Alice Pov
Agad napa tayo si madam senator sa pag kaka upo sa saking lap agad nyang inayos ang kaniyang sarili,"W-wala kang nakita jeny!! Mali ang iniisip mo" na uutal niyang saad habang si jeny naman ay naka tingin lamang at shock parin..
"Ammm... Wala naman po akong ibang sinabi senator Risa, sasabihin ko lang po sana na dumating na yung inaantay nyong report, sige po mauna na ako don't worry po wala akong nakita hehehe" sabay kindat nito saakin, isa ding makulit iyong si jeny!! Kagaya kanina noong papasok ako dito nag tanong lamang ako saknya kung andito na ba si madam senator tapos tinanong nya ako kung ano daw ba ang kailngan ko, sabi ko ay sabihin na andito ang asawa nya agad nya naman itong sinabi kahit nag bibiro lamang ako jusko!!
Binaling ni madam senator ang tingin saakin at inirapan ako.. aba ang sungit ha!! Parang sinasabi ng mata niya na 'kasalanan mo ito'
Hindi ko nalamang iyon pinansin at umayos ako ng upo dito sa sofa ng opisina niya. Wala pa akong balak umalis gusto ko muna mag stay dito, syempre andito sya malamang!. Busy sya sa pag aayos ng mga papeles at kung ano ano.. maya maya ay napa tingin siya saakin..
"Bakit po madam senator?" Tanong ko kase ang seryoso ng muka niya, baka papa alisin ma ako!!
"Hmmm.... Nagugutom kana ba mayor? Tanghalian na tara mag lunch muna tayo" Bigla akong napa ngiti sa sinabi nya, akala ko papa alisin na ako!!
Agad nya akong hinila palabas ng office, hindi ko alam kung saan kami kakain basta nag pa hila nalang ako sakanya.
"Saan mo gusto kumain mayor?" Tanong nito saakin hawak niya parin ang aking kamay habang nag lalakad kami palabas, pinag titinginan nga kami ng mga impleyado pero wala syang pake alam ako tuloy ang na hihiya>_< well baka na iingit sila kase kasama ng senadora ang misis-- este ang kaibigan niya
(Kaibigan lang ba? Baka friends with benefits HAHA)
"kayo na pong bahala madam senator.."
"Hmmm.. ok then sa mcdo nalang tayo tutal malapit lang naman dito.." tumango nalang ako at agad na kaming pumunta sa mcdo, hindi naman kalayuan tatawid ka lamang ng kabilang highway.
Pag dating namin ay agad na rin kaming nag order, saakin ay rice and fried chicken syempre hindi pwedeng walang kanin!! Kahit tumaba pa ako!! Sya naman ay ganoon rin. Agad na kaming kumain, ngayun lang ako naka ramdam ng gutom.. maya maya pa ay napa tingin ako kay madam senator na ngayun ay naka titig saakin, kita kong bumaba ang tingin niya sa aking mga labi... At biglang....
Risa's Pov
Kasalukuyan kaming kumakain ni mayor ng napansin kong may kalat na ketchup sa gilid ng labi niya... Napansin niya yata na naka tingin ako saknya kaya na agaw ko ang atensyon nito. Agad kong pinahid ang kalat na ketchup..."Ang dungis mo kumain mayor, tsk" agad itong na mula sa sinabi ko. Ako naman ay na tatawa sa reaksyon ng kaniyang muka HAHA ang cute nya talaga!! Ipinag patuloy lang namin ang pag kain... Maya maya pa ay may lumapit saamin sakanya pala tsk.
"Hello my alicia!!!" Bati ng isang babaeng bruha este si amelea pala.. bat andito naman tonf bruha na to!! Nakaka inis!! Na iinis talaga ako sa pa 'my Alicia ' niyang tawag!! Hoyy bruha akin lang yan!!kiki agaw kapa!!
Agad napa tingin si mayor saknya, bigla bigla nalang sumusulpot!! Parang kabote!!
"H-hi lea, anong ginagawa mo dito?" Tugon naman ni mayor, habang si amelea ay umupo sa tabi niya, walang pasabi? Basta uupo nalang? Wala manlang 'pwede maki upo?' tsk!!
"Eat?" Sabay tawa nito, sya lang natawa eh wala namang na kakatawa sa sinabi nya tsk.
"Oh hello para senator risa.." bati niya saakin ngumiti nalamang ako ng peke, buti naman at na notice nya na may kasama si mayor!
"Now I know why you canceled our gala today my Alicia" saad nito na parang sinasadyang iparinig saakin, and what? May gala sila today? Sorry ka pero sakin sya pumunta!!
"Hmm.. may importante lang na nilakad.." sagot ni mayor. Yes at ang importanteng yun ayy AKO!!
"Hmm... Mag tatampo na ako niyan!! Wait order na ako ha.. WAITER!!" aba at balak pang sumabay!! Nakakainis na talaga!! Nawalan na ako ng ganang kumain!!
"How's your day pala my alicia?" BWESET NAKAKARINDI NA!!
"ok lang naman,.." simple sagot ni mayor. Mukang maoop lamang ako sa dalawang ito.
"Game kaba tomorrow? Mag tatampo na ako niyan sayo!!" Sabay pout nya pa, lol hindi ka cute!!
"Sige, what time ba?" Abat pumayag pa tong si mayor?? NAKAKAINISSSSS!!!
"Hmmm.. text nalang kita or i will pick you up nalang?" Pigilan nyo ko!!
"Sige ikaw na ang bahala lea.." saad ni mayor.. wala na sasama talaga sya!! Putekkk nah seselos na ako mayor oh d mo ba makita?
Nag kwentohan lamang silang dalawa habang ako eto naka tunganga sa cellphone, kunwari may kausap pero ang totoo sinasamaan ko na ng tingin itong bruha sa harap ko!! YAWAAAAA
Mabuti nalamang at tapos na ako kumain, ganoon din silang dalawa, si mayor ay mukang nag eenjoy sa pakikipag usap sa bruha na ito..
"Mauna na ako my alicia!! See you tomorrow mwaa byeee" at kumaway kaway pa... Kumaway din naman si mayor tsk hindi naman sila bagay!!
Kasalukuyan na kaming nag lalakad pabalik sa opisina... Binibilisan ko na mag lakad bahala na si mayor kung sumunod sya o hindi..
"Wait lang madam senator intayin mo naman ako!!" Hindi ko sya nilingon tuloy tuloy lang ako sa pag lakad. Ng maramdaman kong kumapit sya sa braso ko.. at iniharap ako saknya, andito kami sa hallway pa akyat walang masyadong dumaraan dito.
"Problema mo mayor?" Tanong ko saknya
"Ikaw dapat ang tinatanong ko madam senator.. ano po bang problema mo? Kanina ok kapa ah" tanong nito saakin
"Wala!!.." tumalikod na ako at akmang mag lalakad na ng hilahin nya ulit ako..
"Ano ba madam senator!! Sabihin mo nga sakin ano bang problema mo?!"
"Gusto mo talaga malaman? Sige mayor sasabihin ko!! Nag seselos ako!!! Ano masaya kana? Happy??" Kitang kita sa muka nya ang pagka gulat hindi sya nakapag salita.
"Ano mayor? Bakit hindi ka makapag salita?"
"I thought.... You don't even like me... Bat ka nag seselos madam senator? Sabihin mo naman ng deretso!! Ang gulo gulo mo naman po eh!!! Sinabi mo sakin na hindi mo ako type then nag aakto kang parang ewan!!"
"Yes akala ko hindi kita ma gugustuhan, akala ko hindi ako ma huhulog sayo, pero mayor hindi ko alam!, biglang gumising nalang ako isang umaga na na iisip kita na hindi kana mawala wala kahit na sa pag tulog ko .. akala ko attracted lang ako sayo or infatuation lang pero hindi eh!! Kaya OO mayor!!! I REALLY LIKE YOU!!" napa nganga sya sa sinabi ko, wala na akong pake kung may maka rinig basta ang alam ko nasabi kona ang dapat kong sabihin.
A/N good afternoon guys, at dahil may nag request na next na eto na po!! OMGGGG umamin na ang Sen ri nyo!! Hulaan nyo kasunod na mangyayare!! Ty🤍
YOU ARE READING
RISAXALICE : YOUR HONOR I FALL INLOVE
RandomAng istoryang ito ay hindi ngyare sa tunay na buhay, ito ay naka base lamang sa kathang isip na pangyayare, ang kahit na anong pangalan o pangyayare na mababasa sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Credits to the owner of pictures especially for...