CHAPTER 08

3.5K 68 1
                                    





M.A series 01 to 15 is still pre order and open for installment! Pm me on my fb page how to avail!


Last update for this week! Happy weekend!






Laking tuwa ni Damian ng makita na nasa parke na naman si Rowena pagdating ng araw ng Lunes. He's happy seeing her and he was actually motivated to finish his work because he was hopeful to see this woman. Hindi siya papayag na ganon-gano'n lang ang lahat matapos siyang iwan nito kagabi sa simbahan. At hindi nga siya nabigo dahil nandito nga ito sa parke ngayong hapon, at kahit malayo pa siya ay alam niya agad na ito talaga ang dalaga. She's wearing a color maroon dress now, na lagpas hanggang tuhod nito. Nakalugay lang din ngayon ang buhok nito na may pagka-kulot-kulot ngayon. She looks simple but elegant too, alam mong may pinag-aralan talaga ay nakaka-angat sa buhay ang dalaga. Napansin din niya ang sasakyan na nakaparada sa di kalayuan at hula niya ay may kasama itong dirver kagaya no'ng nakaraan.



"Hi.." Bati ng binata ng makalapit sa kinaroroonan ni Rowena. 



Napatingin naman ako sa nagsalita at ito na naman pala ang lalaki kagabi, talagang hindi pa din nagtanda at nandito na naman ito. Tinupi ko ang binabasa kong libro at saka siya tiningnan sa mukha, hindi muna talaga ako umuwi gaya ng dati dahil magpapalipas nga ako ng oras dito sa tabing dagat at para magbasa din ng libro. He's still in uniform, at siya lang mag-isa ngayon at wala siyang ibang kasama. "You again." Sabi ko sa kanya. 



Ngumiti naman si Damian, she's snobby but he like her kaya hindi uubra sa kanya ang pagsusungit na pinapakita nito. Isa pa lalo siyang napupursige na kilalanin ito kapag ganito ito sa kanya. "Meryenda?" Sabi niya sabay abot dito ng binili niyang tupig paglabas niya ng base, nakita na naman kasi niya ang madalas bilhan ng mga kapwa niya sundalo nito at dahil hindi pa nga nagmemeryenda ay bumili siya. Dinagdagan na din niya para nga may meryendahin sila ni Rowena kahit hindi siya sigurado kung nandito ba nga ito. Pati fresh buko juice ay bumili din siya at inabot niya nga sa dalaga ang isa. 



Tinanggap ko ang binigay niyang pagkain sa akin, mainit-init pa 'yong tupig kaya masarap pang kainin kapag ganito. Marami talagang nagtitinda ng ganito dito sa loob ng Subic o kaya sa Olonggapo. Usually mga naglalako o kaya naman 'yong iba ay may puwesto sa tabing kalsada. Gawa 'to sa galapong, gata at saka muscavado sugar at binabalot sa dahon ng saging at saka isasalang sa uling para maluto. "Salamat." Sabi ko at nag-umpisa ng kumain ng binigay niya. 



Hindi rin muna nagsalita si Damian at kumain muna, he want to enjoy this moment. Dahil mukhang hindi masungit ngayon si Rowena. Nakita niya din sa tabi nito sa pagitan nilang dalawa ang binabasa nitong libro. She's reading a romance book, English pa nga 'yon at ito nga ang madalas nitong gawin kapag nandito ito sa park. He always saw her reading, at kahit maraming puwedeng pagka-abalahan ay pagbabasa talaga ang libangan nito.





Dalawang tupig lang ang kinain ko at inubos ko ang binigay niyang buko juice. Masarap nga talaga dahil mainit pa. "Salamat, pero ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, iniwan ko na nga siya't lahat kagabi pero talagang pinuntahan pa din niya ako dito. Buti nga din at hindi na nagtanong ng kung anu-ano si Papa kagabi pag-uwi ko maging ang kapatid ko ay hindi din. Dahil habang pauwi ako kagabi at sakay nga ng taxi ay sige naman ako sa isip kung ano bang magandang idahilan ko at nakilala ko ang katulad ng lalaking ito. 



Tinapon muna ni Damian ang pinagkainan nilang dalawa sa nakita niyang basurahan na gawa sa malaking drum na hinati. "Because aside on the fact I want to see you, I want to court you as well." Sagot niya sa tanong nito matapos maupo ulit sa tabi nito. 



"We can be friends but you can't court me." Sabi ko ng tingnan ko siya. 



Napakunot noo naman si Damian sa sagot ni Rowena, bakit parang ang labo naman ng sagot nito sa kanya? "And why not? You don't have a boyfriend right? So why I can't court you?" 





Napailing ako, akala ko nga Pilipinong lalaki lang ang makulit, pero hindi pala dahil maging mga foreigner ay makulit din. "Because I don't want to have a boyfriend, and I know you're going to stay here only for few months for your work then you will go back to your country. And there is no assurance that you will back here and I guess you just want to have fling here, so sinasabi ko ulit sa 'yo na hindi ako gano'ng klaseng babae. If ever I don't want a long distance relationship and it's not on my mind now to have a boyfriend too. Ayoko period." 



He understand her, pero hindi naman siya nakikipaglaro kung 'yon ba ang ibig sabihin nito sa gusto niya. "But believe me my intention to you is real, you really caught my attention when I first time I saw you that's why I want to court you." Ani ni Damian, kahit nga niyayaya siya kanina ng mga kasamahan sa kampo na mag-bar mamayang gabi ay hindi siya nag-oo sa mga ito eh. Dahil alam na niya ang mangyayari doon, she will just meet woman there and he's thinking that once he got drunk they might end up on a hotel again. At ayaw niyang mangyari 'yon, he want to focus his attention towards Rowena. 



"It's hard to believe what you're saying to me, so I'm giving you an option now. We can be friends but you can't fall." Sabi ko pa, dahil siya ang mas mahihirapan kung sakaling totoo nga talaga ang sinasabi niya na gusto niya ako at plano niyang manligaw.  



Tiningan ng maigi ng binata si Rowena na para bang inaalam kung totoo ba o seryoso ito sa sinasabi nito sa kanya. At dahil walang nabago sa reaksyon nito ay alam niya ng seryoso nga talaga ito. "I can't promise that, but for the meantime I will accept your offer so that you will know me too. Na gusto kong malaman mo na totoo ang sinasabi ko sa 'yo na gusto talaga kita."                   

#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon