CHAPTER 28

1.6K 41 0
                                    



Rowena never thought she will have a relationship with someone, dahil unang-una wala naman talaga sa isip niya na magkaroon ng boyfriend at maski nga magpaligaw ay hindi niya iniisip.  Pero nangyari na nga, at hindi niya maiwasan minsan mag-isip tungkol sa mahigit isang buwan ng relasyon niya kay Damian. Lalo pa at madalas siyang nagkakasakit nitong mga nakaraang Linggo. Naiba na ang naiisip niya ngayon at hindi na kagaya dati, dahil ngayon parang gusto niya ng gumaling mula sa sakit niya para mas makasama pa hindi lamang si Damian kung hindi pati na ang iba pa niyang mahal sa buhay. 



"We shouldn't go here if you feel tired." Damian said before he looked Rowena on his side. Magkatabi silang dalawa sa upuan habang ang tanawin na nasa harapan nila ay ang kalmadong dagat. Nandito sila sa loob ng Subic, dito kasi sila nagkita pagkatapos ng mga kani-kanilang trabaho. At kanina niya pa napansin na mukhang pagod ang katipan kaya nga parang gusto niya ng iuwi ito para makapag-pahinga.



"I'm not." Pag-sisinungaling ko naman at humilig sa balikat niya, napatingin ako sa binigay niya sa aking bulaklak na alam kong binili niya sa mga nagbebenta dito sa parke. Hindi naman talaga nakakapagod ang pagtuturo lalo pa at kung gusto mo ang ginagawa mo. Saka hindi na din naman makukulit ang mga estudyante ko pero may pangilan-ngilan pa din naman na nadadaan naman sa saway. Hinihingal lang ako kaya ganito ako, 'yong para bang kinakaposako sa paghinga kaya nga kinakalma ko ang sarili ko. 



"Your father might looking at you now." Sabi pa ni Damian na nilaro-laro ang hawak na kamay ng dalaga. Alas sais pasado na din kasi ng hapon kaya iniisip niya na hinahanap na ito. Sa nakalipas na lagpas isang buwan ay napakaraming nangyari. At isa na nga doon ang pagkaroon nila ng relasyon ni Rowena na hindi niya nga sukat akalain na mangayayari. But it really happened, dumating ang isang araw na nagkausap silang dalawa at pinapahinto na siya nito sa panliligaw niya dito. 



"What you mean I cannot court you anymore? May mali ba akong ginawa? May hindi ka ba nagustuhan?" Tanong ni Damian sa dalaga, nasa labas sila ng ekwelahan dahil pinuntahan niya nga ito ngayong araw. Pero nagulat na lang siya ng sabihin nito na hindi na ito magpapaligaw pa. At talagang tungkol do'n ang binungad nito kaya sino ba naman ang hindi kakabahan?



"Yes, I'm serious on that. Do not court me anymore Damian." Seryosong turan ni Rowena sa kaharap na binata, parang hindi maipinta ang mukha nito o dahil nagulat lang sa sinabi niya ngayon kaya ganito?



"But why? I mean, were okay right? We don't have problem so why you're stopping me?" Hindi na din nakapagpigil pa si Damian dahil hinawakan na din niya ang kamay ni Rowena. Pero kahit hinawakan na niya 'yon ay hindi naman nabago ang itsura nito habang nakatingin sa kanya. At doon na siya kinabahan at napatanong sa sarili kung ano ba ang nangyari at bakit ito ganito ngayon. Dahil wala naman siyang natatandaan na may problema sila. 



"I'm saying to you now to stop courting me because I'm saying yes to you Damian." Hindi ko na napigilan pa ang ngiti ko dahil baka kung ano na ang iniisip niya sa akin. "Sinasagot na kita." Sabi ko pa at ng marinig niya na 'yon ay doon lang siya ngumiti. At hindi lang basta ngumiti dahil niyakap niya ako ng mahigpit at saka hinalikan sa noo. 



"Oh shit!" This is real right? Totoo 'to diba? Totoo 'to?" Parang hindi makapaniwala na bulalas ng binata. Akala pa naman niya ay seryoso na talaga 'to sa sinasabi kanina pero pinapahinto pala siya sa panliligaw dahil sinasagot na pala siya. And he can't believe it actually!



Hindi nahiya si Rowena na suklian ang yakap sa kanya ni Damian, pinag-isipan niya talaga ito ng maigi. Naisip niya kasi na dapat nga yata na bigyan niya ng tsansa ang sarili na magkaroon ng relasyon. Na kahit ganito ang sitwasyon niya ay wala namang masama na magmahal siya, pero nandito pa din ang takot sa dibdib niya lalo pa at hindi niya naman alam kung ano ba ang mangyayari sa mga susunod na araw na darating.



She always thank God for every morning that he woke her up, kasi sa bawat araw na dumadaan ay nabibigyan siya ng pag-asa na mabuhay pa at magkaroon ng panibagong araw. At siguro nga binigay din sa kanya ng Diyos ang katulad ni Damian na isang matiyaga na lalaki, kasi naiisip niya din na kung hindi naman totoo at seryoso ang pinapakita nito sa kanya tuwing magkasama sila ay dapat hindi na ito nagpakita sa kanya pagkatapos na may mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi naman nito 'yon ginawa at sa halip mas sinuyo pa siya ng sinuyo ni Damian. 



"Don't worry Rowena ipinapangako ko na magiging maganda ang relasyon nating dalawa at magiging masaya din." Sabi ng binata na niyakap ng mahigpit si Rowena. Hindi niya na inintindi kung may mga tao pa sa labas ng eskwelahan na nakatingin sa kanila dahil sobrang masaya siya ngayon.



At 'yon nga hindi na lamang sila ang nakakaalam na may relasyon silang dalawa ni Rowena dahil ipinaalam din nito sa ama nito ang tungkol sa kanila. The mayor was shocked too after he found out they have a relationship, and he was a bit shy to talked to him at first lalo pa at alkalde nga ang ama ng dalaga. Pero maayos naman silang nagkausap, siguro nga nabigla lang ito dahil hidni rin inaasahan na makikipag-relasyon ang anak sa kabila ng lagay nito. At isa lang ang pinangako niya sa ama ni Rowena, at 'yon ang hindi ito sasaktan at mamahalin pa lalo sa bawat araw na darating sa kanilang dalawa. 





"Hindi ka naman siguro naiinip na kasama ako diba?" Umayos na ako ng upo at saka tiningnan siya. 



"Of course not, why should I? You didn't know how happy I am everytime I'm with you Rowena." Ani ni Damian. 





"Wala lang, naisip ko lang." Kibit balikat na sabi ko, baka kasi mamaya ay naiinip na siya o kaya naman naboboring pag magkasama kami at 'yon ang gusto kong malaman. 



"Hindi 'yon mangyayari kaya wag mo ng isipin pa, pero ngayon mas maganda na iuwi na kita para makapag-pahinga ka na. Para bukas may lakas ka kapag nagpunta tayo sa Bataan." Masayang sabi ni Damian, Sabado kasi bukas at napag-pasyahan nga nila na mamasyal sa Bataan na halos isang oras lang ang layo dito. May pupuntahan na silang beach doon kaya naman nae-excite din siya sa isipin na kasama niya buong maghapon ang dalaga tapos makakaligo pa sila ng dagat. 



Inalalayan niya pa ako tumayo. inayos ko muna ang suot kong dress sa bandang likuran. "Sige na nga iuwi mo na ako." Sabi ko saka tumingkayad at hinalikan siya ng mabilis sa labi.




#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon