Chapter 11: Drunk

156 22 0
                                    

:song recommendation for this chapter touch my body by Mariah Carey.
_____________________________________________


Khairo's pov

I started to walk into our dining room, my eyes caught my mom on a wheelchair and Yn, they're laughing together.
Sumandal ako sa pintoan habang ang dalawa ko na kamay ay nasa loob ng bulsa ko. I've never seen my mom smiled like this since khia my sister died. Hindi ko din inakala na magkakasundo sila ni Yn.

"Admiring from afar?" narinig ko si Ace na nasa tabi ko.

"I am admiring my mom not Yn" sagot ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Di ko naman sinabi na si Yn ina-admire mo" Ace has smirk on his lips while saying that. Malamig lang ang tingin ko kay Ace dahil sa sinabi nya.

"Bakit sinabi ko ba na si Yn?" sarkastikong tanong sakin ni Ace at nagsimula na sya na maglakad palapit kina mama. Lumapit ako kay Mama at hinalikan ko sya sa noo, tiningnan lang ako ni Yn dahil sa ginawa ko.

"Kumain na tayo, lalamig ang pagkain" nakangiti si mama saamin at nagsiupuan na kaming apat. Katabi ko si Yn at si Ace naman nasa kabilang upuan kaharap namin, si mama naman ang nasa gitna.

"Dito kana lang Yn matulog" panimula ni mama tapos kami naman to na nagulat. Tumingin sakin si Yn bago sya nagsalita.

"Hindi po pwede" sagot ni Yn kay mama. Tama, hindi pwede kasi may pasok ka pa bukas.

"Bakit?" pabalik na tanong ni Mama kay Yn at napatikhim lang ako.

"May work sya bukas" napatingin sakin si Ace at Yn dahil sa sagot ko kay Mama. Napatigil yung pinsan ko sa kinakain nya.

"Working student ka?" bigla akong napalingon kay Ace at sinipa sya sa ilalim ng mesa dahil sa tanong nya. Napatingin lang si mama kay Ace na hinihimas ang paa sa ilalim.

"I mean obedient worker po sya tita" dagdag na sabi ni Ace para matabunan ang sinabi nya kanina pero masama ang tingin nya sakin.

"Just one night lang naman" hinawakan ni mama ang kamay ni Yn. Tumingin si Yn kay Ace at saakin bago sya nagsalita.

"Sige po" napangiti si mama dahil sa sagot ni Yn. Napainom ako ng tubig, iniisip kung saan ako matutulog. Doon ba ako sa sarili ko na bahay o dito?

"Doon kayo ni khairo sa Master's bedroom" nakangiti si mama at napaubo ako habang umiinom ng tubig si Yn na naman to ang nabulunan habang si Ace naman ay nabitawan ang kutsara.

"Uuwi dito sa Pilipinas si Sandra" mahinahon na sabi ni mama pero hindi lang ako umimik.
Naramdaman ko ang tensyon ng tingin sakin ni Yn at siniko nya ako ng mahina.

"Sino si Sandra?" tanong nya sakin habang nakataas ang dalawang kilay nya.

"Di mo yun kilala" sagot ko sa kanya. She pout her lips and speak again.

"Kaya nga nagtatanong kasi hindi ko kilala" sagot nya naman sakin at sabay kami napalingon kay Ace dahil pinipigilan nya lang ang tumawa.

"Nakakaamoy ako ng selos" saad ni Ace habang umiinom ng tubig at nakatingin sa ibang direksyon. Naramdaman ko na gumalaw ang paa ni Yn at sinipa si Ace sa ilalim ng mesa. Napaigtad lang si Ace at tumahimik na.

"Mapanakit kayong dalawa" dagdag nya na saad at ipinagpatuloy nya na ang kumain.









Yn's pov

Andito ako ngayon sa balkonahe ng ikalawang palapag, nagdadalawang isip na pumasok sa kwarto. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung sino yung Sandra na pinag-uusapan nila.

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon