Risa's Pov
Ang saya pala makipag habulan sa mga biik! HAHA. Kasalukuyan na kaming bumababa ni mayor galing sa bundok hindi parin maalis sa aking mga labi ang matamis na ngiti, pano ba naman para na kaming marshmallow na pinagulong gulong sa chocolate sa sobrang dami ng putik sa katawan hangang sa aming mga muka ay mayroon HAHA!!"Mayor hindi bat pupunta pa tayo sa inyong sakahan?" Napalingon sya saakin, sabi nya kase kanina pupunta din daw kami roon
"Hindi ka pa po ba na papagod madam senator?" Tanong niya saakin
"Hindi po mayor, para ngang hindi ako nakakaramdam ng pagod eh" agad naman syang napa tawa sa sinabi ko..
"Oh sige po tara na!!" Hinila niya ako papunta sa daan kung saan naroon ang mga mag sasaka niya ...
Pag karating namin doon ay bumungad saamin ang napaka lawak na tubigan o mas kilala sa tawag na palayan.
"Manong Julio!! Manang beth!!" Sigaw nito sa dalawang matanda na nasa di kalayuan, i think nasa 40's palamang ang edad nila hindi pa ganoon ka tanda.
Agad naman silang napalingon kasama ang iba pang mga nag sasaka roon, inaninag nila kami habang nasa malayo nag tataka siguro kung sino kami dahil ang mga itsura namin ay parang ewan>_<
"OH Mayora Alicia!! Kayo pala!!" Agad tumakbo sa aming gawi ang tinawag niya kaninang manang beth, halata sa muka nito ang saya.
"Akala ko kung sino ikaw lamang pala mayora alicia!!Sino itong kasama mong maganda? At bakit ganiyan ang inyong mga hitsura daig nyo pa ang mga mag sasaka dito!!" Derederetso niyang saad kay mayor habang palapit saaming gawi..
"Ah si Senator Risa Hontiveros po" agad akong nakipag kamay kay manang beth, ngumiti naman ito saakin
"Ganito po ang itsura namin dahil nag habol kami ng mga biik kanina" dagdag pa ni mayor habang si manang beth naman ay natatawa...
"Kamusta po pala kayo? Ngayun lang po ulit naka dalaw medyo busy po eh" sabay mano nito kay manang ganoon din ang aking ginawa
"Eto ayos naman, medyo matumal lamang ang pag bebenta ng palay dahil sa init ng panahon.." tugon nito habang nag lalakad kami papunta sa karamihan ng mga mag sasaka
"Ayos lang po yan, bawi po sa susunod na taniman.." agad namang napa ngiti si manang beth..
"Hind ka parin nag babago mayora alicia napaka bait mo parin.." ngumiti naman si mayor dito at agad na kumaway kaway ..
"Hello po kamusta po kayong lahat!!!" Masayang Bati niya sa mga nag sasaka, medyo madami sila sa lawak ba naman ng lupaing ito..
"Oh ayan pala si mayora!!! Mayora kamusta ka po!! Ang ganda ganda mo parin!!" Sigaw ng mga nag sasaka sa aming gawi
"Syempre po maganda parin!!" Natatawang sambit niya, totoo namang ang ganda nya bukod sa maganda napaka bait at matulungin pa!! Kaya hindi na ako mag taka kung mahal na mahal sya ng mga taga bamban.
"Halika madam senator, ipapakilala kita sa kanila..." Sabay hawak nito sa aking kamay, shet para kaming mag shota dito!!
"Sino po iyang kasama mo mayora? Chiks mo yan no?!!" Saad ng isang binata .. natatawa naman si mayor na sumigaw..
"Oo chiks ko nga ito!! Ang ganda no?!!" Shet para akong kamatis sa sobrang pula, Kita nyo un??? CHIKS NYA DAW AKO!!! ACKKKK
Alam kong biro lamang iyon pero iba apekto saakin!!!"Ikaw talaga robin!! Puro ka kalokohan!!" Dagdag pang sigaw ni mang beth, i think anak niya ang binatang iyon!
"Oh kamusta mayora!! Ngayun ka lang yata napa dalaw, sino itong kasama mo chiks mo nga ba ito? Ang swerte mo naman " saad ni manong julio habang na tatawa .. ngayun ay naka lapit na kami sa kanilang kina tatayuan.. agad naman nag mano si mayora ganoon din ang ginawa ko.
"Ay opo, medyo busy po eh.. si Senator Risa Hontiveros nga po pala " na ngingitng saad ni mayor..
"Ahh ito pala ang tagapag tangol ng kababaihan.. mabuti po senator at napa dalaw ka dito sa aming lugar.." sambit ni manong julio..
"Hindi ko din po inaasahang ma pupunta ako rito kung hindi dahil kay mayor" naka ngiti kong tugon.. ngayun ko lamang napansin na naka hawak parin pala si mayor sa aking kamay..
"Halina muna kayo sa aming muntin tahanan at ng makapag meryenda kayo " singit ni manang beth.. Agad naman akong hinila ni mayor papunta sa kubo nila manang
"Pag pasensyahan nyo na ang aming munting bahay, medyo magulo.."
"Nako ayos lamang po.." sambit ni mayor. Bale ang bahay nila manang beth ay kubo maganda ang pag kaka gawa nito hindi mo aakalaing kubo lamang dahil maayos ang pag kaka desenyo.
"Oh heto ang nilabong saging na hinog, pag pasensyahan nyo na ulit kung ito lamang ang na ihayin ko, hindi ko naman kase alam na darating kayo napag handaan ko manlang sana kahit papaano.." sambit ni manang samin.
"Nako ayos lamang po manang, masarap nga po ito na miss ko kumain ng ganito!!" Sabay dampot ni mayor sa saging na naka hayin sa mesa, inabutan nya rin ako. Agad akong naka ramdam ng gutom, grabe ngayun lang ako naka ramdam ng gutom ha!!. Ang sarap pala talaga ng lutong bukid!!
"Robin!!!! Hali na kayo at mag meryenda!!" Tawag ni manang sa kasamahan nila, dali dali naman nag si lapitan ang mga ito.
"Magadanang araw po sainyo!!" Bati namin ni mayor sa mga kararating pa lamang na mga mag sasaka.
"Magandang araw din po sainyo mayora, senator risa.." bati nila saamin.. napaka saya nilang pag masdan, dahil sa kabila ng kanilang pagod sa buong mag hapon nagagawa parin nilang ngumiti. Samantalang ako kapag nasa opisina naka upo lamang pero nakakapag reklamo pa! Pano na kaya kung ako ang masa sitwasyon nila.
"Masarap po ba madam senator?" Saad ni mayor saakin kanina pa pala sya naka tingin saakin..
"Oo mayor sobrang sarap" naka ngiti kong saad saknya, nakaka limang saging na pala ako!! Kaya siguro natanong nya kung masarap!!
"Bagay na bagay po kayo ng chiks mo mayora!!" Maya maya ay saad ni robin.. ewan ko ba sa batang ito parang ang lakas ng amats!!
"Aba syempre ako ang pumili malamang bagay saakin!!" Saad ni mayor, jusko lord!! Nahihiya na ako sa mga tao dito!!
"Hoy robin tumigil ka nga!!, Pero sabagay, bagay nga kayo mayora" saad ni manong julio , akala ko may kakampi na ako un pala wala, agad naman silang nag tawanan.
"Baka sa kaka asar nyo riyan sa dalawa mag ka totoo iyan!!" Saad pa ni manang beth habang tumatawa...
"Mas ok nga po iyon!!" Agad akong napa tingin sa sinabi ni mayor... Yun pala ay naka tingin din sya saakin
"Ano sa palagay mo madam senator?" Baling niya saakin, agad naman sila napatingin saakin as in nasaakin ang atensyon nila na para bang inaantay nila ang sagot ko.... LORDDDDD WAG NAMAN GANITOOO!!!! HINDI KONA KEREEE!!!
"A-h eh,.. sapalagay ko nga mayor mas ayos un.." na hihiya kong saad habang sila naman ay agad na nag sigawan ng ...
"Ayieeeeee!!!!" Shet grabe mga tao dito!!
(Oh bat ka naka ngiti?😝)
A/N hey guys good evening!! At dahil may nag comment na next na eto na po ang inyong request!! Appreciate much po ang inyo support ty po🤍
(Sorry sa mga grammar wag nyo nalang po pansinin!!)
YOU ARE READING
RISAXALICE : YOUR HONOR I FALL INLOVE
RandomAng istoryang ito ay hindi ngyare sa tunay na buhay, ito ay naka base lamang sa kathang isip na pangyayare, ang kahit na anong pangalan o pangyayare na mababasa sa istoryang ito ay kathang isip lamang. Credits to the owner of pictures especially for...