CHAPTER 04

7K 128 2
                                    






Ng sumunod na araw ay muling nagpunta si Damian sa parke na nasa labas lang din ng U.S Naval base. Inagahan niya na nga ang punta doon para hintayin ang babaeng ilang araw na niyang naiisip. He want to know her name, and know more about her. Dahil kahit ilang sandali niya lang ito nakausap kahapon ay alam niyang hindi ito simpleng babae gaya ng mga madalas niyang maka-daupang palad dito sa Subic. 



Pero nawalan ng pag-asa si Damian ng hindi niya nakita kinahapunan sa parke ang dalaga, he spent his time at the park until 7 in the evening but she never showed up. Pero dahil pursigido na makita ito ay babalik na lang siya ulit bukas ng hapon tutal wala nga siyang pasok tuwing Sabado at Linggo at sana bukas nga ay makita niya na muli ang babae. 





   "Hindi na 'yon darating Sir." Sabi ng kapwa Filipino American soldier na si Frederick kay Damian. Hindi katulad ng kasama ay mas marunong siyang magsalita ng Filipino kaya naman kapag inaaya siya nito lumabas ay talagang sumasama din talaga siya. 



Tiningnan naman ni Damian ang mga namamasyal at mga tao sa parke kung saan nakita niya ang babaeng maganda sa mga nakalipas na araw. Pero kahapon at ngayon ay hindi naman ito dumating dito. Nandoon na nga din na naglakad-lakad sila sa loob ng parke para sana malaman kung nandito ba ito pero wala pa rin talaga. At mukhang tama si Frederick dahil magtatatlong oras na rin naman sila dito pero hindi talaga dumating ang hinihintay niya kagaya kahapon. Para tuloy siyang nawalan ng pag-asa, sana man lang kasi ay nalaman niya maski pangalan nito noong Biyernes.



 "Baka nga, tara punta tayo sa Gapo." Sabi na lang niya, parang gusto niyang mag-inom ngayon ng alak. Bawal kasi magpasok sa loob ng kampo ng kahit anong nakakalasing na inumin pero puwede naman sila lumabas para mag-inom. At dahil maaga pa naman ay puwede pa silang maglibot-libot na dalawa.



"Yan ang mas maganda Sir!" At tumayo na si Frederick mula sa kinakaupuan at saka pinagpagan ang suot na maong na pantalon. 



Sumakay lang ng jeep papuntang city proper ang magkaibigan, kung alam lang sana ni Damian na hindi niya makikita ang babae ay ginamit sana niya ang sasakyan mula sa kampo. Walang masyadong taxi kanina sa labas ng parke na gusto sana niyang sakyan papunta sa city proper. Hindi kasi akma ang tangkad niya kapag sumasakay ng jeep lalo pa at matangkad siya at talagang nauuntog ang ulo niya kapag sumasakay sa gano'n. He can use the private vehicle and drive around here in Subic or nearby, nailalabas din niya 'yon katulad noong mga nakaraan na kasama niya ang iba pang kasamahan na sundalo kapag kumakain sila o kaya lumalabas. 



"Sir kakain muna tayo diba?" Tanong ni Frederick ng makarating sila ni Damian sa city proper ng Olonggapo. 



Tiningnan naman ng binata ang rilo na suot niya, mag aalas syete na pala ng gabi at puwede naman silang kumain muna dahil maaga pa naman para pumunta sa club at magliwaliw. To hell with terror threats and street crime here but he want to get drunk tonight. He want to have a good meal first before they can roam around here. Hindi naman lingid kasi sa kanya ang mga kaliwa't-kanan na krimen na nangyayari sa paligid. At natural bilang mga hindi naman mga taga dito talaga ay dapat lang na mag-ingat ang mga gaya nila. "Sige, kumain muna tayo para mamaya sa club na tayo mag-inom." Sagot niya sa kanyang ka-buddy. 



Damian and Frederick went to Mini-Kong's express that located in Magsaysay Drive in Olonggapo, kahit dalawang buwan pa lang sila halos dito ay medyo nakaka-bisado na din nila ang lugar at lalo na ang mga kainan. Pero gaya lagi ng bilin ng mga nakakataas na opisyal sa kanila ay dapat silang mag-ingat tuwing lumalabas ang mga gaya nilang sundalo. Sila kasi ang target ng mga prostitutr dito dahil laging iniisip na maraming pera ang mga kagaya nila. Damian ordered the famous classic Chinese dishes called patatim that drenched in oyster sauce. Buti na lang din talaga at hindi siya kagaya ng ibang sundalo na hindi kumakain ng kanin at nahihirapan pa sa pag-adjust ng kakainin pagpunta dito. His mother used to cooked rice before since he was a kid. Kaya naman talagang masasabi niyang kahit ngayon lang siya nakarating sa Pilipinas ay kumakain pa rin siya ng kanin dahil na rin sa kanyang ina. 



They also ordered camaron con hamon, a shrimp wrapped in ham and bread. At isang bandehadong kanin para sa kanilang dalawa. Ilang beses na rin kasi siya nakakain dito dahil isa ito sa masasabi niyang restaurant na may masarap na pagkain at sigurado siyang malinis. 



"Baka naman Sir natakot sa inyo 'yong babae na kinukuwento niyo kaya hindi na bumalik do'n sa park." Frederick said while their eating. 



Isa din 'yon sa iniisip ni Damian pero hindi naman siya mukhang nakakatakot lalo na ng kausapin niya no'ng Biyernes ang babae. O baka naman may boyfriend na ito kaya gano'n? Pero kung siya ang boyfriend ng babae ay hindi niya papayagan na magpunta o magpalipas ng oras ang girlfriend niya sa parke ng ito lang mag-isa. Pero napunta ang atensyon niya sa grupo na pumasok sa restaurant. At hindi siya puwedeng magkamali dahil isa doon ang babaeng kanina niya pa iniisip at gustong makausap!



   "Papa dito na lang tayo maupo." Sabi ko sa aking ama na kasama ko ngayon, we decided to eat here because we all knew that this restaurant offer a good food. And aside on that kaibigan ni Papa ang may-ari nitong restaurant. Galing kami sa isang event na dinaluhan ni Papa at saka ng kapatid kong si Crisanto at dito na nga kami dumiretso pagkatapos para maghapunan. 



"Okay iha dito na lang tayo." Sabi naman ng ama ni Rowena na si Mayor Domingo Agcaoili na pinag-hila pa talaga ng upuan ang anak. Sinenyasan din niya ang apat na tauhan na kasama nila na maupo na rin doon dahil pang-waluhan ang lamesa na napili ng dalaga. 



Nilapitan naman si Rowena ng babaeng waiter at nag-order na din siya ng pagkain para sa kanilang lahat. Gusto niya ng kumain dahil hahabol pa siya ng misa, tuwing araw kasi ng Linggo ay nakagawian niya ng magsimba sa San Roque chapel kung saan isa talaga siya sa deboto doon. 



Maraming kumakain ngayon dito, nilibot ko pa ang tingin ko sa loob ng restaurant dahil baka may kilala ako. Pero kinabahan ako bigla ng mapag-sino ang isa sa kumakain din dito ngayon. Walang iba kung hindi ang lalaking sundalo na nagpakilala sa akin sa parke noong Biyernes!


#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon