Pakiramdam ko ay wala na ako sa tamang pag-iisip ko, bakit ba biglang naging ganito? parang pati mga aspeto ko sa buhay ay nawala na. Hindi ko lang hinayaan si Damian na angkinin ako noong Sabado kung hindi hinayaan ko din siya na maglabas masok dito sa kuwarto ko. At oo hindi tamang pag-uugali ng isang dalaga na katulad ko ang ganito pero ano bang magagawa ko? Alas onse na ng gabi at imbes na tulog na ako ng ganitong oras dahil may pasok pa ako bkas ng umaga ay heto kaming dalawa at nakahiga sa kama ko. Were just looking to each other intently. feels like figuring out what's happening to us.
"Ang lalim ng iniisip mo.." Basag ni Damian sa katahimikan sa pagitan nila, umusog din siya palapit sa dalaga at sinapo ang pisngi nito. Ayaw niya pang umuwi kahit sinabihan na siya nito kanina. He don't want to go back on their camp but want to be with her more.
"Hindi lang ako makapaniwala na may lalaki dito sa kuwarto ko, at talagang ayaw pang umuwi." Natawa pa ako sa huli kong sinabi na kinatawa din naman niya, may pasok ako bukas pero hindi naman ako inaantok at paano ako nito dadalawin ng antok kung kasama ko siya. Pero siyempre baka wala na siyang masakyan mamaya pag umalis siya dito na isa pa din sa iniisip ko.
"Are you sleepy? I can go home now if you want." Biglang kambyo ng binata, nakalimutan niya na weekdays pa lang ngayon at may pasok pa ito bukas. Saka kagagaling lang din pala nito sa sakit. Sa kanya kasi ay wala namang problema kesehodang may pasok pa siya bukas o wala. Magta-taxi na lang din siguro siya kagay kanina dahil siguradong wala ng jeep ng ganitong oras.
I shook my head. "I'm just trying to figure out what do you like about me. I mean there's a lot of woman out there, beautiful woman here but why me Damian?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Para kasing hindi niya naiintindihan ang kalagayan ko, kung ako tanggap ko na ang mangyayari sa akin o ang sakit ko ay siya naman ay hindi. Para siyang si Papa at mga kapatid ko, laging sinasabi na huwag akong mawalan ng pag-asa. Pero dapat pa ba akong umasa? E nasa end stage na ako ng sakit ko at hindi na magagamot pa.
Isang ngiti muna ang ginawa ng binata para kay Rowena, pinisil niya din ang pisngi nito ng mahina. "I don't know too, but what I know is I like you so much. Maybe your simple nest made me like you, or puwede din naman na nadala lang ako sa kasungitan mo. Na para bang the more mo akong tanggihan ay lalo lamang na gusto kitang kilalanin." Paliwanag ni Damian, para kasing lalo lamang siyang nati-thrill kapag sinasabi nito sa kanya na ayaw nitong magpaligaw at pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Hidi siya sanay na tinatanggihan kaya naman hindi siya tumigil na suyuin ito at sundan-sundan.
"But you know already my condition right? Ayoko mang ulit-ulitin pero ayoko din na kalimutan mo ang kalagayan ko, ang totoong kalagayan ko." Sabi ko na naman.
"At ayoko din na pinag-uusapan natin ang tungkol dito Rowena." Kahit ulit-ulitin pa ito nito sa kanya ang tungkol doon ay uulit-ulitin niya din na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito. He don't want it, period. Nag-iiba kasi ang mood niya kapag naririnig 'yon, sa katunayan nga naghanap siya ng mga libro tugkol sa sakit nito. Do'n sa pinuntahan ni Rowena noon na library sa munisipyo ng Olonggapo ay pinuntahan niya ulit. Kahit hindi naman siya mahilig magbasa ay ginawa niya dahil gusto niyang malaman ang tugkol sa sinasabi nitong sakit. He looked about her disease, about her chronic kidney disease. Atnalaman niya na puwede mong makuha ang ganitong sakit kung mero'n ka din sa kapamilya mo na may ganito at malamang namana ni Rowena ang sakit niya. Once na mero'n ka na ng sakit nito ay dapat maging health conscious ka na, you need to have a healthy proper meal, less meat and more vegetables and fruits. Pero 'yon nga gaya ng sabi sa kanya ng dalaga at ng libro na nabasa niya ay mahirap na gumaling kapag ang tao ay nasa end stage na ng sakit kagaya ng kay Rowena.
Pero para sa kanya ay hindi pa huli ang lahat at ayaw niyang mawalan ng pag-asa na hindi na ito gagaling. Iniisip niya na nga kung may mga kakilala siya na may kilala na nephrologist ito 'yong doktor sa kidney na baka puwede niyang lapitan at ikonsulta ang sakit ni Rowena. At kahit sa America pa mero'n no'n basta magaling na doktor ay willing siyang puntahan.
I don't know but I move closer to him. Nagulat pa nga siya ng ako ang umunan sa braso niya. "Sana dumating ka kasi ng mas maaga, mas nagkaroon sana siguro tayo ng chance na makilala pa ang isa't-isa." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon pero kasi totoo naman diba? Siguro kung nagkakilala kami ng mas maaga ay mas makikilala pa din namin ang bawat isa. Hindi ko nga alam kung bakit napag-tiyagaan niya ang kasungitan ko. Samantalang ilang beses ko na din siya sinabihan na tigilan ako pero hindi niya ginawa, samantalang 'yong ibang nanligaw sa akin isang beses ko pa lang sinabihan ay tumigil na. Damian is more persistent, hindi siya 'yong klase ng tao na susuko agad. Kaya siguro ganito siya magsalita, laging sinasabi sa akin na ag akong panghinaan ng loob.
"It's not yet too late, siguro hindi ko pa gano'n kaalam ang tungkol sa sakit mo Rowena but please let's fight for your life. You're still young and you still have lot of things to do in life, hindi mo pa nagagawa ang lahat ng gusto mo kaya please lang magpagaling ka dahil gusto pa kitang mas makasama ng matagal at mas makilala." Sabi ng binata na para bang maiiyak dahl sa boses nito.
He kissed my head, he also pulled me closer to him and hugged me. At wala akong naramdaman na malisya sa ginawa niyang 'yon. Kaya naman niyakap ko din siya at sana nga gumaling pa ako.
#Maribelatentastories
