CHAPTER 29

2.9K 59 2
                                    




Hindi maitatago ang saya ni Damian habang nagmamaneho ng motorsiklong hiniram niya sa kasamahan sa trabaho. His friend bought this Harley Davidson in America and brought here in Philippines. Isinakay ito noong magpunta ang barko nila sa Subic base para daw may personal na magamit habang nandito sa Pilipinas. Kaya ito din ang hinihiram niya kung minsan kapag lalabas siya at kung may pupuntahan. Rowena was hesitant to ride it at first but he keep saying to her that he's a good driver. Hindi naman siya kaskasero sa pagmamaneho at may dala din naman siyang helmet para sa kanila. Kaya naman ng mapapayag niya ito ay tuwang-tuwa siya. He have also driving liscense, 'yon nga lang sa America 'yon at hindi dito sa Pilipinas. Lagpas isang oras ang inabot ng biyahe nilang dalawa papunta sa Morong, Bataan kung saan may mga beach resort daw na magaganda ang mero'n dito. 





"Wow this is so beautiful.." Sabi ko ng basain ko ang paa ko ng tubig dagat, alas otso pa lang ng umaga at hindi naman gano'n kainit kaya puwedeng-puwede kaming maligo talaga. Isa pa 'yon naman talaga ang pinunta namin ditong dalawa ni Damian. Ang maligo sa dagat at mag-enjoy. 



"Kahit halos araw-araw mo ng nakikita ang dagat sa Subic parang hindi ka pa din nagsasawa at masaya ka pa din ngayon na dagat din ang pinuntahan natin ngayon." Ani ni Damian na nasa may bandang likuran ng kasintahan. Naalala niya na ayaw nito kaninang sumakay sa motor dahil naka-dress ito, akala kasi nito ay magba-bus silang dalawa pero hindi na din naman ito nagpalit pa ng damit dahil mahaba naman 'yon. His father also letting him to use his car but he refuse, una ay dahil nahihiya siya at pangalawa ay dahil sayang naman ang motor na naka-plano ng sakyan nila. Pero sa huli ay nakarating naman sila dito ng maayos kaya naman masaya siya. 



Nilingon ko si Damian. "Of course, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa ganitong klaseng tanawin, kulay asul na asul ang dagat." Masaya kong sabi, buong akala ko hindi ako makakasama sa kanya ngayon kasi sumama na naman ang katawan ko kagabi. Pero kaninang pag-gising ko ay ayos na ulit kaya sabi ko sasama na lang ako sa kanya. Maging ang kapatid ko ngang doktor ay tumawag galing Maynila kagabi at pinaalalahanan na magpahinga muna ako. Bukas ay uuwi din kasi siya sa bahay at siya daw mismo ang titingin sa akin ng personal, at alam kong kapag nabalitaan niya bukas na pumunta pa ako dito sa Bataan ay malamang sa malamang makatanggap ako sa kanya ng sermon. 



"And I like seeing you like this Rowena, you look so very happy." 





"I am, kaya magpalit na tayo ng pang-ligo para makapagbabad sa tubig!" Excited na sabi ko sa kanya at hinila na ang kamay niya. 



Nakangiti namang sumunod ang binata, hindi niya na makita ang masungit na Rowena na una niyang nakilala at habang lumilipas ang araw na nakakasama niya ito ay lalo lamang siyang nahuhulog dito. Pero minsan hindi niya talaga maiwasang huwag mag-alala lalo pa at alam niya ang kondisyon nito, ayaw niya itong mapagod ng husto at lalong gusto niya na gumaling ito. 



  "Hey hey hey, bakit ka naka-ganyan?" Kulang na lang ay i-cover ni Damian ang pinahawak sa kanyang towel ni Rowena bago ito pumasok sa loob ng banyo kanina. Kubo lang kasi ang nirentahan nila para may lalagyan sila ng mga gamit. Hindi naman kasi sila mag-oovernight dito at maghapon lang. Kaya ang banyo ay hindi nila solo at natural binantayan niya talaga ito habang nasa loob at nagpapalit.



"Bakit? May masama ba sa suot ko?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa suot kong kulay puting two piece swimsuit. This is the right garments to wear if you were in beach right? So anong mali?



Pinakatitigan ng binata ang nobya, she was right wala ngang mali sa suot nito pero kasi ito ang unang beses niyang nakitang nakasuot nga ganito si Rowena. At ito lang din ang pangalawang beses na makita niya na ang maganda nitong katawan. She looks stunningly gorgeous, bagay ang puting two piece swimsuit na suot nito dahil maputi ito pero siyempre hindi lang naman sila ang narito sa beach resort at 'yon ang naiisip niya. "Nope, you look so lovely Rowena, but I guess hindi mawawala ang tingin ko sa 'yo maghapon kung 'yan ang suot mo." Pag-amin niya dito sabay pumeywang. 



"Bolero!" Sabi ko nga ng lapitan ko siya at kunin ang hawak niyang towel ko. "Let's go, mag-swimming na tayo!" Sabi ko sa kanya.



Napabuntong hininga naman ng malalim si Damian, he can't helped it but to glare on her expose body. At tuloy, naalala niya lang no'ng maangkin niya ito noon sa loob ng submarine. "Tara na nga." Sabi niya at hinawakan na ang kamay ng nobya. 



    Hindi lang pala magaling lumangoy si Damian kung hindi napakahusay niya, imagine kaya niya magtagal sa ilalim ng tubig ng halos pitong minuto. At natural lang siguro na mabilib ako dahil first time kong makakita ng kagaya niya. At ganito nga siguro kapag mga sundalong Amerikano, magagaling talaga sa tubig. 



"Huli ka!" Ani ni Damian na pinaikot ang kamay sa beywang ng dalaga. She knew how to swim but she's scared if her feet can't reach anymore the sand underneath the water.



"Damian!" Napatili na ako dahil kiniliti niya ako, paanong nangyari na kanina ay nandito lang siya sa may harapan ko lumalangoy tapos ngayon ay napunta siya sa likod ko? At hindi ko man lang nakita dahil hindi naman naging malikot 'yong tubig. 



"I love you.." He whispered to her ear, sinulatan niya ang kanyang magulang sa Amerika noong isang araw at hindi na nga siya nakapagpigil na ikuwento ang tungkol kay Rowena sa mga ito. And he's hopeful that one day she will meet his parents. 



Ngumiti ako at kumapit sa kanyang braso. "I love you." Sagot ko din pero bumitaw ako at saka lumangoy palayo sa kanya. 



"Rowena!" Tawag ng binata dito, he's about to kiss her actually. Ihaharap niya sana ito sa kanya para mahalikan pero bigla namang bumitaw sa kanya. 



"Come here!" Aya ko naman sa kanya pero muli lang ako lumangoy ulit. And it feels like this is one of the best day in my life. At sana hindi na matapos ang araw na 'to kung saan kasama ko si Damian. 


#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon