CHAPTER 20

556 25 3
                                    

Naglalakad ako pauwi ng bahay nang makita ko si Haruto na nakasandal lang sa kaniyang kotse habang naghihintay sa tapat ng gate.

I stopped and asked him.“ Bakit ka nandito?”

He looked at me, his brows furrowed. “I'm the one who should be asking you that question. What are you doing out here at this hour?”  he said, glancing at his watch.

“ Umalis ako.”

“ Where did you go?”

“ Kailangan ko pa bang ipaalam sa'yo? You were busy, Haruto.”

“ Pa ba? Dawn! Halos tumawag na ako ng pulis kakaisip kung saan ka pumunta!”

“ I never told you to do that!”

“ What's your problem?!”

“ Wala! Wala naman talagang problema! Gumagawa ka lang!”

He sighed. “ Bakit hindi ka nagpaalam?”

“ Kailangan pa ba?”

He opened his phone and showed me a picture. “ Because you're with him all day?” he asked.

May mga fans pa rin palang nakakita. At ang pangalan ko ngayon sa socmed ay sir@ na.

“ Pagod na pagod na ako Haruto! Bawat galaw ko kailangan kong mag-ingat kasi yung pangalan ko nakasabit sa image mo! I already told you na itigil na natin 'to, pero ayaw mo! N@s@s*kal na ako! Pero ayaw mong pumayag! Ikaw yung problema, Haruto. Ikaw!” I yelled while pointing my fingers at him.

“ Nasagot mo na yung mga katanungan sa isip ko e. Pero bakit pilit mo'kong sinasanay sa bisig mo?” I added.

Wala pa rin siyang masagot, yun yung problema. Bakit hindi niya ako kayang diretsahin?!

“ This is not the right place to say it, Dawn.”

“ Tapos ano? Mag-uusap lang ulit tayo na parang wala lang nangyari? I'm so done with you, Haruto!”

“ I'll pick you up tomorrow.”

“ Ayoko na!”

“ 8 am.”

“ Bingï ka ba?! Ayoko na nga!”

“ At the coffee shop.”

“ Bahala ka! Hindi na ako sasama sa'yo!”

He just left without saying goodbye.

“Ayoko na! Diyan ka magaling e! Alam na alam mo kung pa'no ako kunin! K'unting actions mo lang lumalambot yung puso ko! I hate you!” I shouted.

Blangko na naman ang utak ko dahil sakaniya. Lagi na lang gan'to, ba't kasi hindi niya masabi? Gano'n ba kahirap sabihin sa'kin na hindi niya talaga ako mahal? Na meron pa siyang hinihintay kaya ayaw niya pang pumayag?! Yun lang naman ang gusto kong marinig e! K'unting paliwanag o rason lang, pero wala man lang akong narinig na mga salita mula sakaniya.

Lagi na lang akong naiiwang nagugulohan, tuliro kakaisip kung ano ba talaga ang dahilan.

Matamlay akong pumasok sa loob at dahan-dahan sanang aakyat ng hagdan nang tawagin ni Papa ang pangalan ko..

“ Nagka-usap na ba kayo ni Haruto?”

I just nodded.

“ Kaninang ala una pa siya naghihintay diyan sa'yo.”

Napatigil naman ako sa paghakbang sa sinabi ni Papa.

“Po?”

“ Totoo yun, sabi ko nga pumasok muna siya rito sa loob pero ayaw niya dahil gusto ka raw niyang salubongin.”

TANGLED STARS Where stories live. Discover now