CHAPTER 13

2.6K 47 2
                                    



May extra pa akong book na midnight mass, pm niyo ko sa fb page sa gustong bumili.




Nagmukhang basang sisiw si Damian matapos niyang pumunta sa parke kinabukasan araw ng Linggo dahil maliban sa wala siyang dalang payong ay wala din doon si Rowena kahit pa inagahan niya na ang pagpunta do'n. Naghintay pa man din siya ng halos isang oras pero hindi ito dumating. Siguro nga ay hindi ito natuwa sa ginawa niya kahapon na paghalik dito kaya ito nagalit sa kanya. Ang plano pa naman sana nila ngayong araw ay magkikita nga dito sa parke at pagkatapos ay magsisimba silang dalawa. Pero wala at hindi niya ito dito nadatnan at sigurado siyang kahit hindi umulan ay hindi rin ito dito pupunta. Pero dahil sa likas na magaling makipag-usap at makipag-kaibigan siyang tao ay natanong niya sa lagi niyang binibilhan ng tupig kung saan ba banda nakatira ang mayor ng Olonggapo. Kaya naman sa huli ay napag-pasyahan niyang puntahan ang bahay ng mga Agcaoili para makausap ang dalaga.  





  "Maraming salamat sa pag-plantsa ng uniform ko Carlita, matulog ka na rin ng maaga at may pasok ka pa bukas." Sabi ko sa dalagita na isa sa kasambahay namin. Anak siya ng isa sa mangingisda at caretaker ng palaisdaan namin at nagtatrabaho nga siya dito halos dalawang taon na din. At sabi ko sa kanya ay tutulungan ko siya makapag-aral kaya naman ngayon ay patapos na siya sa sekondarya. Kahit nahuli man siya ng isang taon ay lagi kong pinapaalala na importante pa din na makatapos siya ng pag-aaral dahil iba pa din kapag may tinapos ka at diploma. At sa susunod na taon nga ay mag-aaral na siya ng kolehiyo at mukhang tutulad sa akin ang batang 'to na pagiging maestra nga daw ang gusto. 



"Sige po Senyorita, naayos ko naman po sa cabinet ang mga uniporme niyo." Sabi ng dalagita at nagpaalam na nga na lalabas na ng kuwarto ni Rowena.



Buti na lang pala at kaninang umaga kami nagsimba dahil kung kaninang hapon ako umalis ay malamang sa malamang ay hindi ako natuloy. Umulan kasi ng umulan hanggang kaninang hapunan pero buti naman at ambon-ambon na lang ngayon. Wala rin ang Papa at saka kapatid ko ngayon dito sa bahay, at isa siguro ito sa mahirap kapag isa kang pulitiko. Kahit araw ng Linggo ay may trabaho ka pa din, may pinuntahan kasi silang dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. Hindi ko na rin sila hihintayin dahil may pasok pa nga ako bukas ng umaga at maaga ako nagigising.  



Naligo muna si Rowena, hindi pa naman siya matutulog agad dahil aayusin niya pa ang mga gamit niya para bukas. Lunes na naman at may pasok na naman siya, sana lang talaga ay hindi umulan bukas ng umaga ng sa gano'n ay maraming pumasok sa mga estudyante niya. Madalas kasi ay marami ang nag-aabsent kapag maulan kaya naman sana bukas ay kumpleto ang lahat ng estudyante niya. Pero muntik ng mapasigaw ang dalaga ng makita niyang may tao sa may bintana ng kuwarto niya, gawa kasi ang bahay nila sa bato at primera klase na kahoy. It's actually a Spanish house from her grand grand mother. At ang mga bintana dito sa bahay nila kasama ang kuwarto niya ay gawa naman sa capiz at binubuksan niya talaga ang mga ito para pumasok ang malamig na hangin kahit pa may electric fan naman sa loob. Pero naguluhan siya lalo ng makilala kung sino ba ang walang modong umakyat sa bintana niya walang iba kung hindi si Damian!





    Hindi na ininda ng binata ang hampas at sermon sa kanya ni Rowena habang pinupunasan ang basang buhok ng binigay nitong towel. Yes he was wrong getting in on her room and acting like a thief, at buti na lang talaga at tama ang kuwarto na napasok niya dahil tiyak na may kalalagyan siya oras na may ibang tao ang nakakita sa kanya.  



"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa 'yo basta nakakainis ka!" Sabi ko sa kanya, totoo nga talagang mahirap magsalita ng English kapag galit ka dahil kanina ko pa napansin na tagalog din ako ng tagalog habang nagsasalita. Pero bahala siya kung hindi niya ako maintindihan basta nakakainis talaga itong ginawa niya! Ang alam ko ay may tauhan si Papa sa ibaba dahil hindi naman kami nawawalan no'n pero dahil siguro umulan ay baka pumasok muna sila dito sa bahay at wala doon sa gate namin. Pero paano na lang kung nakita siya na umakyat dito? Siguradong hindi lang siya ang lagot kung hindi pati na din ako! 



Ipinatong ni Damian ang towel sa ibabaw ng lamesa na naroon sa harapan niya, buti na lang at madali lang akyatin ang gate ng bahay nila Rowena maging ang bahay ng mga ito mismo. Sa totoo lang ay nanghula lang din talaga siya kung saan ba ang kuwarto ng dalaga, pero buti na lang at hindi naman siya nagkamali. Iisang kuwarto lang din kasi ang nakabukas ang ilaw dito sa itaas ng bahay at ito lang din ang nakabukas ang bintana. Nagbaka-sakali lang din talaga siya kung nandito ba ito dahil ang alam niya nga ay magsisimba ito dapat. 



"You didn't go in the park right? O mag-isa ka din nagsimba?" Damian asked her. 



Hinawakan ko ng mahigpit ang roba na suot ko, manipis lang kasi na pantulog ang suot ko dahil oras na din naman ng pagtulog at buti na lang naka-ugalian ko ng magsuot ng ganito kapag lumalabas ako ng banyo kung hindi makikita ng hudyo na 'to ang katawan ko. "I already went to church this morning, and I don't want to see you Damian because of what you did yesterday to me. I'm still pissed at you, tapos nag-akyat bahay ka pa ngayon." 



Ouch.. Sa isip-isip ng binata, mukhang galit nga talaga sa kanya si Rowena dahil hindi man lang marunong mag-sinungaling at talagang sinabi na ayaw siyang makita nito. "Pero gusto nga kasi kitang makita, saka wala naman ang Papa mo dito diba? So walang magagalit." 



At talagang nag-dahilan pa! "Still this is wrong Damian, you can go to jail because of this." Paliwanag ko sa kanya, literal na akyat bahay ang lalaking 'to 'yon nga lang hindi para magnakaw kung hindi para makipag-usap daw at makita ako. 



"I'm willing to go in jail just to see you Rowena, so please accept my sorry." Ani ni Damian, kung ibang babae lang talaga 'to ay baka hinila niya na ito at niyakap lalo pa at nawawalan siya ng kontrol kapag nakikita ito. 



"A Y O K O!" Masungit kong sagot sa kanya. 


#maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon