CHAPTER 11

2.9K 62 1
                                    





Hinubad ni Rowena ang suot niyang sapatos ng magpunta sila sa tabing dagat, nasa loob pa din sila ng naval base at masasabi niyang mas maganda pala ang tubig dito dahil talagang asul na asul ang kulay no'n. Hindi lang pala 'yon dahil napakalinis ng dalampasigan nila dito at maging ang mga buhangin ay walang dumi o ano mang kalat. Kaya siguro nagkaroon ng interes ang mga sundalong Amerikano sa lugar na ito dahil hindi na nga maalon ang dagat ay maganda pa. 



"Even if you want to swim I cannot allow that Rowena." Sabi ni Damian na tinupi ang pantalon hanggang bago mag-tuhod para hindi mabasa 'yon. Hindi maalon sa gawi ng dagat na pinuntahan nila at halos sila lang din na dalawa ang narito ngayon. Kaya talagang solo niya ang dalaga ngayon at walang puwedeng umistorbo sa kanila. 



I shook my head. "Don't worry I don't have a plan to go in swimming Damian." I answered him, well the water feels inviting me to dive in but of course I will not do that. Wala akong dalang damit at hindi tama na bigla na lang ako maliligo sa dagat dahil hindi 'yon ugali ng isang dalaga na katulad ko. At isa pa may mga naka-paskil din na bawal maligo sa parte na 'to at natural isa akong masunurin na mamamayan lalo pa at hindi naman Philippines government ang may hawak ng lugar na 'to kung hindi U.S goverment. 



Hinawakan naman ng binata ang kanang kamay ni Rowena ng humarap na ito sa kanya ng animo'y babalik na ito sa dalampasigan at hindi nga siya nagkamali dahil lumakad na nga sila papunta doon. 



"You can do unlimited swimming here." Komento ko ng makabalik na kami sa pangpang. Pinunasan ko muna ang paa ko ng ibinigay niyang pamunas bago ko sinuot ulit ang sapatos ko. Masarap ang tubig dagat sa paa, malamig at nakaka-presko.Hindi rin nabasa ang suot ko na dress dahil hanggang tuhod ko din naman 'yon. 



"You're right, and for me Philippines have one of the best beaches all over the world. I went already on different country but here is so nice and have a extensive coastlines." Ani ni Damian na inabot sa dalaga ang isang bote ng mineral water. Bago sila pumunta dito ay dumaan muna sila kanina sa canteen ng naval base para sana mag-meryenda muna doon. Pero bumili na lang sila at saka dinala dito sa tabing daga dahil naiilang doon ang dalaga lalo pa at may mga sundalo din na kumakain. Tag isang apple pie lang ang binili niya para sa kanila dahil busog pa nga daw si Rowena pero mamaya ay aayain niya itong mag-dinner sa labas. 



"And I guess you are a good swimmer too." Sabi ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig, mula sa kinaroroonan namin ay kitang-kita namin ang iba't-ibang barko na naglalakihan. Mga barko ng sandatahang Amerikano na nakatigil lang sa dagat at at hindi naman umaandar. Ito yata 'yong mga barkong inaayos dito gaya ng sabi ng kapatid ko. 



"I guess so.." Kibit balikat na sagot ni Damian, ayaw nyang magbuhat ng sariling bangko o magyabang sa dalaga na mahusay siya sa paglangoy dahl tiyak na hindi uubra 'yon dito. "I've been in Bataan last month and I can say they have also good beaches there. Maganda ang lugar, even if the sand is not white but the water is so amazing there plus the fact you can get pang-ulam in the sea easily." Kuwento niya, sinubukan kasi nilang mamingwit ng mga kasamahang sundalo noong nandoon sila at talaga nga namang mayaman ang dagat ng Bataan dahil mabilis lang sila nakahuli ng mga isda. Iba't-ibang klase at maging iba pang lamang dagat ay nakahuli din sila kagaya ng malalaking pusit. At maging dito din naman sa kampo ay nakaka-pangisda din sila kung minsan.



Tiningnan ko si Damian, hindi man siya gano'n kadalas magsalita ng tagalog at kung minsan ay baliko pa ay alam kong Pilipinong-Pilipino naman siya. "But as American soldier you are not here in the Philippines to occupy our country right?" 



Natawa tuloy si Damian sa tanong na 'yon ni Rowena paano ba naman napaka-seryoso ng itsura nito ng magtanong sa kanya ng gano'n. At alam niya ang gusto nitong ipunto sa kanya. "I'm not, so please stop thinking that Rowena. Hindi kami narito para sakupin ang Pilipinas okay." Paliwanag niya sa dalaga. 



"Good, atleast alam ko ang totoo, and siguraduhin mo lang na tama ang sinasabi mo ha." Sabi ko pa ulit, natural 'yon ang madalas isipin ng mga taga Olonggapo lalo na noong unang dumating 'yong mga barko ng Amerikano dito. Hindi lang sampung barko nila ang nakita ko noon at talaga nga namang mag-aalala ka kung bakit ba sila nandito at iisipin na baka may gyera o kung ano pa man. At alam ko na hindi lang itong mga barko na 'to na nakikita ko ngayon ang mero'n dito dahil sabi ni Papa ay may mga submarine din daw dito sa Subic. 



"I'm still Filipino in heart even if I'm American citizen, mapapalo ako ng Mama ko ng magic walis tambo niya kapag nagkatotoo ang ganyan. And were not here to have a war or occupy your country." Muling sabi ng binata na inumpisahan ng kainin ang apple pie na binili nila. Totoo naman eh, siguradong una siyang malalagot sa Mama niya kapag gano'n ang mangyari. Kahit pa sabihing may ranggo na siya sa trabaho ay walang ranggo-ranggo pagdating naman sa Mama niya. 



"Can't helped it but to asked that Damian, more on Filipino here think about that." Sabi ko pa sa kanya. American are powerful country at kahit sabihing marami rin naman sigurong sundalong Pilipino ang mero'n tayo ay kulang naman tayo sa mga armas at ibang kagamitan sa pakikipag-digma at hindi talaga makakaya ng Pilipinas kapag nangyari ang gano'n. 



"No worries and I understand you Rowena, hindi rin ako nag-sisinungaling sa 'yo. I'm really saying the truth, saka may usapan ang gobyerno ng Amerika at gobyerno ng Pilipinas kung bakit kami nandito." Ani ni Damian. 



"I hope so, dahil kawawa ang mga tao kapag may hidden agenda pala kayo kaya nandito kayo sa amin." Muli kong sabi. 



Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan nilang dalawa, hindi pa agad umuwi si Rowena dahil hinintay nila ang paglubog ng araw, kung anu-ano nga din ang pinag-kuwentuhan nila ni Damian at natutuwa ang dalaga dahil alam mong matalino kausap ang binata at alam din nito ang isasagot sa mga tanong niya. Inaya pa nga siya nito na magpunta sila sa beach sa bandang Zambales para mag-swimming at tinanong din siya kung may alam ba siya na magandang resort banda doon dahil hindi pa pala ito nakakapunta sa lugar na 'yon. At natural nag-oo ang dalaga, dahil hindi lang may alam siyang lugar lalo na sa may bandang Iba, Zambales kung hindi mero'n din sariling beach resort ang pamilya niya doon. 



"Next time I will bring you there." Turo ni Damian sa isang barko na naka-daong sa di kalayuan. 



"Hindi nga? Puwede?" Tanong ko sa kanya ng tingnan ko siya. Malaki ang barko at alam mong pagmamay-ari ito ng Amerika dahil may mga flag ng United states of Amerika sa palibot ng barko. At kapag nasa parke ka kung saan madalas ako pag tapos ng klase ko ay kitang-kita mo ang mga ito doon. Peor mas maganda nga lang pag mas malapitan dahil ang laki pala talaga. 



"Yes, if you want we can do that next week, kapag wala kang pasok sa school." 



"S-Sige gusto ko din makakita na isang barko na katulad niyan, I want to see what inside of American ship." Sagot ko sa kanya, sa libro at magazines ko lang kasi nababasa kung ano bang mero'n sa loob ng isang barko lalo na 'yong ganyan na ginagamit ng mga sundalo. Nakasakay na ako ng barko pero 'yong nasakyan ko ay passenger ship at natural magkakaiba ang mga barko base na din sa kung para saan gagamitin. 



Tumayo si Damian at inilahad ang kamay sa dalaga, hindi pa gano'n kadilim sa paligid dahil papalubog na nga ang araw. Humawak naman ito sa kamay niya at saka tumayo na rin mula sa pagkakaupo. 



"D-Damian.." I called his name when he didn't release my hand after I stood up, nakahawak pa din kasi siya doon at nakatingin din sa akin. 



"I-I'm sorry for thinking this but I want to kiss you Rowena." Sabi ng binata, bahala na talaga siguro kung magalit ba ito sa kanya o masampal siya pagkatapos pero kasi gusto niya talaga itong mahalikan. 



"W-What? Teka!" Pero wala na dahil mabilis niya akong kinintilan ng halik sa labi!



#maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon