CHAPTER 17

3.3K 76 6
                                    





"Ginabi ka na iha.." 'Yon agad ang bungad ni Domingo sa anak na si Rowena ng pumasok ito sa loob ng bahay nila. Katatapos niya lang manood ng balita sa black and white TCL tv nila. Kanina pa siya bago magtakip silim nakauwi at sinabi nga sa kanya ng mga kasambahay nila na wala pa daw ang kanyang bunso at tumawag daw ito para sabihing may pinuntahan pa. Hindi na tuloy niya ito nakasabay sa pagkain dahil wala pa din ang anak niyang lalaki dito kaya naman tanging siya lang ang kumain ng hapunan kanina mag-isa.


Nagmano naman ako kay Papa at saka humalik sa kanyang pisngi, siguradong katatapos lang nito manood ng balita dahil nakita kong may tsaa pa sa lamesitang nasa harapan niya kagaya kapag nanonood siya ng TV. "Lumabas lang po ako kasama ang kaibigan ko." Paliwanag ko sa kanya. "Kumain na po ba kayo? Kumain na kasi kami kanina bago umuwi." Wala naman akong curfew at alam ko naman na natural lang sa isang ama ang mag-alala kapag wala pa ang anak niya. At madalas naman ang ganito na mangyari lalo na kapag nahuhuli akong umuwi.





Umayos ng upo ang ama ni Rowena na si Mayor Domingo dahil naka dekuwatro ito kanina at saka tiningnan ang anak. "Ilang beses ko bang ipapaalala sa 'yo na huwag kang magpaka-pagod? At pagkatapos mo sa eskwela ay umuwi ka na para makapag-pahinga ka." Nag-aalalang sabi niya dito. Hindi kasi puwedeng mapagod anak niyang ito kaya nga tutol siya noong una sa pagtuturo nito. Hindi biro ang maging isang guro at napakalaking responsibilidad no'n lalo pa at sa isang pampublikong eskwelahan pinili ng anak niya magturo. "You don't need to work iha, you can stay here at home." Dagdag tuloy niya.





"Papa.." Tawag ko sa kanya at umupo na nga sa upuan na bakante sa tabi niya. He's not against on my teaching anymore but I knew what he will say next.





"Alam kong hindi mo kaibigan ang kasama mo Rowena at alam kong lalaki ang kasama mo kanina."




"Papa.." Nagulat ako sa sinabi niya, paanong?





"Yong lalaking nagpakilala sa akin na sundalo ng kumain tayo sa restaurant alam kong siya ang kasama mo." Sabi pa ni Domingo sa anak ng makita itong magulat sa sinabi niya. Hindi nito inaasahan na alam niya ang tungkol doon.





"K-Kaibigan ko lang po siya." Mahina kong sabi, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon pero hindi kaya pinapasundan niya ako?





"You dont need to explain to me iha, natural na alam ko ang ginagawa mo at sino ang kasama mo. Nanliligaw ba 'yon sa 'yo? O may relasyon na kayong dalawa?"




Muli akong umiling bilang sagot dahil wala naman kaming relasyon ni Damian. Oo sinasabi niya sa akin na liligawan niya ako pero sinabi ko na din naman sa kanya na hindi at ayoko diba.





"Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa 'yo o ano. Pero wag mo din kalimutan ang tungkol sa 'yo, alam niya ba?" Dagdag pa ng alkalde.




I shook my head again, alam ko ang ibig niyang sabihin at siyempre hindi alam ni Damian ang tungkol doon. Dahil tanging pamilya ko lang ang nakakaalam ng sinasabi ni Papa.





Domingo held her hand and look to his daughter. His youngest daughter is the photocopy of his late wife. At kung ano ang itsura ng asawa niya noong dalaga pa ito ay ganito na ganito din si Rowena ngayon. She grew up beautiful, mabait din itong bata at may takot sa Diyos. "Hindi ako humahadlang sa kaligayahan mo anak pero alam mo naman ang ibig kong sabihin." Paliwanag niya pa dito. "Ayoko lang masaktan ka sa huli dahil ayoko din na makita kang malungkot o nasasaktan dahil sa isang tao lalong-lalo na dahil sa isang lalaki."




Tumango ako bago yumuko, ito ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong nakakarelasyon. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil may matindi akong dahilan na tanging pamilya ko lang ang may alam. At naiintindihan ko din naman ang ibig sabihin ni Papa. "Naiintindihan ko po at huwag kayong mag-alala iiwasan ko na si D-Damian simula ngayon."





Hindi na kumibo pa ang alkalde, para sa isang magulang na katulad niya ay hangad niya ang kaligayahan ng mga anak niya. Pero nagkataon lang talaga na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ang isang tao. At isa na doon ang anak niyang si Rowena. "Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo at magpahinga. May pasok ka pa bukas." Sabi niya na lang dito lalo pa at nakita niyang lumungkot ang mukha nito.




Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nilapag sa sahig. Minsan natatanong ko na lang talaga sa sarili ko kung bakit ba sa akin nangyayari 'to. Wala naman akong inargabyadong tao at lalong may takot din naman ako sa Diyos. Pero sadyang ito na yata ang kapalaran ko, hindi ako puwedeng maging masaya katulad ng iba at lalong hindi ako puwedeng pumasok sa isang relasyon kahit pa magustuhan ko ang nanliligaw sa akin. At mukhang kailangan ko na nga din iwasan si Damian dahil siguradong pareho lang kami masasaktan kapag nalaman niya ang totoo tungkol sa akin.

#Maribelatentastories

Beg for itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon