CHAPTER 06

3.6K 74 3
                                    



Hi! All of my M.A series in vip group is 50% off. You can pm me on my fb page how to join!









"Rowena.." Muling ulit ni Damian sa pangalan nito. "You have a such a wonderful name and finally I knew it." Sabi agad niya ng makalabas sila ng restaurant. 



Tumingin naman muna si Rowena sa paligid bago hinampas ang sundalo sa balikat nito. Hindi niya kasi alam kung mapapagalitan ba siya mamaya o hindi pag-uwi niya ng kanyang ama dahil siguradong magtatanong ito tungkol sa binata. Baka nga isipin pa nito na nanliligaw sa kanya ang lalaking ito eh. 



"What? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong pa ni Damian na napakalawak ng ngiti ngayon, finally he knew her name. Na ilang araw niya din iniisip kung ano ba ang pangalan nito pero heto at nalaman na nga niya. Buti na lang talaga at malakas ang loob niya at naglakas loob siya na magpakilala sa ama nito dahil kung hindi malamang ay hindi niya ito makita pa dahil siguradong iiwas na ito. 



I snob him, he didn't knew how nervous I am when he approached me. Buti sana kung ako lang ang nandoon kanina kaso hindi dahil nandoon si Papa at maging ang Kuya Crisanto ko. And were guarded too dahil kasama din ni Papa ang mga tauhan niya na siyang nagbabantay sa seguridad niya kapag lumalabas. 



Sinundan naman ni Damian ang dalaga ng maglakad na ito, oo medyo alam niya na ang pasikot-sikot dito sa Olonggapo pero hindi ang mga maliliit na eskinita. Pinabalik na din niya kasi ng kampo ang kasama kaninang sundalo na si Frederick. Ayaw niya naman siyempre na may kasama sa unang beses na masosolo niya ang dalaga.



"What?" Mataray kong tanong ko sa kanya ng hawakan niya talaga ako sa balikat. 



"Your father knew we will go together on church, so hindi mo ako puwedeng iwan."  Kampanteng sabi ni Damian, pero totoo naman talaga 'yon diba? Her father knew they will go together on church kaya hindi rin siya puwedeng humiwalay dito o iwan na lang ito basta. Mamaya may mangyari pa ditong hindi maganda tapos siya pa ang ipahanap dahil siya nga ang kasama. 



Huminto ako at tiningnan siya, he looks okay I mean mukha naman siyang matino. At kumpara sa mga nakakahalubilo ko na sundalong Amerikano ay hindi naman siya bastos dahil hindi man lang siya natakot kay Papa na na magpakilala kanina at basta na lang ako kinausap ng makita niya ako. He even showed his ID'S to my father awhile ago, that made my father laughed too. "Ano bang gusto mo? May kailangan ka ba sa akin at kailangan mo talagang magpakilala kanina habang nasa restaurant tayo habang kasama ko ang tatay ko at kapatid ko."



Hindi man lahat naintindihan ng binata ang sinabi sa kanya ni Rowena ay alam niyang ang pinupunto nito ay kung bakit ba siya sunod ng sunod dito o kung bakit niya ito nilapitan ito kanina. "Because I like you, believe it or not I guess since I first saw you in the park I already started liking you." Wala ng pag-aalinlangan na sabi niya.



I feel uncomfortable when I heard that, but why should I feel like this? E hindi lang naman ito ang unang beses na may magsabi sa akin na lalaki ng nararamdaman niya sa akin? "T-This is not funny, I mean sorry but I'm not sign for this." Sabi ko sa kanya at saka naglakad ulit papunta sa sakayan. Magta-taxi na lang siguro ako papunta sa simbahan ng San Roque dahil matatagalan lang ako kung mag-dyidyip pa ako. Isa pa anong oras na din at may hinahabol nga akong oras ng misa.



"Hey hey I will go with you right?" Pagpapaalala pa ulit ni Damian habang nakasunod pa din kay Rowena, takaw pansin talaga ang ganda nito kahit gabi na dahil ilang lalaki ang nadaanan nila na napapatingin dito. O alam lang ng mga 'to na anak ito ng mayor?



Pumara na ako ng taxi at talagang mukhang wala siyang balak na iwan ako dahil siya pa talaga ang nagbukas ng pintuan para sa akin ng may taxi na dumating. 



Masaya namang sumakay si Damian sa taxi dahil mukhang ito na ang hinihintay niyang pagkakataon na mas makilala ang dalaga. Dahil hindi naman na siya nito pinatigil pa o pinaalis pa.



  Kahit gabi na ay marami pa din tao sa San roque chapel mula sa labas ngn simbahan kung saan maraming nagtitinda ng kung anu-ano lalo na ng pagkain hanggang sa loob. At dahil Linggo pami-pamilya ang nagsisimba ngayon o magkakaibigan dito. Isa ito talaga sa hindi puwedeng palampasin ni Rowena tuwing Linggo ang makapag-simba. Gusto niyang magpasalamat sa Diyos sa buong Linggo na naging maayos ang lahat, lalo na sa kanyang trabaho bilang isang guro. Lagi niya din ipinagdadasal ang kalusugan at kaligtasan ng bawat kapamilya niya lalong-lalo na ang kanyang ama. 



"Peace be with you." Nakangiting sambit ni Damian ng dumating na sila sa oras ng misa na babatiin ang bawat isa na naroon sa paligid nila. Hindi naman ito ang unang beses na nakapagsimba siya 'yon nga lang hindi dito sa Pilipinas kung hindi sa Amerika. His mother is catholic they even have altar at home. Still he can't say he's religious person like what he saw on Rowena. Hindi siya gano'n kadalas magsimba at lalong hindi siya gano'n kadalas magpunta sa simbahan.



Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko at halikan 'yon. Ito kasi ang unang beses na may nangahas na gumawa no'n sa akin. At talagang siya pa talaga!



"You look startled, did I made you nervous?" Mahinang tanong ng binata, maliwanag sa loob ng simbahan at nasa may gitna sila nakaupo ngayon kaya kitang-kita niya na mamula ang pisngi ni Rowena matapos niyang halikan ang kamay nito. 



"You're getting in my nerves, at hindi nakakatuwa ang ginawa mo." Sabi ko at naupo ulit, ayokong ipahalata na ninerbyos ako ng halikan niya ang kamay ko. Dahil gano'n siguro siya, gano'n ang kinalakihan niya dahil sa Amerika siya galing. "Wag mo ng uulitin 'yon dahil baka kung ano ang isipin ng ibang tao na makakakita at makakakilala sa akin." Sabi ko pa, I have a reputation because I am a teacher and also a daughter of the town mayor here. At hindi magiging maganda kung may makakakita sa akin sa ganitong tagpo lalo na sa publiko. 



"Don't worry dadan-dahanin kita." Sabi naman ni Damian na hinawakan ang kamay ni Rowena. 


#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon