CHAPTER 09

3.1K 62 0
                                    


All of my completed M.A series stories in vip group is 50% discount including the 2nd gen. Basahin niyo na si Daddy Rios saka Daddy Arken, pm me on my fb page!






Hindi makakaila ang saya na nararamdaman ni Damian ng mga sumunod na araw, para bang excited siya lagi na gumising at matapos ang trabaho niya sa loob ng kampo. Lalo pa at tuwing hapon ay nakikipagkita siya kay Rowena. Katulad na lang ngayon, naligo muna siya bago lumabas ng base. Huwebes ngayon at alam niyang naroon na naman sa parke ang dalaga, napag-alaman niya na isa pala itong public teacher na lalo lamang niyang kinahangaan. Kaya pala ibang-iba ang awra nito sa mga babaeng nakaka-daupang palad niya dito sa Subic. Iba nga talaga kapag may pinag-aralan ang isang tao, may class kung tawagin. 





At sa totoo lang puwede pala siyang makuntento, dahil kapag kasama niya ang dalaga ay nakukuntento na siya na kausap ito at nag-kukuwentuhan sila sa mga bagay-bagay. Iba kasi ang pananaw niya ukol sa mga babae na Pilipina lalo na no'ng unang salta niya dito sa Subic. Na akala niya ay pare-pareho ang mga ito na gustong makapag-asawa o maka-bingwit ng foreigner lalo na ng katulad niyang isang Amerikanong sundalo. Pero hindi pala lahat dahil may isang babae siyang nakilala na hindi gano'n ang pananaw sa mga katulad niya. At si Rowena nga 'yon. 



   "Gusto mo bang makapasok sa base? I mean you can go with me inside of the camp." Ani ni Damian kay Rowena. Bumili siya ng dirty ice cream ng may dumaan sa gawi nila kanina na nagtitinda no'n. He was curious why it's called dirty ice cream even though he can see it's clean. 



I looked at him, magkaharap kami ngayon ng upo sa isa't-isa dahil may lamesa sa gitna namin. Mero'n naman kasi ditong mga bench with table pero madalas ay doon ako sa may upuan na may sandalan pumupuwesto dahil nga kalimitan akong nagbabasa kapag nandito ako. "Hindi naman puwedeng pumasok do'n basta-basta diba?" Oo nakikita naman ang mga barko nila lalo na kapag nasa tabing dagat ka, at base sa itsura ay malalaman mo din talaga na makabago ang mga 'yon hindi katulad ng mga barko dito sa atin. Pero kasi ang alam ko bawal pumasok do'n lalo na kung hindi ka naman sundalo. Baka mamaya mapagalitan ako o kaya naman siya, nakakahiya 'yon kapag gano'n.



"Of course you can, kasama mo ako eh." Nakangiting sabi ni Damian. "So you want to see what inside of our camp?" Tanong pa ulit niya, puwede naman siyang magsama talaga sa loob lalo na ngayong weekend dahil marami sa mga opisyal na naka-assign ay pupunta sa Bataan. May training din kasing gaganapin doon kasama ang mga Pilipinong sundalo at navy. Pero siya ay hindi kasama kaya naman naisipan niyang ayain itong si Rowena sa loob ng kampo. 



"Pero baka mapagalitan ka, I knew the U.S navy base is prohibited, lalo na sa katulad ko na taga labas." Nakaka-takaw interes ang sinasabi niya na isasama ako sa loob pero in the same time parang nakakakaba din dahil base sa kuwento ni Papa ay puro Amerikano talaga ang nasa loob no'n at sobrang higpit at bantay sarado talaga. Nakapasok na kasi siya doon ng maimbitahan siya sa isang ceremony. 



Damian shook his head, he have position in navy so he can bring someone inside of the base. Beside nanghihingi pa na din naman ng ID kung sakaling magsama siya ng bisita doon at wala namang problema do'n. "Puwede nga, so ano sasama ka?" Muli niyang tanong. "We can go there this coming Saturday."



Sa Sabado? Tamang-tama wala akong pasok sa araw na 'yon at wala din naman akong plano pang gawin. Pero okay lang kaya talaga? "Are you sure I can go there with you?" I asked him again, dahil baka mamaya ay pareho pa kaming mapagalitan o kaya siya dahil nagsama siya ng taga labas. 



"One hundred percent sure." Nakangiting sagot ni Damian. 



"S-Sige na nga, sasama ako." Sabi ko para naman ma-experience ko at malaman ko kung ano ba ang itsura ng isang U.S naval base. 



  Dumating ang araw ng Sabado at alas tres ng hapon sinundo ni Damian si Rowena sa isang book store sa Olonggapo. May binili kasi itong libro doon at kaunting school supplies. Mula doon ay sumakay sila ng taxi papunta sa labas ng kampo, hindi kasi pinapasok ang mga taxi at iba pang pampublikong sasakyan sa loob. 



"Ang lawak pala dito sa loob." Komento ko habang naglalakad kaming dalawa, hindi na kinuha ang ID ko ng pumasok kami ni Damian at iniwan na lang din pala namin doon ang maliit na paper bag na dala ko kung saan nandoon ang binili ko kanina sa bookstore. Para daw wala akong bitbit maliban sa maliit kong baat dire-diretso na lang kami pumasok dito sa loob. 



"Yes you're right, it much bigger here inside." Damian answered, buti na lang at hindi gano'n kainit ngayon. Hindi rin naman makulimlim kaya hindi din uulan. This naval base is the largest overseas military installation of United states armed force. "Major ship repair happen here Rowena." Turo niya sa mga barko na naka-dock at 'yon nga ang mga inaayos ngayon. 



Tumango-tango naman ang dalaga habang nagkukuwento sa kanya si Damian, para siyang nakikinig ng history class sa mga kuwento nito dahil may natututunan talaga siya sa sinasabi nito sa kanya. Sementado ang loob ng base at wala ka ngang makitang mga puno halos sa loob meroong iba-ibang building na puro hanggang first floor lang pero alam mo agad na malawak. Subic bay is home to 7 World war II  wrecks that are regularly visited. At alam siyempre ng dalaga ang tungkol doon. 



"Come do'n tayo." Turo ni Damian sa isang building. 



Sumunod naman ako sa kanya, binati pa kami ng tatlong sundalong Amerikano ng pumasok kami doon. Para siyang isang malaking warehouse pero nagulat ako sa mga nakita ko sa loob. Iba-ibang klase ng armas! At puwede ko ba talagang makita ang ganito?



"Why? I'm going to tour you around right?" Tanong ng binata ng hilahin siya palabas ni Rowena kung saan naroon ang supply ng iba't-ibang armas na mero'n dito, 



Nahampas ko nga siya, loko-loko talaga at niyaya pa ako sa gano'ng klaseng lugar. "That's dangerous place Damian and I don't like to see weapons. " Sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ang mga tawag sa mga nakita ko sa loob pero parang malalaki siyang bala. 



"Fine, fine then let's visit our shooting range here." Muling sabi ng binata at hinawakan na ang kamay ni Rowena at hinila ito.  




#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon