Risa's Pov
Kakarating palamang namin ng bumuhos ang napaka lakas na ulan, sinabayan pa ng kulog at kidlat mabuti na lamang talaga at naka uwi kami kaagad kung hindi ay naabutan pa kami."Sakto po ang dating nyo ma'am alice, senator risa, naka ready na po ang hapunan" sambit ni manang loleng, sya pala ang caretaker ng bahay na ito, actually marami pa syang ibang kasama pero mga busy sa kabilang bundok andon papala ang isa pa nilang farm, natanong ko nga din kay mayor kung bakit hindi na inasikaso ung sakahan kanina na pag mamay ari ng lolo nya, sabi nya kabilinbilinan raw ito ng yumao niyang lolo na wag na daw papaki alaman kaya un sakabilang sakahan nalang sila tumutuk ng pag tatrabaho.
"Halika na madam senator.." agad akong lumapit sa hapagkainan, ngayun lang ako nakaramdam ng gutom! Agad akong sumandok ng pagkain, mukang masasarap ang luto ni manang loleng.
Fast forward>>>>>>>>
Andito na kami sa kwarto, hindi parin tumitila ang ulan sa labas patuloy parin ang kulog at kidlat. Maya maya pa ay lumapit si mayor saakin at may inabot..
"Eto ang pamalit madam senator, mag palit kana ng pang tulog.." sabay abot saakin ng kulay pink na terno ng pangtulog.
"No need na mayor, ito nalamang ang susuotin ko..." Tangi ko saknya..
"Mag papalit ka po, or ako mismo ang mag papalit ng damit mo? Choose one madam senator" agad akong na mula sa sinabi nya.. dali dali kong inabot ang damit at tumayo.
" Sabi ko nga mag papalit na ako.." natatawa naman syang naupo sa kama. Dumeretso na ako sa banyo baka mamaya bihisan pa ako nitong si mayor, pwede rin maman joke HAHA
"Bilisan mo po madam senator mag bibihis din ako.." agad may pumasok sa isipan ko..
"Pwede ka naman sumabay mayor,..." Nagulat sya sa aking sinabi, agad na mula ang kaniyang pisnge.. cute
"Ikaw po talaga madam senator napaka mapag biro mo!!" Pilit nya pina seryoso ang ekspresyon ng muka
"I'm not joking mayor.. bukas lang ang pinto if sasabay ka.." sabay kindat ko HAHAHA ano nanamang kalokohan ito risa!. Nakita kong yumuko sya sobrang pula na ng kaniyang muka.
Agad na akong pumasok sa loob ng banyo, hindi ko ito ni lock baka kase mag bago ang isip ni mayor eh HAHA
(HUYY ANG LANDI MO SEN RI!!)
Agad ko ng binuksan ang shower syempre nag hubad muna alangan namang mag shower ng naka damit diba?.
Ang lamig na lumalabas mula sa shower at ramdam mo na natural ito dahil sa umaagos na tubig mula sa labas, nag tataka tuloy ako kung paano nila nagawa ang ganitong klaseng bahay napaka ganda ng pinag tayuan. Bukod sa sagana sa natural napaka ayos pa ng paligid wala ka manlang makikitang kalat o basura hindi kagaya sa bayan puro basura ang ma kikita.
Mamaya na ang kwento tatapusin kona tong paliligo mukang nag aantay na si mayor, wait San ba ang sabon dito?.. ah ayun sa kabilang side ang lawak kase masyado ng banyo nila parang pwede ka ng mag tayo ng isang kwarto!.
Hahakbang na sana ako para kunin yung sabon ng biglang.....
Madulas ako...
"AHHHHHHHHH!!!!! " Napa sigaw ako sa sobrang sakit tumama ang tuhod ko sa bathtub na katabi nitong shower may kapiraso pala ng sabon ang nasa lapag at dun ako napa tapak, shit bat ngayun pa ako na dulas napaka clumsy ko naman!! Puro kamalasan nalang eh no!!
"Madam senator ok ka lang po ba jan?" Dinig kong tanong ni mayor, na rinig nya yata yung sigaw ko mula rito sa loob..
"O-ok lang ako mayor..just give me a second sh*t a minute..." sinubukan kong tumayo pero napa upo lang ulit ako,
"ARAYYY" sobrang sakit!! Parang nabali yata ang binti ko sa sobrang lakas ng pag kaka tama!!
Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto.. shit wala akong damit!! Nag mamadaling lumapit saakin si mayor habang dala dala ang isang twalya at ibinalot saakin.. naka ramdam ako ng hiya nakita nya akong walang kadamit damit!!
"Ano pong ngayare madam senator.. " nag aalala niyang tanong saakin.
"Nadulas ako hindi ko napansin ang kapiraso ng sabon sa sahig kaya un napatama ang tuhod ko sa bathtub " pag papa liwanag ko sya naman ay agad na chineck ang aking tuhod na ngayun ay pulang pula na..
"Halika madam senator humawak ka sa balikat ko.." inilagay nya ang braso ko sa kniyang balikat para ma alalayan akong tumayo...
"Kaya mo po ba madam senator?" Dagdag pa niya. Tumango nalang ako pero sa totoo lang ang sakit parin..
Inalalayan nya ako hangang sa madala nya ako sa kwarto agad nya akong pinasandal sa kama at dahan dahang itinuwid ang aking binti..
"A-arayy mayor masakit"
"Sorry madam senator,.. hihilutin ko lang po ha, don't worry I'll be gentle po" agad nyang hinilot ang parte kung saan na mumula..
"Next time po mag iingat ka madam senator.." saad nya habang naka tingin parin at naka focus sa aking tuhod , hinihilut nya parin iyon. Napangiti naman ako habang tinititigan sya.
"Oh ayan medyo nawala na po ang maga, madam senator, wag ka po muna gagalaw baka bumalik ang pamamaga" tumango nalamang ako
"Thank you mayor.." she smiled at me then nag paalam na sya saakin na mag shoshower
"Amm madam senator pwede na ba ako mag suot ng damit?" Ngayun ko lang na alala na wala pa nga pala akong suot na damit kundi ang naka tapis saakin ma twalya.
"Bibihisan nalang po kita madam senator.."
"No, kaya ko na.." agad kong inabot ang aking damit na ipinatong nya pala sa lamesa katabi ng kama. Nagalaw ko ng kunti ang binti ko at sumakit nanaman, napangiwi ako sa sakit..
"Oh see sabi ko naman po sayo ako na eh, let me do it madam senator.. pipikit nalang ako don't worry" saad niya, ano pa nga bang ma gagawa ko diba? Nakakahiya man pero no choice kesa naman matutulog akong walang saplot!
Agad nya akong sinuotan ng damit at gaya ng sinabi nya naka pikit sya, isipin nyo nalang kung paano nya naisuot saakin ang damit ko habang naka pikit HAHA.
"Oh ayan tapos na madam senator, jan kana po muna ako naman ang mag shoshower.. wag po masyadong malikot baka sumigaw ka nanamn mamaya ng 'ARAYYYY'.." Natatawa nitong sambit ako naman ay napa ngiti, grabe talaga humor nitong si mayor hindi mo aakalaing maraming piniproblema. Mas lalo tuloy ko tuloy syang nagugustuhan, yes i like her too pero ayaw ko munang aminin iyon saknya, ayaw kong masira ang pag kakaibigan namin at isapa ayaw ko mag assume na ako parin iyon, napapaisip tuloy ako kung anong meron saknila ni amelea. Well hindi sila bagay mas bagay ako sakanya! Period!!
(SIGE SEN RI IPAG LABAN MO ANG KARAPATAN MO!! AYY WALA PALANG KARAPATAN >_<)
A/N hey guys good morning!! Sorry now lang naka update hope mahaba pa pasensya nyo!! Mwaps ty sa support🤍
YOU ARE READING
RISAXALICE : YOUR HONOR I FALL INLOVE
RandomAng istoryang ito ay hindi ngyare sa tunay na buhay, ito ay naka base lamang sa kathang isip na pangyayare, ang kahit na anong pangalan o pangyayare na mababasa sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Credits to the owner of pictures especially for...