Last update for this week, happy weekend!
But Damian never thought he will see again and again the woman who caught his eyes, at akala niya nga ay hindi lang sadya na nakita niya ang babae no'ng unang beses na nakasuot ng bestida pero hindi. Madalas niyang puntahan ang parke kung saan niya ito unang nakita at naroon nga talaga ito palagi, madalas ay tuwing hapon. At buti na lang ay nasasakto na tapos na din ang trabaho niya sa kampo kaya nakakalabas siya at napapagmasdan ito mula sa malayo. At siguro nga tama ang sinabi ng kasamahan niyang si Steven na dapat na siyang magpakilala dito at hindi puro tingin lang ang ginagawa niya. But there's a part of him thinking twice if he will do that or not, dahil kahit puro tingin lang ang nagagawa niya simula noong Lunes ay alam niyang ibang klaseng babae ito kumpara sa mga nakilala niya na Fiipina.
Naitiklop ko ang libro kong hawak ng makita kong may itim na sapatos sa harapan ko, nakatingin kasi ako sa ibaba kaya naman 'yon agad ang nakita ko. Saka ko tinaas ang tingin ko at doon ko nga nakita ang isang sundalong Amerikano na nakatayo sa harapan ko.
"H-Hi.." Nakangiting bati ni Damian ng magtama ang tingin nila ng dalaga, dahil na rin nakita siya ng ilang kasamahan na sundalo na nakatingin dito sa babae ay tinukso-tukso na siya ng mga ito na magpakilala na siya. Kaya naman kahit nahihiya ay ginawa na rin niya at nilapitan na nga ito.
"H-Hello.." Ganting bati ko sa lalaki, hindi ko siya kilala pero alam kong sundalo siya ng mga Amerikano dahil sa suot niyang uniform. "Hmmnn what can I do for you?" Clueless kong tanong sa kanya lalo pa at hindi ko naman siya kilala.
Napangiti naman ang binata ng sumagot ang magandang babae sa harapan niya. He's really right, the woman infront of him now is different to other woman he met. "Marunong akong magsalita ng Filipino pero kaunti lang."
At dahil sa baluktot na pagsasalita ng Filipino ni Damian ay napatakip ng bibig si Rowena dahil natawa siya sa pagsasalita nito. Pero kinuha naman ng binata ang pagkakataon na 'yon para makaupo siya sa tabi ng babae.
"I am Damian and I already saw you here in the park this past few days. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance na lapitan ka."
Ngumiti ako, siguro hindi ko napapansin na may nakatingin pala sa akin kapag nandito ako sa park dahil busy naman ako sa pagbabasa ng libro. Pero ano daw? nakikita niya na ako nitong mga nakaraang araw? Sinusundan niya ba ako? "Are you saying you are my stalker?" Tanong ko sa kanya.
"I'm not." Mabilis na tanggi ng binata, hindi niya masasabi na stalker siya dahil no'ng una ay gusto niya lang naman malaman kung nandito ba talaga ito palagi sa parke. At hindi naman siya nagkamali dahil lagi niya nga itong nakikita dito lalo na tuwing hapon at ganitong oras. Pero may parte sa sarili niya na gusto niya itong makilala ng personal. "You are gorgeous, and the way you look to other Filipina here is different." Sabi pa niya.
Naintindihan ko naman ang sinabi niya na different, siguro ang ibig niyang sabihin ay ang pananamit ko. Dito kasi sa Olonggapo ay madalang ang nagsusuot ng mga vintage dresses katulad ng akin. Pero dahil na rin siguro sa pagbabasa ko ng mga magazines na galing pang ibang bansa ay lagi akong nagagandahan sa mga babaeng nakasuot ng dress partikular na ang ganitong style. I bought all of my dresses in Manila, hindi nga bili dahil pinapagawa o pinapatahi ko ito doon malapit sa may Ermita. It's unique and feels like there's already a history attached on my dress.
"Thank you, but you are stranger. And I should not be talking with stranger Mister." Sabi ko sa lalaki, alam ko ang ugali ng mga katulad niyang sundalong Amerikano na madalas nakikipagkilala sa mga babae hindi lang dito sa loob ng Subic kung hindi maging sa mga karatig na bayan. Aba ang dami ko yatang naging estudyante na half American, mga anak ng sundalo na nakilala ng mga nanay nila dito sa Subic pero hindi na nila nakilala ang ama nila dahil bumalik na sa America.
At ayokong matulad sa mga gano'n, na sa una ka lang susuyuin pero pag natapos na ang trabaho nila dito ay aalis na at babalik sa ibang bansa.Hindi naman inaasahan ni Damian ang sinabing 'yon ng dalaga. Ni hindi niya pa nga nalalaman ang pangalan ng babae tapos mukhang ayaw na nito makipag-usap sa kanya agad. "W-Wait, I-I'm a nice person at hindi rin ako masamang tao." Sabi niya dito ng makitang nilagay na nito ang hawak na libro sa loob ng bag nito at parang aalis na.
Binasa ko ang nakasulat sa harapan ng uniform niya. Morales ang nakalagay na sigurado akong apelyido niya din 'yon. At siguro kung hindi siya may lahing Filipino ay may lahi siyang Espanyol dahil hindi naman pang-Amerikano ang apelyido niya. "Still I don't need to talk with stranger and beside if you're thinking I am a hooker like those women you met here in Subic, well I'm not." At saka ako tumayo at tinawag na ang driver namin bago ako dumiretso sa sasakyan na nakaparada at sumakay na do'n.
Wala naman tuloy nagawa si Damian kung hindi habulin na lang ng tingin ang babaeng umalis, kulay itim naman na dress ang suot nito na lagpas hanggang tuhod. Wala itong ano mang make up sa mukha maliban sa kulay pulang lipstick sa mga labi nito. Hindi rin ito nakasuot ng sumbrero gaya ng mga nakaraang araw pero parang nakakapang-hinayang lang at ni hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito.
But she was right, she doesn't look a hooker, malabo ang sinabi nitong 'yon sa kanya. At gusto niyang itama sana 'yon dahil mukhang 'yon ang iniisip nito sa kanya. Tama, aabangan niya ulit ito bukas dito sa parke tutal Sabado naman bukas at wala silang pasok. At bukas sisiguraduhin niya ng makikilala niya na ito talaga.
#maribelatentastories
