CHAPTER 20 Wag muna tayo umuwi

1.1K 47 16
                                    

Alice Pov
Maaga ako nagising dahil sa huni ng mga ibon at tilaok ng manok sa labas tila narin ang ulan. Pag mulat ng aking mata nasilayan ko agad ang maamong muka ni madam senator, naka unan ito sa aking mga bisig at naka yakap saakin habang mahimbing na natutulog. Hindi nya yata na malayan na ganito na ang aming posisyon, sana palagi nalang ganito palagi akong gigising na sya ang kasama.

"Good morning madam risa ko.." bati ko saknya kahit na sya ay tulog pa.

So pano ako ngayun babangon kung naka ganito sya saakin? Balak ko pa naman sana mag luto ng agahan, para sakanya. Baka magising sya kapag gumalaw ako.

Maya maya pa ay nagising na sya, mukang na gising ata sya dahil saakin. Minulat niya ang kaniyang mga mata at kinisapkisap ito, kitang kita sa mga mata niya ang pagka gulat ng makita naka yakap sya saakin, agad itong kumawala at nahihiya bumangon

"I-i m sorry mayor, malikot kase ako matulog, pasensya na talaga.." ang cute nya mahiya HAHA , aga aga puro kilig agad!!

"G-good morning pala mayor.." dagdag pa niya,

"It's ok madam senator" saad ko habang nangingiti.. hindi kona sya binati dahil na una na akong naka pag good morning saknya hindi nga lang niya alam>_<

"Kanina kapa ba gising mayor?" Saad niya habang kinukusot ang kaniyang mata

"Hindi naman po madam senator kakagising ko palang din" tumango lamang siya habang inaayos ang kaniyang sarili. Ako naman ay mag luluto na ng agahan, tumayo na ako at akmang lalabas na ng mag salita sya

"Saan ka pupunta mayor?" Agad ko syang nilingon

"Lalabas na po mag luluto ng breakfast " tumango nalamang sya at hindi na nag salita.

Pagka labas ko ng kwarto ay nakita ko si manang loleng..

"Gising kana po pala ma'am alice, magandang umaga po" bati nito saakin

"Magandang umaga din po.. hmm manang ano pong available na lutuin sa kusina?" Tanong ko sakanya

"Ah, meron pong bagong ani na mga gulay kaka dala pa lamang po ni alex kani kanina, kasama po ng mga itlog na galit sa chicken farm.." saad niya, by the way si alex ay anak ni manang loleng sya ang na ngangasiwa sa aming isang farm. Doon kami pupunta mamaya ni madam risa ko..

(Sige mayor angkinin mo na ang dapat ay saiyo!)

"Ah sige po salamat, ako na po ang mag luluto ng agahan" ngumiti na lamang ito at ipinag patuloy ang kaniyang ginagawa. Habang ako naman ay nag punta na dito sa kusina para mag ready ng mga lulutuin ko.





Fast forward>>>>>


Tapos na ako mag luto napag desisyonan kona ding tawagin si madam senator sa kwarto.

Pag pasok ko ay wala siya roon san naman kaya sya nag punta? Tiningnan ko sya sa banyo sa salas pero wala parin...

"Hinahanap mo po ba si ma'am risa?" Saad ni manang loleng ng makita ako, kanina pa kase ako na hihilo sa kaka hanap saknya..

"Opo manang nakita nyo po ba sya?"


"Ah opo ma'am andon po sya sa kubo sa labas nag papahangin po siguro.."



"Ah sige po manang salamat po" agad na akong pumunta kung saan naroon si madam senator, hindi manlang nag papalam ha!!





"Andito ka lang po pala madam senator! Kanina pa ako na hihilo kaka hanap sayo.." saad ko ng maka rating sa Kubo kung saan naka upo sya at naka tanaw sa malayo. Bale itong kubo ay tambayan ng mga nag tatrabaho kapag tapos na sila mag saka at isa pa kapag nag memeeting sila tungkol sa pag tatanim at pag aararo.



RISAXALICE : YOUR HONOR I FALL INLOVEWhere stories live. Discover now