The governor's daughter is now available in Shopee and Lazada. Magkakaroon po ng sign copies so sana umorder kayo, may freebies po 'yon na bookmarks and postcard. Yon lang, order kayo!
Walang salita na lumabas sa pagitan nila Rowena at saka Damian ng makapasok sila sa loob ng submarine. They just sit inside and looked at each other. Para silang mga bata na may ginawang kasalanan at nagtago tapos takot mahuli. Mula sa maliit na salamin ay nakita nila ang isang Amerikano na dumaan sa labas. Kaya kung nandoon pa sila ay malamang sa malamang ay nakita na sila nito. At ilang sandali pa nga ang lumipas ay inalis na ng binata ang kamay na tinakip niya sa bibig ni Rowena.
"Ang loko mo talaga!" Mahina ang boses na sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. Sabi na nga ba at restricted area ang lugar na 'to dahil hindi naman kami papasok dito at hindi niya tatakpan ang bibig ko kung hindi.
Tatawa-tawa naman si Damian dahil alam niyang kinabahan si Rowena ng may marinig sila kanina na naglalakad papunta sa gawi nila. This place is actually restricted specially from outsider, pero hindi naman sila magpapahuli kaya wala din dapat ikapag-alala. "This is the U.S navy submarine Rowena." Sabi niya dito at gamit ang maliit na flashlight na laging nakasabit sa suot niyang pantalon kasama ang iilang susi ay inilawan niya ang loob. He find the lights inside and opened it. "And this is one of the best."
Pinalibot ko ang tingin sa loob ng submarine, parang maliit lang siya kung sa labas mo titingnan pero hindi pala pagdating dito sa loob dahil malaki din siya at makakatayo pala talaga ang tao.
"Were here in the inner haul of the submarine which protects the crew from the water if we are under the sea." Kuwento ni Damian, isa ito sa pinaka-hight tech na submarine mero'n ngayon ang US navy at talaga namang napakaganda nito at sa katunayan nga ay hindi pa nagagamit. This one is made for war and for some studies as well.
Hinawakan ko ang telepono na nakita ko, ang ganda at siguro ito 'yong ginagamit para makatawag ka sa labas.
"This submarine is made from high-strength alloy steel and this is one of the best submarine has ever made. And Philippines don't have actually this kind of ships." Kuwento pa ng binata, wala talagang ganito ang Pilipinas dahil bago pa sila dalhin dito ay pinaliwanag na sa kanila at sinabi kung anu-ano lang ba ang mero'ng kagamitan ang bansang ito. At mahirap man sabihin pero isa siguro ang Pilipinas sa mga bansang kulang talaga sa armas na pang-digma.
Hindi ako umimik sa sinabi niyang walang ganito ang Pilipinas dahil wala nga naman talaga. Isa pa kilala ang Amerika sa buong mundo sa halos lahat ng larangan. "Ilan ang capacity ng submarine na 'to?" Tanong ko sa kanya, siguro dalawang laki ng sasakyan ito o kaya naman tatlong beses ng laki ng isang sasakyan.
"Four, this one are never been use but it's here already inside of the ship from America." Sagot ng binata, nakaranas na din naman siya ma-duty sa isang submarine at 'yon 'yong nasa Hawaii pa siya naka-assign. Of course at first he was a little bit scared because you need to stay underwater for few days. Pero natural lang na bilang sundalo kagaya niya ay hindi siya dapat matakot at trabaho lang talaga.
"I see, I hope my country will have this kind of submarine." Sigurado naman ako na milyon ang halaga ng ganito lalo na siguro kung bago pa. At sana magkaroon ang Pilipinas ng mga ganito.
"Come may ipapakita ako sa 'yo." Hinawakan ni Damian ang kamay ng dalaga at saka naglakad sila papunta sa unahan, hindi kasi gano'n kalakas ang ilaw dito sa loob kaya naman dapat lang na alalayan niya ito dahil baka matalisod ito.
Binuksan niya ang isang pinto na gawa sa mabigat na bakal, oo mabigat dahil humawak din ako doon at kung ako lang siguro ay hindi ko 'yon mabubuksan mag-isa. Pagpasok namin sa loob ay nakita ko doon ang pabilog na salamin at mukhang ito 'yong nakikita ko sa mga libro at magazine na kung saan kapag nasa ilalim na ng dagat itong mismong submarine ay makikita mo ang labas.
"I wish I can bring you underwater Rowena." Ani ni Damian habang nakatayo sa likod nito, amoy na amoy niya tuloy ang mabangong pabango ng dalaga pati na ang buhok nito. "Do you know how to swim?" He asked casually.
Humawak ako sa bakal na asa harapan ko, nasa likod ko siya at nagsalita pa talaga sa may tenga ko. "Yes but I knew you are more great in swimming." Natural lang siguro 'yon lalo na sa isang tulad niya.
Humawak din si Damian sa bakal kung saan nakahawak ang dalaga. "Yes I am, at sana makasama kita sa isang beach para makapag-swimming tayong dalawa."
Naiilang akong umusog paharap. Bakit parang binibigyan niya pa ng ag-asa na mahaba pa ang buhay ng isang katulad ko? At parang ang sarap isipin ng sinasabi niya dahil matagal-tagal na din ako no'ng huling nakapag-dagat. Pero bakit parang hindi niya naiintindihan ang mga sinabi ko sa kanya na malapit na ako mawala? Na may taning na ang buhay ko? Kaya naman humarap ako sa kanya para sana ipaalala ang tungkol doon pero parang mali ang pagharap ko na 'yon dahil nauntog lang ako sa dibdib niyang matigas.
He held her chin so that he can see her face, ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha nila ni Rowena kaya naman parang ang sarap halikan ng natural nitong mga labi. "I want to kiss you." Wala ng preno pang sabi niya, he want to kiss her properly at hindi 'yong basta lang maglapat ang mga labi nila at ginawa niya dati.
"Damian.." Bakit niya ba pinapakaba ang puso ko?
"Mainis kana lang sa akin mamaya pero gusto talaga kitang halikan Rowena." Sabi pa ng binata at doon niya na 'to niyuko para mahalikan ang labi nito.
#Maribelatentastories