CHAPTER 12

2.9K 52 0
                                    



Last update for this week, happy weekend!

Ask lang may nakapagpa-therapy na ba dito? Gano'n ba talaga after physiotherapy? Ang sakit parang from 1 to 10 8 ang sakit niya do'n sa nilagyan ng apparatus, Tuesday ako nagpa therapy and until now ngalay pa din balikat hanggang kaliwang braso ko🥺 tapos bukas therapy na naman😥








Pag-dampi lamang ng labi ni Damian ang nangyari sa labi ni Rowena pero para sa kanya ay napakasarap na maramdaman 'yon at para bang nanalo siya sa kung ano. Her lips was so soft, at parang hindi nga lang 'yon ang gusto niyang gawin pagkatapos at sa halip ay parang gusto niya pang palalimin ang halik na gusto niyang gawin dito. Pero doon lang din siya mas lalong nagpigil dahil tiyak na magagalit ito lalo sa kanya. Hindi pa naman ito kagaya ng ibang babae na ayos lang kung halikan.



"Damian!" Naitulak ko nga siya pagkatapos niya akong halikan, he really kissed me! At talagang dumampi ang labi niya sa akin!



"I will not say sorry Rowena, your lips is so inviting." Ani ni Damian na para bang handa ng masampal ng dalaga sa kapangahasan niya o kaya naman ay handa na sa galit nito. Pero kasi napakaganda naman talaga nito ngayon, at kahit nga ang ibang sundalo kanina na nadadaanan nila ay hindi maiwasang tingnan din ito. She's still wearing vintage dress and because of that she look more sophisticated and stunning. 



Pero imbes na magalit ay dinampot ng dalaga ang maliit niyang bag at saka naglakad palayo mula kay Damian. She feel humiliated, walang sino man kasi ang nangahas na gumawa ng gano'n sa kanya kung hindi ito lang. At ano ba kasing naiisip nito at ginawa ang gano'n? Na basta na lang siya hinalikan na walang paalam? 



Doon naman na nag-alala si Damian at dali-daling inayos ang suot na pantalon na nakatupi pa din hanggang tuhod niya saka hinabol ang dalaga. Nag-aalala siya na baka matapilok ito o ano pero kasi hindi niya talaga mapigilan ang sarili na gawin ang gano'n lalo pa at pakiramdam niya ay parang ang sarap naman talaga nitong hagkan. 



Kahit masakit ang paa ko dahil mabilis ang ginawa kong paglalakad ay hindi ko ininda 'yon, agad kong kinuha ang binili ko at iniwan namin kanina sa entrance ng kampo nila at saka lumabas na ng tuluyan mula sa U.S naval base. Dapat yata hindi na ako sumama sa kanya dahil posible talaga na maging agresibo ang isang lalaki na kagaya niya sa akin. Mukhang masyado akong nagtiwala at nagpadala sa mga mabulaklak niyang pananalita sa akin pero hindi na talaga ako sasama sa susunod!



"Hey hey, Rowena." He held her on her arms to make her stop from walking. Hindi din niya ito binitiwan ng mahawakan niya kaya napahinto din ito. She's mad and he knew it!



"I don't like what you did Damian, you can't kissed me like that but you did!" Para akong maiiyak dahil hindi naman talaga tama ang ginawa niya, he just kissed me without my permission.



Damian felt sorry now specially seeing her like this. Mukhang hindi nga nito nagustuhan ang ginawa niya kanina pero hindi naman talaga totoong halik 'yon kagaya ng dapat na mangyari. Dumampi nga lang din ang labi niya sa labi nito kaya bakit ganito na lang ang reaksyon nito? "I-I'm sorry, I lost control, I thought that's was okay but I was wrong." Hingi niya ng paumanhin dito. Oo na mali na siya, siya na ang may kasalanan. 



"And let me say this to you again, I'm not like the other woman you met here Damian. Hindi nila ako katulad na nagpapahalik na lang basta at lalong hindi tama ang ginawa mo." Sabi ko sa kanya at pinara agad ang dumaan na taxi at sumakay do'n. 



Napapadyak naman sa inis ang binata ng makitang umalis na nga talaga si Rowena, wala na nasira na ang plano niya na ayain itong kumain o kaya naman manood ng sine! Wrong move Damian, wrong move!



Agcaoli mansion..

"Ayos lang po ba kayo Senyorita? Nakaayos na po ang panligo niyo." Sabi ng disi sais anyos na dalagita at isa sa kasambahay ng pamilya Agcaolli. Ping-init niya kasi ng tubig ang kanyang senyorita Rowena pero mukhang may malalim itong iniisip ng maabutan niya. Napansin na din niya kanina na ganito ito lalo na ang oras ng hapunan. 



"S-Salamat Carlita, palagay na lang ako sa loob ng banyo." Sabi ko naman, gabi na at nakakain na din naman kami ng hapunan pero mukhang ang isip ko ay nasa nangyari pa din kanina. Pero nakakainis naman kasi talaga ang ginawa ni Damian diba?



Ilang sandali pa ang lumipas at lumabas na din mula sa banyo si Carlita bitbit ang initan ng tubig. Mayroon kasing sariling banyo ang kuwarto ng kanyang senyorita at kung gusto nitong maligo na mainit o kaya naman maligamgam ay siya talaga ang nagpapakulo ng tubig at nagdadala nito dito sa kuwarto. "Ayos na po Senyorita, puwede na po kayong maligo." 



Ngumiti ako sa kanya. "Salamat, siya nga pala samahan mo ako bukas ng umaga magsimba ha." Dagdag ko pa, umaga na lang ako magsisimba bukas dahil araw nga ng Linggo at baka mamaya ay puntahan pa ako ng Damian na 'yon sa simbahan bukas kung sa hapon ako magsisimba. May usapan kasi kami na magsisimba nga bukas pero dahil sa ginawa niya ay hindi na talaga matutuloy 'yon. Ayoko muna siya makita dahil hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya sa akin. 



"Sige po Senyorita, ano po bang oras tayo aalis para alam ko."



"Yong pang alas singko ng umaga na misa ang dadaluhan natin para hindi mainit at maaga din tayo makabalik. Kaya dapat maaga ka magising." Sagot ko, maaga naman ako nagigising kahit walang pasok sa eskwela kaya wala sa akin problema kung maaga kami magsimba bukas. 



"Sige po maaga po ako magigising para makapag-handa muna ako ng almusal niyo at makagayak." Sabi ng dalagita kay Rowena. 



"Sige salamat, o siya maliligo na ako at baka lumamig pa ang tubig na pinainit ko sa 'yo." Tumayo na ako at kinuha ang bagong kuha ko na towel mula sa cabinet. 



"Sige po Senyorita bababa na po ako." Paalam ng dalagita kay Rowena. 



Inilock ko muna ang pintuan bago ako pumasok sa banyo, hindi ko muna iisipin ang Damian na 'yon dahil sumasakit lang ang ulo ko sa kanya.

#maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon