CHAPTER 02

6.9K 104 0
                                    







Masaya kong pinagmasdan ang dalawampu't walo kong mag-aaral. Ito ang unang araw ng klase at nakakatuwa na sabik ang bawat estudyante ko sa pagpasok sa eskwela. I have 15 female students and 13 male students and I wish all of them will be intact at the end of the school year. Ito na kasi ang pang-apat kong taon sa pagtuturo at sa mga nakalipas na taon ay may dalawa hanggang tatlo akong estudyante na hindi nakakatapos sa bawat taon. Madalas ay dahil sa kakulangan ng pera lalo pa at karamihan ng mga estudyante ko ay mga anak ng magsasaka o di kaya ang mga magulang ay hiwalay kaya kapos sa pera. 




"Okay class gawin niyo na ang pinapasulat ko ha, isulat niyo sa papel ang pangalan niyo, kung saan kayo nakatira at kung ano ang pangalan ng mga magulang niyo." Bilin pa ni Rowena sa kanyang mga estudyante, she's handling now a grade 5 students. At mukhang lahat naman ng estudyante niya ay matalino at bibo. 





Sumunod naman ang mga bata sa sinabi na 'yon ni Rowena. Hindi maitatanggi na kahit anak siya ng alkalde sa kanilang bayan sa Olonggapo ay talagang marunong siyang makipag-kapwa tao at pagtuturo ang pinili niyang linya. Mayroon naman siyang tatlo pang nakakatandang kapatid. Their eldest is now physician who studied on one of the elite and well known university in Manila. Ang University of Santo Tomas, samantalang ang pangalawa niyang kapatid ay isa namang engineer na sa Maynila din nagtapos at nagtatrabaho at ang pangatlo naman ay sumunod sa yapak ng kanyang ama sa mundo ng pulitika dahil isang konsehal ngayon ang kanyang pangatlong kapatid. At siya na nga ang bunso na piniling maging maestra. Ewan niya pero gusto niya kasi noon pa man ang mga bata, sa katunayan nga ay titser-titseran pa nga ang madalas niyang gusto laro noon. At kunwari siya ang teacher at pagkatapos naman ay mga anak ng mga trabahador nila ang estudyante niya. Kaya naman ng mag-kolehiyo ay talagang pagiging maestra ang pinangarap niya at sa Maynila din siya nag-aral katulad ng mga kapatid niya. At ng makapagtapos ay saka siya umuwi dito sa probinsiya para dito magturo. 







    Alas tres ng hapon ang tapos ng klase ni Rowena na nagsisimula naman tuwing alas syete ng umaga. She's a public teacher and she like kids since she was a child. Pagkatapos ng klase ay sinusundo siya ng driver ng kanyang ama sakay ang Chevrolet Camaro Z28 na talaga din namang kilalang-kilala sa lugar nila. Paano ba naman masasabi kasing isa ang pamilya nila sa mayayaman dito sa Olonggapo, bago pa maging alkalde ang kanyang ama ay talagang heredero na ito at isa sa pinaka-mayaman sa buong probinsiya. Agcaoilli own hectares of land not only in Olonggapo but also in Zambales particularly in Masinloc and Santa Cruz. Her family is good in business, malawak ang sakahan nila ng palay pati na din ang pagkakaroon ng ekta-ektaryang pala-isdaan na paminsan ay binibisita niya din. 






Pero bago umuwi ay nakagawian na ng dalaga na pumunta muna sa isang parke sa loob ng Subic kung saan malapit ang eskwelahan, tabing dagat ito at kita ang mga barko ng Amerika. Pero gusto niyang lumagi dito sa parke dahil sa dami ng mga puno at malilim kahit pa mainit, may lugar din para sa palaruan ng mga batang namamasyal. Habang ang iba naman ay nangingisda sa tabing dagat kung minsan.






Her town is a place that had a reputation that was overly exaggerated by the thousands of sailors and marines who had frequented visited here. Kung dati ay tahimik naman ang bayan nila ngayon naman ay parang naging abala na din ito katulad ng Maynila. Lalo na ng dumating dito ang mga sundalong Amerikano na talagang naglagay pa ng military base sa loob ng Subic. Dumami din ang mga clubs na kung saan ay talamak sa prostitusyon. Seemingly unending row of night clubs and other establishments located in a tropical paradise that was situated just outside the gates of one of the most critical and important U.S. military bases in the world as this moment. At talagang tutol siya sa ganitong uri ng trabaho o hanap-buhay. Ayaw niya kasing makilala ang lugar nila sa hindi magandang reputasyon pero nangyayari nga dahil sa ganitong kalakaran. Maging ang pamilya niya tuloy lalo na ang kanyang ama ay maraming kilala na mga opisyal ng militar na sandali lang naman nananatili dito sa Olonggapo para sa mga training.






Pumikit ako at nilanghap ang masarap na simoy na hangin bago ko nilabas ang libro na babasahin ko mula sa bag na dala ko habang nandito ako. Hindi naman ako mahilig mamasyal o magpunta sa mga disco na kalat dito sa Olonggapo at ang tanging hilig ko lang talaga ay magbasa. May mga kaibigan din naman akong masasabi pero mas gusto ko talagang mapag-isa katulad ngayon. Pero kung minsan sinasama ako ng aking ama sa mga pagtitipon na pinupuntahan niya at naiimbitahan siya. Wala rin naman kasi ang mga kapatid ko sa bahay dahil ang dalawa nga ay sa Maynila na nagtatrabaho. Kaya tamang-tama lang talaga na dito muna ako magpalipas ng oras para din maaliw ako at hihintayin ko na lang siguro dito ang takip silim bago ako umuwi. 







   She's beautiful right? And looks classy too." Sabi ng isang sundalo na kasama ni Damian sa babaeng nakasuot ng bulaklakin na bestida at nakasuot pa ng sumbrero na malapad sa di kalayuan.





"Yes and she's mine, I'm the one who saw her first and I just said that to you, right?" Damian said, lumabas lang sila sandali para sana bumili ng sigarilyo at habang pabalik nga sa loob ng base ay nadaanan nga nila ang babaeng nakaupo sa park. And she really caught his eyes, dahil ibang-iba ang pananamit nito sa pang-karaniwan na babaeng nakikita niya dito sa loob ng Subic o maging sa Olonggapo. It's already 1981 still the woman he seeing right now is wearing a dress, a vintage dress actually from the fifties. But it actually look good to her, bagay dito ang suot nito lalo pa at mukhang matangkad ito. 





"So what are you waiting, ask her to go out Sir." Sabi pa ng sundalong kasama ni Damian. 






But Damian shook only his head, yes the woman who reading books looks stunning but they need to go back inside of the camp now. "Let's go back, bilisan na natin." Sabi niya sa kasama at nagpatiuna na sa paglalakad pabalik sa loob ng kampo. 





#maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon