CHAPTER 33

2.9K 39 2
                                    




Bandang tanghali na kinabukasan nakauwi sila Rowena at Damian at gaya ng inaasahan nila ay nakatikim nga talaga silang dalawa ng sermon sa ama nitong si Mayor Domingo. Hindi nga kasi sila nagpaalam na mag-oovernight sa pupuntahan nilang resort kaya naman nag-alala ang alkalde kung nasaan na ba ang anak kagabi at hindi pa umuuwi. Inisip pa nga daw nito na baka nakipag-tanan na ang kanyang bunso kaya halos hindi din nakatulog talaga.




Samantalang puro hingi naman ng pasensiya ang ginawa ni Damian dahil alam niyang may kasalanan din talaga sila ng nobya. Naiintindihan niya na pinagalitan sila nito dahil hindi nga sila nagpaalam ng maayos, pero pinaliwanag naman nila na hindi din nila inakala na mag-oovernight sila sa resort na pinuntahan nila sa Bataan.




    "Are you sure that you are okay Rowena?" Seryosong tanong ni Emilio sa kanyang kapatid, umuwi siya dito sa Olonggapo mula sa Maynila kahapon at hindi niya inaasahan na maabutan niyang wala dito ang kapatid niyang ito. Kaya naman natural na mag-alala siya katulad ng kanilang ama. His sister have a weak immune system, hindi din ito puwede mapagod gaya ng iba. Kaya nga lately ay lagi din siyang umuuwi dito kahit inaabot ng ilang oras ang biyahe niya. He want to make sure personally that his sister is still doing well. Hindi pa naman ito ang tipo ng tao na magsasabi kung may nararamdaman bang hindi maganda, she will rather choose to be silent and will not say she's not feeling well. Papasok at papasok din ito sa paaralan kung saan ito nagtuturo kahit masama ang pakiramdam na siyang ayaw niya.  Mahirap kasi na may mangyari ditong hindi maganda na walang kasama, paano na lang kung bigla itong matumba habang naglalakad? Sino ang sasaklolo dito?




"Of course ayos lang ako Kuya." Ngumiti pa ako bago umupo sa upuan na nasa harapan niya, tapos na akong pagalitan ni Papa at alam kong si Kuya Emilio naman ang susunod na manenermon sa akin. Umuwi na din kasi si Damian at hindi na nga dito nagtagal sa bahay.




"Nobyo mo na ba ang sundalong 'yon?" Magkasalubong pa ang kilay na tanong ni Emilio sa kapatid. 




"Oo Kuya kami na nga." Mabilis kong sagot, hindi niya nga pala alam ang tungkol sa amin ni Damian. At tanging si Papa at Kuya Frederick lang ang nakakaalam tungkol sa relasyon namin pati na ang mga tao dito sa bahay. 



Uminom muna ng tsaa na gawa sa luya si Emilio bago nagsalita. "Pinag-alala mo kami kagabi dahil hindi kayo umuwi na dalawa, muntik pang ipatawag ni Papa ang hepe sa presinto para ipahanap kayo." Paunang sabi niya. "Pero hindi ko na tatanungin pa kung ano ba ang pinagagawa niyo kagabi dahil nasa tamang edad ka naman na Rowena. Pero uulitin ko lang ha, may sakit ka." 




Nalukot naman ang mukha ng dalaga sa sinabi ng kapatid niya. "Hindi ko 'yon kinakalimutan kung 'yon ang ibig mong sabihin Kuya Emilio." Sagot ni Rowena, kaya nga sinusulit niya na ang buhay niya dahil alam niyang hindi na siya magtatagal.




"Hindi kita kinokontra sa gusto mong gawin, pero alam ko naman na alam mo sa sarili mo ang puwedeng mangyari. At ayoko lang na masaktan ka, ayokong maging mahina ka dahil sa isang lalaki. And I know you understand my point, matalino ka at siguro naman naiintindihan mo ang gusto kong sabihin sa 'yo at ipaunawa."




I nodded, siya ang panganay ko na kapatid at siya din talaga ang may pagka-istrikto sa amin. At naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin sa akin. I understand his point but I just want to be happy. At 'yon ay si Damian, ang makasama ko siya. "He knew about my disease Kuya, pinaliwanag ko kay Damian kung ano ba ang sakit ko at alam niya din ang tungkol doon."



"Then you should start your treatment, mas may dahilan ka na ngayon na gumaling at magpagaling dahil mero'n kang nobyo." Ani ni Emilio kay Rowena, 'yon lang naman ang hinihiling niya dito pero 'yon din ang ayaw ibigay sa kanya ng kapatid. Pero baka makumbinsi niya na ito sa gusto niya dahil may inspirasyon na ito ngayon.




Ginagap ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "Doktor ka at alam mong hindi na ako gagaling, I'm dying Kuya, at alam kong hindi na din magtatagal ang buhay ko. Siguro kung mas maaga ko nalaman ang tungkol sa sakit ko ay ayos lang pero hindi, huli na. Kung kailan end stage na, at ayokong mag-lagi sa ospital gaya ng gusto mo at gaya ni Papa dahil mas iikli ang buhay ko do'n." Prangka kong sagot sa kanya.




Tiningnan ni Emilio ang kamay nito na nakahawak sa kanya at saka pinisil 'yon. Ito ang bunso niyang kapatid, at ito din ang kapatid niyang pinaka-malambing. She have lots of dreams, and one of that was to be a teacher. And she really made it, she's now a public teacher and everyday with children. Bata pa ang kapatid niya at marami pa sanang puwedeng magandang mangyari dito, pero gaya ng sabi nito ay totoo namang end stage na ang sakit nitong chronic kidney disease. At kahit sumailalim pa ito sa gamutan ay walang kasiguraduhan kung gagaling pa ito. He's a doctor and he knew about it. At 'yon ang hindi niya matanggap, doktor siyang naturingan pero hindi niya magawang iligtas ang kapatid sa karamdaman nito. 




"Gusto ko na lang maging masaya sa natitirang oras ko dito sa mundo, at sana wag mo akong pigilan na gawin 'yon. Mahal ko si Damian at hindi ko din naman inaasahan na mamahalin ko ang isang kagaya niya. At hindi siya katulad ng mga lalaking nanligaw sa akin dahil siya ay naging matiyaga talaga para ligawan ako at suyuin."



"Pero hindi ka ba naaawa sa kanya Rowena? Kung mahal ka nga niya talaga hindi mo ba naisip na paano na lang siya kung bigla kang mawala? Masasaktan siya panigurado at natural kami ang makakakita no'n at hindi ikaw." 




Natahimik naman ako sa sinabi ni Kuya Emilio, para tuloy naisip ko bigla kung makasarili ba ako o ano. Pero pareho lang din naman pala kami, dahil 'yon din ang naiisip ko. Tama siya, siguradong masasaktan si Damian kapag nawala ako at 'yon ang ayokong mangyari. 

#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon