CHAPTER 34

3K 49 2
                                    




"Baka may gusto kang kainin? Sabihin mo sa akin para makabili ako." Maka-ilang ulit na sabi ni Damian sa nobya. Nandito siya ngayon sa tahanan ng mga Agcaoili at kung dati ay sa bintana siya ng kuwarto nito dumadaan para makita ito ngayon naman ay hindi na. Legal na siyang nakakapunta dito dahil nagpapaalam muna siya sa ama ni Rowena kapag pupunta siya. Katulad na lamang ngayon, pagkatapos niya sa kanyang trabaho ay dito nga siya dumiretso. At ang kagandahan ay wala pa dito ang alkalde dahil kung nagkataon ay tiyak na maiilang siya. 


"Don't worry about me Damian, I'm good." Pilit pa akong ngumiti para hindi siya mag-alala sa akin. Paano ba naman isang Linggo na akong hindi nakakapasok sa trabaho ko bilang guro dahil masama talaga ang lagay ko nitong mga nakaraang araw. At isang Linggo na din na nandito lang ako sa kuwarto dahil nahihirapan nga ako maglakad-lakad. My brother Emilio brought me to the hospital and the doctor said I should stay there because I'm not really okay. Pero umayaw ako at hindi ako nagpa-iwan doon gaya ng gusto ng pamilya ko na mangyari. I know my body, and I know I will be more weak if ever I will stay in the hospital. Kaya isa 'yon sa pinag-talunan naming magkapatid dahil ang gusto niya ay doon ako sa ospital pero ako nga mismo ang umayaw. I am not scared in death but I'm thinking I'm going to die so fast if I'm in the hospital so I rather choose here at home. Dahil alam kong mas hindi ako ma-iistress dito kumpara kung nandoon ako. 

Inusog ni Damian ang upuan palapit sa dalaga, they been together now for three months. At sa tatlong buwan na may relasyon siya kay Rowena ay masasabi niyang masaya talaga siya. But seeing her like this in bed, weak and sick make him worried. Ilang beses niya na itong kinakausap na doon na lang sa ospital para mas matingnan ng mga espesyalista pero lagi din itong tumatanggi. Kaya naman hindi niya na ito pinipilit pa at nireresperto na lang ang desisyon nitong 'yon. And last night he was here also, and her father talked to him too. 

"My daughter is dying Damian, and I know you knew it too. Nakita mo naman siguro ang lagay ng anak ko diba?" Sabi ni Domingo ng makalabas ang binata sa kuwarto ng kanyang bunsong anak. Tulog na daw ito at nagpaalam na nga sa kanya ang binata na uuwi na pero heto at kinausap niya muna ito. 

"Rowena will be okay, maniwala po kayo do'n Mayor." Sabi ni Damian na maski siya mismo ay hindi sigurado sa sinabi niya. Madalas kasi na kapag kumakain ang nobya ay sinusuka lang nito ang kinain. At kung kumain man ay kaunting-kaunti lang. Pero lagi niyang pinapalakas ang loob nito kapag nagkakausap sila. Two months from now he will go back in America and he said to her that he will go with her there. Gusto niyang isama ito doon para makilala ang kanyang mga magulang at para makapag-bakasyon na din. 

Domingo shook his head, kung alam lang ng anak niya na bago siya umuwi dito sa kanilang tahanan ay lagi siyang dumadaan sa simbahan para ipagdasal ito ay baka hindi ito maniwala. Pero tinapat na siya ng doktor na tumingin dito no'ng huli itong dalhin sa ospital kasama pa ang anak din niyang doktor na si Emilio. Ilang araw o ilang Linggo na lang ang aabutin ng kanyang anak kaya mas mabuting lahat sila ay makasama na ito sa huling sandali ng buhay nito. "Rowena is my precious treasure, I never judge her decision in life because she's smart. Siya ang bunso ko na talagang kamukha ng aking namayapang asawa pero siya din ang anak ko na kapag may ginusto ay talagang gagawin niya. I am here to love and support her always, but seeing her dying tear me apart." Pigil-pigil ng alkalde na huwag mapaiyak kapag ganitong naiisip niya ang kalagayan ng kanyang anak. Ang sabi nga hindi ang magulang ang maglilibing sa kanyang mga supling bagkus ang anak ang dapat maglibing sa mga magulang. Dahil walang mas sasakit pa sa tulad niyang isang ama na mawawala ang kanyang anak. Pero mukhang hindi 'yon mangyayari dahil ano mang oras ay babawiin na ng Diyos si Rowena. 

"I love watching her to grow and evolve into a amazing young woman and I couldn't be proud of her. Noon pa man na maliit siya ay pangarap na talaga niyang maging teacher pero sabi ko naman sa kanya ay hindi siya yayaman sa propesyong 'yan. But Rowena said to me that she don't need to be rich, dahil ako naman daw ang magbibigay ng kayamanan sa kanya." Kuwento pa ng matandang Agcaoli habang inaalala ang tugkol sa kanyang anak. Natatawa talaga siya kapag naaalala niya ang pag-uusap nilang 'yon na mag-ama. "She light up my world when my wife passed away, nawala ang galit ko sa mundo sa pagkawala ng asawa ko dahil sa kanya. Na kailangan ko pa lang magpatuloy sa buhay dahil may apat akong anak na kailangan pa ako. And i guess I was right raising her, my guidance, love and support shaped her into the person she became right now. Lumaki siyang may takot sa Diyos at lumaki siyang mabait na bata kaya ang lahat ng nangyayari na ito ay hindi ko talaga b-basta matanggap." Muling nag-crack ang boses niya, sa dinami-dami kasi ng masasamang tao sa mundo ay bakit ang anak niya pa ang nagkasakit? At kung puwede nga lang niya akuin ang karamdaman nito ay gagawin niya talaga pero hindi naman puwede. 

Mas lalo lang tuloy tumaas ang respeto ni Damian sa ama ng kanyang kasintahan. Bawat salita kasi na sinabi nito ay talagang galing sa puso. And he knew he's more hurting deep inside her, at gano'n din siya. Pareho lamang siya ng nararamdaman ngayon. And that made him speechless actually because he don't know what to say too.

"Simula ng malaman niya ang tungkol sa sakit niya ay hindi siya nagpabigat sa amin, she's always positive in life eve though I know she's hurting too and dying. Kaya ng sabihin niya sa akin ang tungkol sa 'yo ay natakot ako para sa kanya. My daughter is sick and I can't see her hurting anymore. Pero sabi niya sa akin masaya daw siya kapag kasama ka niya, at iba ka daw sa mga lalaking nanligaw sa kanya. So Damian I'm very thankful to you iho, we just knew each other for a short time but I know you are a good person. Sa unang tingin ko pa lang ng makita kita sa restaurant ay alam kong mabuti kang tao. Kaya nagpapasalamat ako sa pagmamahal at oras na binibigay mo sa anak ko."

"Your daughter is the sweetest person I ever knew, and everytime I'm with her it feels like it's always right. And I never been so sure like this in my life, dahil kahit sa maiksing panahon lang ay talagang minahal ko ang anak niyo Mayor. There is nobody else in this world that I would rather spend the rest of my life with because I truly love your daughter. So please Mr. Agcaoli give me your blessing to ask the hand of your daughter to marry me." Sabi ni Damian dahil kahit may sakit pa si Rowena ay wala siyang ibang babae na gugustuhin na pakasalan kung hindi ito lang.

"Hindi ka ba napapagod na lagi akong pinupuntahan dito?" Tanong ko sa kanya. 

Damian only shook his head. "I will never get tired doing this Rowena, ikaw pahinga ko."

Pinisil ko tuloy ang kamay niya na nakahawak sa akin. Sometimes I'm thinking that I don't deserve him, he's too good for me. At ang isipin na maiiwan siya dahil mamamatay na ako ay nagpapabigat sa puso ko. "I love you, mahal kita Damian."

Dinala naman ng binata ang kamay nito sa kanyang bibig at hinalikan 'yon. This is the right time to ask her, kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at inilabas na mula sa kanyang suot na jacket ang singsing na binili niya para dito. At ngayon din ay aalukin niya na itong magpakasal sila. 

#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon