Discover now