CHAPTER 15

2.7K 54 1
                                    






Hindi magawang makapag-focus ni Rowena sa pagtuturo habang nasa harapan ng kanyang mga estudyante  dahil naiisip niya ang nangyari kagabi habang nasa loob ng kuwarto niya si Damian. Ang lalaking 'yon! Sa isip-isip niya pa, paano ba naman at talagang inabot lang naman ito hanggang alas dose ng hatinggabi sa silid niya. Mas lalo lamang tuloy siya kinabahan dahil nandoon na din ang kanyang ama at kapatid na nakauwi na, maging ang mga tauhan nila ay nandoon din sa ibaba at ang kinakatakot niya ay baka mahuli ang binata. Pero buti naman at nakalabas ito ng kuwarto niya na walang nangyayaring masama dahil hindi naman ito nalaglag o kaya nahuli, hindi na din kasi tumila pa ang ulan kaya ng umaambon-ambon pa ay nagpasya na si Damian na umuwi isa pa may pasok pa kasi siya kinabukasan kaya sinabihan niya na ito na kailangan na talaga umuwi. Pero ang mas inaalala niya lang ay ng halikan na naman siya nito sa kanyang labi bago ito mismong bumaba ng bintana niya, at wala siyang nagawa kagabi ng gawin nito 'yon. Hindi niya naman kasi ito puwedeng sigawan dahil tiyak na may makakarinig sa kanila. 



Pagdating ng hapon ay nagpunta ulit si Rowena sa parke, but this time she choose the chair near on the seashore. At dahil araw ng Lunes ay walang masyadong tao doon kaya naman makakapag-pahinga siya sandali habang nakikinig ng mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mamaya na siya uuwi dahil maski 'yong driver na sumusundo sa kanya ay sinabihan niya na balikan na lang siya nito mamayang bag mag-alas sais . 



"Rowena.." 



Hindi man ako lumingon pero alam ko na agad kung sino ba ang nagsalita at tumawag sa pangalan ko. Pero pagtingin ko ay hindi lang si Damian ang naroon kung hindi may kasama pa siya. Kaya para namang nahiya ako na huwag bumati. "Hi.." Ngumiti ako dahil may kasama nga siya. 



"I thought you were not here at the park, wala ka kasi doon sa dati mong puwesto." Sabi ni Damian sa dalaga na tinuro pa talaga ang madalas na puwestuhan nito kapag nandito sa parke. Gusto niyang tanungi ito kung nakatulog ba ito ng maayos kagabi pero mamaya na lang siguro kapag sila na lang dalawa ng dalaga. 



"Dito ako pumuwesto kasi gusto ko marinig 'yong alon ng dagat." Sabi ko naman sa kanya at pinasok na muna ang magazine na binili ko kanina bago magpunta dito. 



"I see.." Tatango-tango na sabi ng binata. "Anyway I'm with Peter, he's also a soldier." Pagpapakilala niya sa kasamahan na si Peter. 



Nginitian ko naman ito at saka inilahad ang kamay ko. "I'm Rowena, nice meeting you." Sabi ko sa kasama ni Damian na halatado na purong Amerikano. 



Tiningnan naman ni Peter ang katabi kung makikipag-kamay ba siya sa dalaga lalo pa at alam niyang ito ang pinopormahan ng boss niya. At ng tumango ito ay doon lang niya tinanggap ang pakikipag-kamay ni Rowena pero saglit lang 'yon at mabilis din niyang pinag-bitaw ang mga kamay nila. 



"I brought him so he can take a picture of us." Sabi ni Damian na pinakita kay Rowena ang bitbit niyang Minolta X-700 camera. It's a 35 mm single-lens reflex film camera by Minolta and the top model now in America. Hindi talaga sa kanya 'to kung hindi hiniram niya lang sa isang opisyal na sundalo sa loob ng kampo. Gusto niya kasi magkaroon sila ng dalaga ng litrato kaya naman nang-hiram siya. 



Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Damian pero nakita ko nga na may bag ng camera siyang dala. At mula doon ay inilabas niya na ang isang DSLR camera at kung hindi ako nagkakamali ay alam kong mahal ang gano'ng klaseng camera dahil nakikita ko 'yon sa mga diyaryo. At kung hindi ako nagkakamali ay baka mga nasa 20,000 thousand pesos 'yon dito sa atin.



Iginiya naman ng binata si Rowena sa tabing dagat kung saan hindi lang ang dagat ang background nila kung hindi pati na din ang mga barko ng Amerika na naka-daong doon. Ipapa-develop niya din talaga agad ang mga kuha nilang dalawa bukas.



"Do we really need to do this?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo na kaming dalawa. Kung wala lang siguro siya kasama ay hindi ako mahihiya na tarayan siya. At lalong hindi ako papayag na magpakuha ng litrato naming dalawa.



"Yes, it's just a picture Rowena. I just want to have a picture with you." Sabi pa ni Damian na sinenyasan si Peter para kuhaan na sila ng litrato. Habng papunta sila dito ay pinaliwanag niya na dito ang gusto niyang mangyari, he want to have a good picture with Rowena so he can look at her everytime he want once their picture is develop. 



Kahit naiinis ako kay Damian ay parang wala lang sa kanya 'yon at talagang makulit ang lalaking ito at nagpatianod na lang ako sa pagkuha sa aming dalawa ng litrato. Buti na nga lang din at maganda ang dress na suot ko ngayon, natural gusto ko kapag kinukuhaan ng litrato ay 'yong maganda at nakaayos ako. We have a picture standing together, mero'n din 'yong naka-akbay siya sa akin. 'Yong mga unang picture naming dalawa ay nakasuot pa ako ng sumbrero pero 'yong iba naman ay wala at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Basta sabi ko sa kanya once na ma-develop ang mga picture ay dapat bigyan niya ako ng kopya. 



"What? Come on smile." Ani ni Damian habang naka-akbay na naman sa balikat ng dalaga pero naramdaman niya ang mahina nitong pag-siko sa tagiliran niya at nakita niya din ang pag-irap nito sa kanya. 



"Lagot ka talaga sa akin mamaya." Banta ko naman sa kanya, pero ngumiti na din ako dahil nagbilang na ang kasama niyang sundalo at kinuhaan na nga kami ng litrato. 




#maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon