LAST CHAPTER

4.3K 76 19
                                    




Pagkatapos ng trabaho ni Damian ay dumiretso na siya sa bahay ng mga Agcaoili, pero bago 'yon ay dumaan muna siya sa isang restaurant sa Olonggapo at doo nga bumili ng maipapasalubong niya para kay Rowena. Hindi lang 'yon dahil bumili din siya ng iba't-ibang klase ng prutas sa palengke. He's so happy knowing he got engaged to the woman he love. At sa sobrang saya nga niya ay ibinalita niya 'yon agad kagabi sa kanyang malalapit na kasamahan pagkabalik niya ng kampo. And not only that because he also called his parents in America early this morning, talagang nag-long distance call siya sa mga ito para sabihin na inalok niya na ng kasal si Rowena at oo ang sagot nito sa kanya. Naikukuwento niya naman na kasi ito sa mga magulang lalo na kapag tumatawag siya sa mga ito. And his parents can't wait as well to know Rowena personally.

   

"Ang dami mong dala.." Sabi ko ng ilapag niya sa lamesa ang sinasabi niyang pasalubong sa akin. 


"Nahhh, I bought this everyhing for you." Ani ni Damian, sinobrahan niya din ang bili ng pagkain dahil nandito nga ang mga kapatid ng nobya. Nakilala niya din tuloy kanina ang babae nitong kapatid na engineer na si Lorena, galing itong Maynila kaya nagsabi sa kanya na magpapahinga muna.




Tiningnan ko na lang siya habang sinasalin niya sa plato ang mga pagkain na binili niya daw kanina sa restaurant. Wala akong ganang kumain, at maski paborito ko ng pagkain ang dinadala sa akin dito ay hindi ko pa din talaga nakakain 'yon ng maayos. Pero ngayon ay tiyak na hindi papayag si Damian na hindi ako kumain ng dala niya. 




"Here, kumain ka na." Abot ng binata ng plato kay Rowena, he bought pansit and lumpia for her. Those simple food that she really like everytime they dine in. At isa ito sa nagustuhan niya sa dalaga, hindi ito maarte pagdating sa pagkain kahit sabihin na galing naman sa mayamang pamilya. 




"Ang dami nito." Sabi ko ng tingnan ang pansit na sinalin niya para sa akin. Para ngang kasya na sa aming dalawa itong sinandok niya.




"Eat it, sabi ng kapatid mo sa baba ay hindi ka pa daw kumakain ng maayos simula kaninang umaga." Sabi ni Damian, nandoon din kasi sa ibaba ang kapatid nitong si Ernesto at nakausap nga din muna niya ito sandali bago siya umakyat sa kuwarto ng nobya. 




Napabuntong hininga na lang ako at napailing, mukhang mapapakain nga talaga ako dahil nakakahiya naman siyang tanggihan. 




Binantayan naman talaga ni Damian si Rowena na makakain, kahit kaunti ay masaya na siya dahil nagkalaman din kahit papaano ang tiyan nito. Mero'n pa siyang biniling mga ulam maliban sa pansit at lumpia at mamaya na lang nila kakainin 'yon kapag dumating ang ama nito galing munisipyo para sabay-sabay din silang makapag-hapunan.





    "Are you okay?" Tanong ng binata, isang hiwa lang ng pakwan ang nakain nito at siya na nga ang umubos ng mga pinaghihiwa niya. He want her to eat more pero hindi niya na din pa pinilit dahil baka magsuka lang nga ito. 




Inalalayan niya akong makahiga, alas singko pa lang ng hapon pero inaantok na ako. "I'm sleepy pero ayoko kitang tulugan." 




Hinawakan naman ni Damian ang kamay ng dalaga matapos nitong makaupo sa upuan na nasa tabi ng kama. "Don't worry about me, you can sleep Rowena." Sabi niya. "Mamaya pa din naman ako uuwi kaya dito na lang muna ako sa tabi mo." 





I pulled him, hindi naman siya nagpahila pa at lumapit nga sa akin. I kissed his lips, it was like a brief kissed that I gave to him. "I love you.." 




Hinalikan ni Damian sa noo ang nobya bago umupo ulit ng maayos. Hinawakan din niya ito ulit sa kamay. "I love you too.." 




Tinuro ko naman ang libro na nakapatong sa cabinet, kinuha niya 'yon at binigay sa akin. "Matutulog lang ako sandali at gigising din ako mamaya." Sabi ko at kinuha sa libro ang nakaipit na stationary, gumawa ako ng sulat para sa kanya kaninang umaga dahil naiinip nga ako at hindi ako makatulog. "Read this while I'm sleeping, gisingin mo din ako kapag dumating si Papa." 
Bilin ko sa kanya.




Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon