CHAPTER 10

5.8K 104 1
                                    






Sa shooting range pinakita ni Damian kay Rowena ang kaalaman niya sa pag-gamit ng baril. He may not be a sharp shooter but he's really good on using different kinds of gun. Amerika ang pinaka may makabagong armas sa buong mundo, dahil Amerika din ang isa sa pinakamalakas at makapangyarihang bansa kahit saang aspeto pa. Ibang-iba ang dating kapag isa ka ng alagad ng militar dahil sa higpit ng mga training na pinag-dadaanan ng bawat isa, na talagang one of the best all over the world. The American government make sure that all military personnel knew how to handle and use different weapons. At dahil isa na nga siya sa mga ito ay talagang gina-grab niya ang opportunity na binibigay sa kanila. Kaya ng masama siya sa mapapadala dito sa Pilipinas ay talagang tuwang-tuwa siya dahil hindi lang sa gusto niyang makarating sa lugar kung saan nanggaling ang ina niya kung hindi para na din ma-experience ang bansang ito ng libre. 



"Ang galing mo pa lang gumamit ng baril." Papuri ko matapos ko siyang mapanood sa shooting range, may iba din na sundalong nandito na nagpapalipas ng oras at nag-eensayo. At nakita ko nga kung paano humawak at bumaril ang isang Damian, alerto siya at 'yong focus niya talaga sa ginagawa ay talagang maganda. 



Isang ngiti ang sinukli ni Damian sa dalaga saka inakay na palabas ng shooting range si Rowena. Maraming activities ang puwedeng gawin dito sa loob ng base kaya hindi din talaga nakakainip. Hindi lang itong pagpa-practice ng baril ang ginagawa niya kung hindi may mga sports din katulad ng basketball, tennis, wrestling at marami pa. Kaya nga kung tutuusin ay hindi maiinip ang mga katulad niya dito pero siyempre mas gusto ng kagaya niya ang lumabas ng kampo at maglagalag dito sa Subic at mga katabing bayan. 



Halos limang minuto ang nilakad namin at base sa signage na nakapaskil ay ito ang barracks nila. "P-Puwede bang pumasok diyan?" Tanong ko dahil may mga sundalo pa na naka-uniform ang naglalabas masok do'n. 



"Of course we can." Sagot ng binata. 



Pagpasok sa loob ay binati si Damian ng mga nakakasalubong niya, sa barracks kasi nilang ito ay siya ang pinaka may mataas na posisyon. Isa lang ang barracks na ito na mero'n dito at mero'n pa sa ibang parte ng kampo. At dahil may posisyon nga ay may sarili siyang kuwarto pero madalas ay doon siya sa mga close niyang sundalo natutulog dahil nakikipag-kuwentuhan pa siya bago matulog. 



"There's also soldier's woman here." Sabi ko ng may makitang tatlong babaeng sundalo ang dumaan. Pagpasok namin sa loob ay isa pala siyang malawak na lugar kung saan kabilaan ang mga pinto. At kapag naglakad ka sa pinaka-hallway ay makikita mo na mga double deck ang higaan sa loob. Pero dito pa kami sa bandang dulo nagpunta dahil dito daw ang mga kuwarto ng mga officer na kagaya niya. 



"Come, you can go inside Rowena." Sabi ni Damian ng buksan niya ang pintuan ng kuwarto niya, pinili niya talaga sa pinaka-dulo dahil puwede siyang dumaan sa fire exit na dalawang kuwarto lang ang layo mula sa kuwarto niya lalo na kapag galing siya sa labas. 



Napatingin pa ang dalaga sa paligid dahil hindi naman niya naka-ugalian na pumasok sa may kuwarto ng may kuwarto. Maski nga sa bahay nila ay hindi niya pinapasok ang kuwarto ng mga kapatid niya lalo na ng mga lalaki dahil nahihiya siyang gawin 'yon. At para sa kanya ay invading of privacy din 'yon. 



"A-Ayoko, dito na lang ako." Sabi ni Rowena sa binata. 



Damian took a deep breathe, she maybe thought he will do something bad to her once she enter his room. "Don't worry I will leave the door open." Sabi niya dito. 



Tiningnan ko naman siya at parang inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo, alam kong hindi niya magagawang gumawa ng kalokohan dito dahil marami ang nagdadaan-daan sa hallway. Lalong hindi niya puwedeng gawin talaga 'yon dahil lagot siya sa akin pero kahit na. Hindi pa din talaga ako sanay na pumasok sa may kuwarto ng may kuwarto. 





Muling hinawakan ni Damian ang kamay ng dalaga ng wala siyang makuhang sagot mula dito. "Come on, I will not do anything bad to you." Sabi pa niya ulit. 



Makulit talaga ang lalaking 'to, napabuntong hininga tuloy ako ng malalim. "Sige na nga, but you will leave the door open right?" Pagsisiguro ko ulit.



"Yes." At saka iginiya ng binata si Rowena papasok sa loob ng kuwarto niya. 



  He really leave the door of his room open, his room is not big like mine but this one is like aiming for more privacy. Kasi kumpara sa mga nakita ko kaninang mga tulugan ng mga sundalo ay mas may privacy ka dito dahil ikaw lang ang natutulog. 



"I know this room is small but I have the privacy I need if I stay here." Kuwento ni Damian, pinaupo niya ang dalaga sa kama samantalang siya naman ay naupo sa monoblock na naroon din sa loob at saka humarap dito. Naka-dress na naman si Rowena at ngayon naman ay kulay puti ang suot nito at naka-headband lang din ang mahabang buhok. Napaka-simple pero takaw tingin talaga ng pumasok na sila dito sa loob ng kampo.



Nasa dalawang dipa lang ang kuwarto niya kung tutuusin at mero'n lang siyang single bed dito sa loob at isang bakal na cabinet kung saan naroon ang mga personal niyang gamit. Isang upuan at walang sariling banyo dahil mero'n lang silang designated comfort room dito sa loob ng barracks nila. Pero ang mahalaga kapag gusto niyang magpahinga mag-isa ay mero'n siyang lugar na ganito. Iba din ang area kung saan sila kumakain pero malapit lang naman dito ang canteen doon ay libre ang lahat kahit ano pa ang kainin nila. 



"Maliit lang pero atleast mero'n ka ngang privacy." Sabi ko sa kanya, Hindi gano'n kalambot ang kutson ng kama pero ayos na din naman kung tutulugan. Ito nga din yata 'yong tinatawag na military bed. 



"But I'm not sleeping here, most of the time ay nakikisali ako sa ibang sundalo dito dahil nakikipag-kuwentuhan pa ako sa kanila bago matulog." Kuwento pa ni Damian. 





Tumango-tango naman ako, so by rank nga din talaga ang mga nandito. Kapag mga tipong katulad ka ni Damian ay may ganito kang space kahit papaano at kapag ibang rank naman ay doon ka sa isang kuwarto kung saan halo-halo kayo. "So how many woman you brought here aside from me?" Tanong ko sa kanya.



Damian laughed when he heard her question, hindi niya inaasahan ang tanong nito pero naisip  din talaga nito 'yon ha? "You are the first woman I brought here Rowena."



"Really? I don't believe you." Sabi ko agad, baka mamaya kasi ay hindi lang pala ako ang babaeng nadala niya na dito. At baka pang-ilan na ako, mahirap pa naman kapag naging tanga ka pagdating sa mga lalaki. Dahil unang-una ayokong mangyari 'yon. 



Damian moved closer to her and caressed her face. Nagdadalawang-isip pa nga siya na gawin 'yon dahil baka makatikim siya ng sampal mula dito. "I meant it, whatever I said to you Rowena, you are the only woman I brought you here okay. Kahit itanong mo pa dito sa mga ibang sundalo."



Akma ko namang tatanggalin ang kamay niya sa pisngi ko pero hindi ko na tinuloy dahil nakatingin siya sa akin pero nakaka-ilang kasi ang ginagawa niya. "D-Damian.." I called his name, parang nag-rarambulan ang puso ko sa pagtibok dahil hawak niya ang pisngi ko. 



"Even if I want to kiss you now I will try myself not to do that. I respect you and I will not waste your trust to me." Sabi ni Damian, para kasing ang sarap halikan ng dalaga pero kailangan niyang rendahan ang sarili na huwag gawin 'yon. 



Kinabahan lang ako lalo sa sinabi niya, I make myself calm and held his hand. "L-Let's go outside?" At tumayo na din talaga ako dahil baka maramdaman niyang kinakabahan ako. 

#maribelatentastories



Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon