CHAPTER 36

2.1K 29 0
                                    





Nandoon ang saya sa mga kapamilya ni Rowena ng sabihin nila sa kanyang pamilya na inalok siya ng kasal ni Damian at matamis na oo ang sinagot niya. His dad was surprised when he heard about it when he went home, though he's expecting Damian is on their house tonight. Pero hindi niya alam na ang pagpapaalam sa kanya ng binata na aalukin nga daw nito ng kasal ang kanyang anak ay mangayari agad. At natural na yata sa isang ama na kagaya niya na hindi lamang saya ang maramdaman ngayon kung hindi pati na ang lungkot dahil hindi niya alam kung talagang mangyayari ba ang kasal ng anak niya. Dahil ang mas nasa isip niya ngayon ay bumuti ang kalagayan nito.

#Maribelatentastories

"Mauuna pang ikasal ang bunso mo Papa kaysa sa iba mong anak." Sabi ko habang nandito siya sa tabi ko, I showed to him the engangement ring Damian gave it to me. Saktong-sakto 'yon sa daliri ko at para bang sinukat talaga sa akin. It's so simple yet very elegant in the same time. Umuwi na si Damian kanina dahil alas nwebe pasado na din naman ng gabi. At sabi ko kailangan din niyang magpahinga ng maayos dahil araw-araw din siyang pumupunta dito sa bahay para makita ang lagay ko. Hindi lang si Papa ang narito sa silid ko kung hindi maging si Kuya Crisanto saka Kuya Emilio. Masaya ako kapag ganitong magkakasama kami pero sana nga lang ay makauwi talaga bukas ang Ate Lorena ko gaya ng sabi niya kanina ng magkausap kami sa telepono. 


"Nasa tamang edad ka naman na Rowena, at nakikita ko naman na mahal ka talaga ni Damian." Sabi ni Domingo sa anak, pinisil niya din ang kamay nito dahil hawak niya 'yon. His daughter deserve to be happy and that's what he always prayed for. At sana ang dasal niya na patagalin pa ng Diyos ang buhay nito ay mangyari.


Napangiti ako, iba ang pakikitungo ni Papa kay Damian. Kasi noon sa iba kong manliligaw ay hindi siya ganito at kulang na lang talaga ay hindi niya payagan na pumunta dito sa amin. Pero kay Damian ay iba ang klase ng pakikitungo niya. At alam kong kahit hindi niya sabihin ay gusto niya talaga ito para sa akin. "Hindi naman ako sigurado kung mangyayari ba ang kasal namin." Sabi ko at tiningnan silang tatlo, ang dalawa kong kapatid na lalaki ay nakaupo dito mismo sa kama ko habang ako ay nakasandal sa kama. I said yes to Damian because I also wanted to be her wife. But I am not sure if we will really have a wedding like what we talked when he was here.


"It will happen Rowena, and we will make your wedding memorable. Diba Kuya Domingo?" Sabi ni Crisanto na siniko pa talaga ang kapatid na doktor. 


"Aba oo naman, magiging pinaka-magandang kasal 'yon dito sa Olonggapo Rowena." Pagsang-ayon naman ni Ernesto. 


I looked my two brother, ang mga kapatid kong busy sa kani-kanilang mga propesyon kaya hanggang ngayon ay hindi pa nag-aasawa. Pero sigurado akong magiging maswerte ang kung sino mang mapapangasawa nilang dalawa dahil pareho naman silang responsable na tao. "Ingatan niyo si Papa, kung sakaling mawala ako, sana Kuya Ernesto dumito ka na lang sa Olonggapo magtrabaho. Malaki ang maitutulong ng katulad mong magaling na doktor dito sa bayan natin. Or you can have your own clinic here,  basta huwag nitong pabayaan si Papa. And please just take care of our father dahil nag-iisa lang 'yan at walang katulad."


Nagtininginan naman ang ama ni Rowena pati na ang mga kapatid niya. 


"Ano ba 'yang sinasabi mo Rowena? Ayoko ng nagsasalita ka ng ganyan." Istrikto ang boses na sabi ng alkalde sa anak. Ayaw niya na naririnig ito ng ganito dahil para bang nagbibilin na ang anak niya sa kanila. 


"This illness recognized my strength, and I don't want to burden you three, dahil alam ko at nararamdaman ko na ano mang oras ay mamamatay na din ako. At ayokong kapag nawala ako ay sisihin niyo ang mga sarili niyo. Because it's my choice not to have any treatment and I already accept the fact I am dying already." Paliwanag ko sa kanilang tatlo dahilaka magsisihan pa sila kung wala na nga talaga ako. 


Ipinatong ni Ernesto ang isang kamay sa may binti ng kapatid niya. "Pero hindi kami, kung sa tingin mo hindi kami nasasaktan sa nangyayaring ito ay mali ka do'n Rowena. We still want you to live, dahil napakabata mo pa para mawala. At hindi mo deserve ang pagkakaroon ng ganitong sakit." Sabi pa niya, he took a leave from his work and went back home here in Olonggapo. Para kasing hindi niya kayang manggamot ng ibang tao habang ang sarili niyang kapatid ay hindi niya nagawan ng paraan para umayos man lang ang lagay. She's really terminally ill, pero kung sana pumayag si Rowena na magpagamot noon ay baka nadugtungan pa ang buhay nito. "We can still bring you now in the hospital, sa Maynila dahil marami akong kilalang doktor doon at sigurado ko magagawan natin 'to ng paraan."


Inabot ko ang kamay ni Kuya Ernesto at hinawakan 'yon. "Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo ako napagaling Kuya. At alam kong 'yan ang iniisip mo pero please don't blame yourself about this. I know you are hurting dahil isa kang doktor pero ganito nga ang nangyari sa akin, na kapatid mo. Pero tandaan mo na wala kang kasalanan at desisyon ko na huwag ng magpagamot pa."


Mangiyak-ngiyak naman si Ernesto ng marinig ang sinabi sa kanya ni Rowena. Nilapitan niya pa nga ito at niyakap ng mahigpit. Ito ang kapatid niyang laging nagbibilin sa kanya na bilhan niya nga ito ng libro sa Maynila. Na talaga namang ginagawa niya kaya kahit wala siyang hilig magpunta sa bookstore ay naka-hiligan niya din dahil kay Rowena.




"Hindi ka na namin sisisihin kung bakit hindi ka nagpatingin sa doktor o naggamot pa pero sana ginawa mo man lang 'yon Rowena. Hindi man para sa 'yo dahil sumusuko ka na gaya ng lagi mong sinasabi sa amin pero para sana man lang sa amin. Kay Papa.." Sabi naman ni Crisanto na lumuhod pa sa tabi ng kapatid niya. 


"Hinahanap ka na din ng mga estudyante mo, kaya dapat magpalakas ka dahil ako mismo ang maghahatid sa pinapasukan mong eskwelahan anak." Pigil-pigil na huwag mapaiyak ni Domingo dahil ayaw niyang makita ni Rowena na mahina siya. Pero mukhang hindi niya magagawa lalo pa at ganito nga magsalita ang anak niya ngayon. 


Nalungkot ako ng marinig ko ang sinabi ni Papa, tiyak na hinahanap na nga talaga ako ng mga estudyante ko pero wala akong magagawa dahil mukhang hindi na makakapasok pa ang teacher nila. 


"Huwag ka ng iinom ng kape para hindi sumakit ang sikmura mo Papa, lagi mo din isasama ang mga tauhan mo o itong si Kuya Crisanto kung saan ka pumunta para sa safety mo. Kahit alam kong malayo-layo pa ang eleksyon ay alam ko naman na mananalo ka ulit bilang mayor dito sa atin, You're not only good public servant Papa but you are also a good provider and father for us. Alam kong naging makasarili ka pagdating sa sarili mo, hindi mo na inisip na mag-asawa pa ulit kahit matagal ng wala si Mama dahil lagi mong sinasabi at bukambibig na kumpleto ka naman na dahil sa aming mga anak mo." M-mahal kita.." Nag-crack na naman ang boses ko pero hindi ko na napigilang umiyak pa dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kay Papa oras na mawala ako. Were close, lagi kaming nagkukuwentuhan na dalawa lalo na kapag nasa hapunan kami. At siguradong hahanap-hanapin niya 'yon oras na mawala ako. 


"I will always miss you, and I'm so happy and blessed because you are my father." Dagdag ko pa pero napahagulgol na talaga ako ng iyak. 


Hinawakan naman ni Domingo ang pisngi ng kanyang anak, hindi siya sanay na nagsasalita ito ng ganito dahil mas sanay siya na tungkol sa mga binabasa nitong libro ang kinukuwento nito sa kanya. O kaya naman ang tungkol sa mga estudyante nito. "Dapat sa akin binigay ng Diyos ang sakit mo, I'm old. At walang kaso sa akin kung ako pa ang unang mawala dahil alam ko naman na mga nakatapos na kayo at kaya niyo na ang sarili niyo anak." Sabi niya na hindi na nga napigilang huwag mapaiyak pa, he hugged his daughter. A kind of embrace of a father for his child that showed more love. Gusto niyang iparamdam dito na masaya din siya dahil ito ang naging anak niya, ang mabait at simpleng si Rowena na lumaking may takot sa Diyos.


"Some goodbyes makes you cry and make you feel like you lost something important in life, but I know this is not the end Papa.." Sabi ko at pinunasan ko ang luha niya sa pisngi niya. "Kuya.." Tawag ko din sa mga kapatid ko. "We will surely meet again one day, at kapag nangyari 'yon I am so sure hindi na tayo magkakahiwa-hiwalay pa."

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon