Hi! Kumusta po? All of the completed M.A series story in vip group is still 50% discount including the 2nd gen. Para sa mga gusto pong mag-join pm niyo ko sa fb page ko!
Imbes na mapaalis ni Rowena si Damian ay hindi 'yon ang nangyari dahil mukhang naki-ayon pa sa binata ang panahon dahil umulan naman ng malakas. Umabot na din hanggang alas nwebe ng gabi pero hindi pa din 'yon tumitigil at lalo lamang lumalakas ng lumalakas. Pero hindi niya pa di it kinakausap kahit pa nasa kuwarto niya ito ngayon. Ayaw niyang isipin nito na areglado na ito sa paghalik ito sa kaya kahapon.
"It seems like you have your own library inside of your room Rowena." Puna ni Damian habang tinitingan ang mga libro sa dalawang malaking cabinet sa loob ng silid nito. Literal na madami dahil puno ang dalawang cabinet ng iba't-ibang klaseng libro. Mula sa makakapal hanggang sa maninipis, mero'n din mga magazines na napakarami din kaya naman naintindihan na niya na bisyo talaga ng dalaga ang pagbabasa at pangongolekta ng libro.
"Most of them was gift, or 'yong iba naman ay bigay ng mga kapatid ko kapag galing silang ibang bansa o kaya naman binibili nila sa Maynila." Sabi ko, kahit naiinis ako ay hindi ko naman siya puwedeng paalisin basta dahil umuulan pa din naman. Baka mamaya kapag pinilit ko siya umalis ay magkasakit pa siya, at kahit may payong naman ako na puwede kong ipahiram sa kanya ay hindi pa din puwede dahil baka madulas lang siya kapag bumaba siya ulit sa bintana ko kung saan siya dumaan kanina. Hindi siya puwedeng bumaba sa hagdan at ihatid ko dahil baka makita pa siya ni Papa o ng kung sino man dito sa bahay. At kapag nangyari 'yon ay dalawa kaming malalagot.
Tumango-tango si Damian, para tuloy nagkaroon na siya ng ideya kung ano ang magandang iregalo dito. Akala niya kasi ay pampalipas oras lang nito ang pagbabasa pero hindi pala dahil nangongolekta pala ito ng mga libro. "Now I know what I will give to you." Sabi niya tuloy, hindi man niya hilig ang magbasa ay sa susunod ay pupunta siya sa bookstore para bilhan ng libro ang dalaga.
"No need for that, I can buy my own books."
Natawa na lang tuloy ang binata dahil inirapan pa siya ni Rowena pagkasabi sa kanya no'n. Mukhang masungit talaga ito ngayon at halatadong naiinis pa din sa kanya. Kaya naman tumayo na siya mula sa pagkakaupo at saka nilapitan ito, nakasandal ito sa may malaking tokador na may salamin at nakatingin din sa kanya. At hindi na ito umalis doon simula kanina.
"Wag mo akong lalapitan, naiinis pa din ako sa 'yo." Sabi ko sabay dampot ng kulay brown kong suklay at pinakita sa kanya 'yon. Wag lang talaga siya magkamali na lapitan ako dahil ihahampas ko talaga sa kanya 'to.
"You're getting mean, hindi bagay sa 'yo ang masungit." Ani ni Damian na nakatayo na sa harapan ng dalaga. Hindi talaga bagay dito na magsungit dahil taliwas 'yon sa maganda nitong mukha. Saka hindi siya sanay lalo pa at nakakausap niya na 'to ng maayos nitong mga nakaraang araw. "Even if I don't want to say sorry to you because of what I did yesterday, again I'm sorry Rowena for my impulsive behavior, I just want to kiss you that's it." Paliwanag niya, alam niyang 'yon ang kinakainis nito sa kanya pero kasi kung siya lang ay ayaw naman talaga niyang humingi ng pasensiya o ng sorry dahil talagang sinadya niya na halikan ito kahapon. He really want to kiss her though he didn't think she will got mad because of that. Nakalimutan niyang hindi pala katulad ng mga babaeng nakilala niya si Rowena. At dahil galit ito sa kanya ay tatandaan niya na talaga ang mga ayaw nito.
At ako pa talaga? "You did something made me pissed so don't expect I'm okay with that." Pero nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko, at ng hihilahin ko sana 'yon ay pinag-salikop naman niya 'yon bigla! "A-Ano ba?" Masungit na sabi ko sa kanya.
Humakbang pa lalo si Damian palapit kay Rowena, 'yong halos wala ng espasyo sa kanilang dalawa. "I don't know why I feel like this Rowena, I never been like this to any woman but to you it feels like you enticed me." Sabi niya ng hawakan ang pisngi nito gamit ang isa niyang kamay.
Bumuntong hininga ako ng malalim, bakit ba hindi niya maintindihan na ayoko makipag-relasyon? Na ayoko makipag-boyfriend? At wala akong ibang maalok sa kanya kung hindi pagkakaibigan lang. "I told you I don't want to have a boyfriend Damian, and if you can't accept that you are free to go." Prangka kong sabi, mabuti na siguro 'yong ulit-ulitin ko sa kanya ang gusto kong sabihin at gusto ko mismo kaysa naman umasa siya sa pinipilit niya na mangyari. Dahil wala naman talaga akong planong makipag-relasyon dahil alam ko noon pa na hindi para sa akin 'yon.
"I can't do that, ngayon pa ba na nakikilala na kita?" Sabi pa ng binata na hindi na binitiwan ang kamay ni Rowena. Maski siya mismo ay hindi niya maintindihan kung bakit gusto niya ang dalaga, samantalang marami naman siyang nakaka-halubilong babae kapag lumalabas siya ng kampo. There's something about her he can't explain, na kahit sabihan siya nito na tigilan niya na ito ay tiyak na hindi niya magagawa.
"We ca be friends Damian but not more than that." Muli kong pag-ulit sa kanya. Hayyy ang kulit talaga ng lalaking 'to, sa susunod talaga hindi na ako magbubukas ng bintana! "Pagkakaibigan lag talaga ang mao-offer ko sa 'yo." Dagdag ko pa.
"Ayoko, just make me do what I want to do with you. But don't get me wrong with that. Gusto kita Rowena at sana hayaan mo lang ako na ipakita ko sa 'yo kung paano ba magkagusto ang isang Damian sa isang babae." Hindi sumusuko na sabi ng binata, dahil kahit ilang ulit nitong sabihin sa kanya ang tungkol doon ay hindi pa din siya susuko. Imbes kasi na panghinaan siya ng loob ay mas lalo lamang siyang napupursige na suyuin ito at 'yon ang gagawin niya.
#Maribelatentastories