CHAPTER 24

3.8K 45 0
                                    






"Anong oras na, bakit hindi ka pa natutulog?"



"K-Kuya.." Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko ng makita ko si Kuya Emilio, ang isa ko pang kapatid na galing at nagtatrabaho sa Maynila bilang isng doktor. Sa Philippines general hospital siya nagtatrabaho at tatlong beses umuwi dito sa amin kada buwan. Nandito kasi siya ngayon sa bahay at umuwi nga kaninang umaga. Hindi ko na namalayan na pumasok na pala siya sa kuwarto ko dahil nandito ako sa may bintana at nagpapa-hangin.




"May pasok ka bukas hindi ba? Alas nuwebe na Rowena." Sabi pa ni Emilio s bunsong kapatid.




Ngumiti ako ng tipid. "Matutulog na din ako, nagpapa-hangin lang." Natutuwa ako sa kapatid ko na ito dahil ang dami niyang biniling libro sa akin sa National bookstore sa Quiapo. At hindi nga lang pang personal use gay ng gusto ko basahin pero bumili din siya ng mga children books na puwede ko ipamigay sa mga estudyante ko.  




"Gano'n ba? Akala ko pa naman may malalim kang iniisip kaya hindi ka pa natutulog." Hinila ni Emilio ang isang kahoy na upuan doon at saka naupo. 




Mero'n nga, iniisip ko talaga 'yong namagitan sa amin kahapon ni Damian. At parang hindi ko lang lubos maisip na may nangyari sa aming dalawa, hindi lang isang beses kung hindi dalawa pa. He really took me yesterday inside of the submarine and I was thinking about it since last night until now. Hindi naman ako nagsisisi at lalong wala din naman akong makapang pagsisisi pagkatapos ng may nangyari sa amin ni Damian pero iniisip ko lang kung ano na ba ang relasyon naming dalawa. Hindi kasi namin 'yon napag-usapan kaya natural isipin ko ang tungkol doon.





Hindi din naman ako naghahangad na maging kasintahan niya dahil alam ko naman kung hanggang saan lang ako. But I don't know too why I'm feeling like this, that feels like I want to live more longer to know him more. Na kung dati hindi ako natatakot na pag-usapan ang tungkol sa kamatayan ay bigla na lang nag-iba at kung tatanungin mo ako ngayon ay sasabihin ko ora mismo na gusto ko pang mas mabuhay ng matagal. I don't want to die because I want to be with him.



"Anong masasabi mo sa desisyon ni Papa na tumakbo ulit bilang Mayor dito sa Olonggapo?" Tanong ni Emilio.



Tiningnan ko siya, nahalata ba niya na malalim ang iniisip ko? "O-Oo Kuya, oo narinig ko ang sinabi kanina ni Papa at wala naman tayong magagawa kung 'yon ang gusto niya." Sabi ko na ang ibig kong sabihin ay ng sabihin sa aming magkakapatid kanina habang naghahapunan kami ang tungkol sa binabalak ni Papa na pagtakbo niya ulit ngayong darating na eleksyon. Katunayan nga nag umpisa na ang iba sa pagkakampanya kahit pa mahigit dalawang buwan pa ang layo ng mismong umpisa ng kampanya dito sa amin. "It will be his last term so kahit hindi pa siya magsabi ay alam ko naman na 'yon ang gagawin niya." Komento ko pa, beside sa dalawang term niya ay puro landslide naman ang nangyayari at lagi talaga siyang nananalo. At alam kong gano'n pa din ang mangyayari sa pangatlong term niya kung sakali. My father is a good mayor, and he helped a lot of people here on our town. He have a good reputation so there's nothing to worry about. 



"But I guess he's too old for that. I mean he rather stop his political career instead of running again." Sabi pa ni Emilio, hindi naman siya sa hindi sang-ayon sa planong pagtakbo ulit ng kanyang ama pero bilang doktor ay natural na isipin niya ang kalusugan nito. Hindi na bumabata ang ama nila at sa katunayan nga ay nirarayuma na ito. 



Napangiti ako alam kong kahit hindi sabihin sa akin ni Kuya Emilio ay alam kong nag-aalala lang siya kay Papa. "Magagalit si Papa kapag narinig niya 'yang sinabi mo." Tumayo ako at kumuha ng bagong kumot sa cabinet. Pinalabhan ko kasi kaninang umaga ng mga  bedsheet at 'yong kumot na ginagamit ko. 



"He's already 63 and wala naman masama kung hihinto na siya sa pulitika. Nagawa na niya ang mga gusto niya kaya bakit hindi? Isa pa nandiyan naman si Crisanto na katulad niya ay pinasok na din ang mundo ng pulitika kaya hindi siya dapat mag-alala pa  sa mga maiiwan niyang proyekto."



"Pero hindi nga siya papayag, sabi niya nga kanina ay huli na daw ito kaya naman pagbigyan na lang din natin." Wala din naman kasi siyang apo na babantayan kagaya ng lagi niyang sinasabi sa aming magkakapatid at tiyak na maiinip lang daw siya dito sa bahay. 'Yan ang lagi niyang sinisintir sa amin na sana daw isa man lang sa aming magkakapatid ay mag-asawa na. Pero paano 'yon mangyayari kung pare-pareho naman kaming busy sa mga kanya-kanyang trabaho. Saka sa kondisyon ko hindi ko naman na siya mabibigyan ng apo na sinasabi niya, at lalong hindi ko naiisip na magkaanak dahil nakakatakot isipin na bak makuha niya lang ang sakit ko. 



"I don't know anymore to Papa, he can leave now the politics and be a private citizen Pero matigas talaga ang ulo." Pailing-iling na sabi pa ni Emilio bago nagpaalam sa kapatid na lalabas na at pupunta na sa kanyang silid. 

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon