Risa's Pov
Kasalukuyan na kaming naka upo at naka palibot na sa lamesa, lahat kami ay maagang nagising, para pag usapan ang mga hakbang na dapat naming gawin. At habang nag hahanda pa ng almusal si manang ay ipag papatuloy muna namin ang mga na pagusapan kagabi."Tinawagan ko na ang isa ko pang kasama pina papunta ko sya sa GH&P, at pinag mamanman ko siya roon kung sakali mang doon ulit makita ang itim na van na iyon ay madali nating ma lalaman kung sino ba ang may kagagawan nito..." Bungad ni james na ngayun ay nag kakape . Yung GH&P na sinasabi niya ay pangalan ng kompanya ni amelea, may kutob ako na baka nga andito lang sa loob nito ang nag babanta saamin
"Kailngan na nating maagapan at mapag handaan ito... Dahil kung hindi baka may susunod nanamn sila hakbang, hindi nalang nila kayo tatakutin baka mas malala pa ang gawin nila" dagdag pa nito
"Kung ganoon mag papa lagay ako ng mga security sa entrance at exit ng farm para mahuli sila kung sakali mang mag tatangka ulit sila.." saad ni ate gi, si mayor naman ay seryosong nag iisip..
"Mayor? Ok ka lang ba? Parang masyadong malalim ang iniisip mo" tanong ko saknya
"Hmm... May iniisip lang po ako, medyo familiar saakin yung GH&P na iyon.. hindi ko lang maalala pero parang nakita kona un kung saan" saad niya habang hinihilot ang sintido
"Hay nako, ang aga aga nyo naman ma stress!! Pwede bang mag break muna tayo sa ganitong usapan? Pahinga muna natin aga aga pa oh" singit ni leni
Sakto naman na tinawag na kami ni manang betty, ready na daw ang agahan. Kaya agad na kaming pumunta sa kusina. Habang kumakain ay pinag uusapan parin namin at pinag paplanuhan ang mga bagay bagay. Mag dadagdag kami ng siguridad sa bawat tahanan namin, lalo na si mayor dahil mukang sya ang puntirya ng mga iyon. May kutob ako na konektado sa isat isa ang mga nasa isip namin, Parang puzzle ang atake nito ha!!
Pag katapos naming mag agahan ay napag pasyahan na nilang umuwi, dahil may kanya kanya pa kaming gawain. Pinag bawalan muna kami ni james na lumabas labas ng bahay at isan daw namin ang pag uwi ng gabi dahil sa mga pangyayare.
"Mag iingat kayo mayor, ate gi ikaw ng bahala kay mayor ha! Wag mo syang iiwanan delekado na" bilin ko kay ate gi na agad namng ngumisi
"Oo naman ma'am risa!! Iingatan ko ang mis- este ang mayora mo" sabay tawa nito, mabuti nalamang at hindi narinig ni james, ayaw pa naming may makaka alm na iba ng tungkol saamin.
(Wala naman kayong label sen ri, joke HAHA)
At ayon umalis na sila, pati si leni ay umalis na rin at may aasikasuhin pa daw ito. Tutulong daw sya sa pag iimbestiga since si amelea ay medyo malapit saknya.
Leni's Pov
Masama din ang kutob ko na may kinalaman si amelea sa mga pang yayaring ito, hindi ko sya lubusang kilala at hindi rin kami masyadong malapit sa isat isa. Ewan ko ba hindi ko gusto ang ugali niya!!Kasalukuyan akong nag mamaneho pauwi ng biglang may tumawag sa aking cellphone, agad ko naman itong sinagot, unknown number ang naka lagay so ibig sabihin hindi ko kilala kung sino ito
'hello? Who's this?' bungad ko
'Hindi mo na dapat pa akong makilala, tumawag ako para balaan ka, wag na wag mong tutulungan sila Senador Risa at Mayor Alice, kung hindi madadamay ka.'
Bigla akong kinilabutan sa sinabi ng taong kausap ko, sino ba talaga ang may pakana nito? Anong pakay nila sa mga kaibigan ko? At bakit parang familiar ang boses na iyon? Well hindi ako na tatakot kung idamay nila ako!! Kaibigan ko ang pinag uusapan dito hindi ko sila dapat pabayaan.
YOU ARE READING
RISAXALICE : YOUR HONOR I FALL INLOVE
RandomAng istoryang ito ay hindi ngyare sa tunay na buhay, ito ay naka base lamang sa kathang isip na pangyayare, ang kahit na anong pangalan o pangyayare na mababasa sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Credits to the owner of pictures especially for...