CHAPTER 20

2.4K 48 1
                                    






Hindi na nagawa pang iwasan ni Rowena si Damian ng mga sumunod na araw, dahil maliban sa mismong eskwelahan na siya kung saan nagtuturo nito pinupuntahan ay parang nagugutuhan na din niya ang presensiya nito. Katulad na lang ngayon na araw ng Sabado kung saan pinaunlakan niya na ang binata na pumunta sila sa barko ng U.S navy. Hindi niya sinabi sa kanyang ama na makikipagkita sa binata dahil ang alam nga nito ay iniiwasan niya na ito. Sinabi niya lang na makikipagkita siya sa isang kasamahan na guro bago siya umalis sa kanilang bahay.  



"Are you okay?" Damian asked her after they leave the boat, sumakay pa kasi silang dalawa ng maliit na bangka mula sa kampo bago nakarating dito sa mismong barko. Pero mga limang minuto lang naman 'yon kaya ayos lang. Pero kasi naiisip niya na baka mapagod si Rowena at kung anong mangyaring masama dito habang kasama niya. 



"Ya, I'm good." Tinanggap ko ang kamay niya na inabot sa akin at saka ako humawak sa kanya, inalalayan niya naman ako na umakyat ng hagdan. At dahil naka-dress nga ako ay siya ang pinauna ko. Hindi ko naman kasi naisip na kakailanganin pa naming sumakay ng bangka bago makapunta mismo sa barko. Hindi naman ako makikitaan kahit naka-ganito ako ng suot dahil may suot naman ako na short, isa pa mahaba din ang suot kong dress. At ilang sandali pa nga ay nakapasok na kami sa mismong loob ng barko. "Ang laki.." Sabi ko ng tingnan ko siya. 





"Yes this one is really big because this is a combat ship, come on let's get inside." Turo ng binata sa isang pintuan, hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos at lalong hindi pa din nila napapag-usapan ang tungkol sa nalaman niya tungkol dito. Lalo na ang tungkol sa sakit nito, he don't want to see her sad or being worry into something. And he just want to spend his time with her now and makes good memories with her too. 



"Isa ang barko na 'to sa mga inaayos ngayon dahil may pinapalitan na mga parts." Kuwento ni Damian habang naglalakad sila. This kind of naval ship have 5 departments, and that is navigation, engineering, operation, supply and fifth department and for most ship the fifth department is the weapon and deck department. Pero ang barko kung nasaan sila ngayon ay isa sa mga combat ship ng Amerika, at isa sa pinaka may magandang facility sa lahat ng barko na mero'n ang bansa nila. This ship is  one of the best compare with other combat ship on other country dahil lahat ng mero'n dito sa barkong ito ay makabago at talagang pinakamaganda sa lahat. 



I nodded, napakalaki at napakaluwag ng barko na 'to at alam mong bago din at hindi kagaya ng mga normal na barko dito sa Pilipinas. Kung sa bagay ginagamit nga pala kasi ito na pang-gyera. May nakita pa nga ako na parang submarine na nakaparada at hindi lang isa kung hindi tatlong gano'n na malalaki din. 



"This is also the ship we ride from America going here in Subic." Kuwento pa ni Damian. 



"I see, and how many days you travel by the sea?" Natural hindi lang siguro isang Linggo ang aabutin mula Amerika bago ka makarating dito sa Pilipinas dahil malayo talaga ang Amerika kung barko lang ang sasakyan mo. 



"1 month, we stayed here in the ship for 31 days just to be here so it's quite long and boring in the same time Rowena." Sagot ng binata. Hindi kagaya kapag araw ng Lunes hanggang Biyernes ay halos walang katao-tao ngayon dito sa barko dahil Sabado nga ngayon. Mero'n man silang nakita kanina ay isa lamang 'yon sa mga nandito na nagbabantay. 





"A-Are we allow to go here?" Tiningnan ko siya dahil pumasok kami sa isa pang pinto kung saan ang loob naman ay mayroong iba't-ibang klaseng armas. Humawak pa nga ako sa braso niya dahil baka mamaya ay sigawan na lang kami dito. At hindi lang basta armas ang mga nakikita ko ngayon dahil malalaki 'yon na parang mga kanyon!



"Of course.." At muling hinawakan ni Damian ang kamay ng dalaga at iginiya na ito sa loob. 



Hindi ko man maintindihan ang iba niyang sinasabi sa akin sa lahat ng dinadaanan namin at tinuturo niya na iba't-ibang klase ng armas ay alam ko na hindi biro ang mga 'yon. At talagang ito nga yata ang mga ginagamit kapag may gyera, nandito pa din 'yong kaba ko dahil baka mapagalitan kami kasi nga may mga nakapaskil na restricted area sa mga nadadaanan namin pero buti naman at wala kaming nasasalubong na ibang tao. Still parang gusto ko na siyang hilahin sa labas. 



"Wanna see how it looks inside of submarine?" Damian asked Rowena as he opened the door of one of the three submarine here. 



Tumingin naman ako sa paligid dahil baka mamaya ay may makakita sa amin dito. "Wag na lang baka may makakita na sa atin dito." Sabi ko , his offer is tempting specially the door of the submarine is already open. 



"Talagang may makakakita na sa atin kapag hindi pa tayo pumasok sa loob." Ani ni Damian na hinila na lang basta si Rowena papasok sa loob ng submarine matapos nilang makarinig ng yabag ng naglalakad papunta sa gawi nila. 

#Maribelatentastories









Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon