CHAPTER 25

4.3K 66 1
                                    




"Damian.." Nagulat pa ako ng makita ko siya sa labas ng eskwelahan na pinapasukan ko, nakatayo lang siya at pasilip-silip sa gate. Hindi siya naka-uniform at naka civillian lang din siya ngayon. Tatlong araw din ako kasi hindi nakapasok dahil nagkasakit ako.





"Kumusta? You were absent for three days and ngayon ka lang pumasok diba?" Sabi ng binata, inagahan niya ang punta dito ng kalahating oras dahil umaasa siya na nandito si Rowena. At hindi naman siya nabigo dahil pumasok na pala ulit ito. Akala pa naman niya ay uuwi na lang siya na hindi ito nakikita.




Sumabay siya sa akin sa paglalakad, ngayong araw lang kami nagkita simula ng may mamagitan sa amin. And actually I don't know what to say to him. Para akong nahihiya na hindi ko maintindihan. "I got sick and thank you for your concern about me."




Damian took a deep breathe when they stop walking on the waiting shed outside the school. May mga estudyante pa din dito sa labas ng paaralan na sa tingin niya ay malapit lang din ang mga bahay ng mga bata na nakikita niya. Napansin niya kasi na hindi naman uso dito ang school service at kalimitan naglalakad lang ang mga estudyante. "You made me worried." Sabi niya pa dito dahil 'yon naman ang totoo. Tatlong araw itong hindi pumasok at talagang nag-alala siya lalo pa at naiisip niya na baka may nangyari ng masama sa dalaga. "Kung hindi ka pumasok ngayon malamang sa malamang ay pumunta ako sa bahay niyo." Dagdag niya pa, 'yon ang isa niya pang naiisip at bahala na lang magpaliwanag kung nandoon din ba ang ama nito. Basta ang importante ay makita at malaman niya kung ano bang lagay nito.




"Damian!" Napalakas pa ang pagtawag ko sa pangalan niya dahil tumingin pa ang dalawang estudyante na dumaan. "You can't do that, magtataka si Papa." Sabi ko, buti na lang pala at pumasok ako kung hindi malamang sa malamang ay talagang pumunta nga siya sa bahay namin. "At baka mamaya ay mahuli ka pa ng tauhan namin."



"And so? Wala naman akong gagawing masama kaya bakit ako matatakot sa Papa mo?" Turan pa ni Damian, ganitong may nangyari na sa kanilang dalawa ay talaga nga namang mas gusto niya ito lalong makita. Maputla pa ang mukha nito at halatadong nagkasakit nga. "Susunduin ka ba ngayon? May pupuntahan ka pa ba? You should go home now and get some rest." Baka kasi pumunta pa ito sa parke kung saan ito nagpapalipas ng oras kaya mas maigi na itanong niya dito.




Napataas ang kilay ko, akala ko pa naman gusto niya akong makita pero mukhang hindi pala dahil pinapauwi niya na ako. "Yes our driver will pick me up." Tiningnan ko pa ang suot kong rilo at tama naman ang oras na sinabi ko kung kailan ako susunduin ng driver namin. Siguro ay on the way na din 'yon dito. 


"Good you should go home now because you still look sick Rowena and maybe later I will go to your house." Ani ni Damian na inabot ang ilang kopya ng litrato nila ng dalaga noong dinala niya ito sa barko. Pina-develop niya na kasi 'yon at laging bitbit kapag pumupunta dito para ibigay sana. At buti naman at nangyari na din ngayon sa wakas. 




Tiningnn ko naman ng laman ng sobreng binigay niya at doon ko na nalaman na mga litrato pala naming itong dalawa noong isama niya ako sa barko noong Sabado. May dala kasi siya no'n na camera kaya naman 'yon ang ginamit namin. Apat na iba-ibang kuha pala ang mga ito. Ang dalawa ay solo picture ko at 'yong dalawa naman ay dalawa kami. "Teka saan ka pupunta?" Tanong ko ng maglakad siya palayo.






But Damian only wave his hand to her before he ride the Harley Davidson that he borrowed to his workmate. Sakto namang pag-alis ng binata ay siya din pagdating ng sundo ni Rowena kaya wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi sumakay doon at tanawin na lamang si Damian. 




  Bago pa mag-ala sais ng gabi ay dumating na ang ama ni Rowena kasabay ang kapatid niyang si Crisanto mula munisipyo. Bumalik na din kasi kahapon sa Maynila ang panganay nilang si Emilio kaya maliban sa kanilang tatlo ay mga tauhan at kasambahay na lang ang kasama nila sa bahay. She requested sinigang na baboy to their helper for the dinner, kahit bawal na siyang kumain ng karne dahil sa kondisyon niya ay kumakain pa din siya pero hindi din naman 'yon palagi. Sabi nga ni Rowena ay habang buhay pa siya at nagagawa pa ang gusto niya ay pati gustong pagkain ay kakainin niya na. 




"Are you sure you are okay Rowena? Or do you want me to call a doctor?" Tanong ng ama ng dalaga matapos nilang kumain. 




"I'm good Papa, papasok na po ako sa kuwarto para makapaghinga." Nakangiting sagot ko, I know he's worried about me. Kanina nga ay maaga siya nagising at sinabayan niya ako sa pag-aalmusal ko kahit hindi naman niya 'yon ginagawa. Ayaw niya pa nga ako papasukin sana pero sabi ko naman sa kanya ay ayos na ako at kaya ko na ulit magturo. 




"Are you sure iha?" Pagsisiguro ng matandang Agcaoili na bakas pa din sa boses ng matanda ang pag-aalala sa anak. Kung siya lang ang masusunod ay kukuha siya marahil ng doktor para bantayan ang anak niyang ito pero sigurado din kasing hindi ito papayag.


Hinawakan ko ang kamay niya ng lapitan ko siya. "Yes po matulog ka na din. Goodnight." I kissed his forehead, ito ang ayoko eh. 'Yong kapag nakikita ko si Papa na nag-aalala sa akin ng ganito kaya kung minsan kahit masama ang pakiramdam ko ay hndi ko pinapakita sa kanila dahil ayoko na mag-alala sila para sa akin. Lalo na itong si Papa, he maybe look tough from the outside but he's also soft hearted.



Bumuntong hininga ang matanda dahil wala naman na din siyang magagawa pa. "Fine, goodnight."





Umakyat naman na si Rowena sa ikalawang palapag ng bahay nila pero pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay hindi niya inaasahan ang makikita doon. Walang iba kung hindi si Damian na mukhang hinihintay siya!

#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon