Chapter 44: sudden meet

114 17 2
                                    

:song recommendation for this chapter Always be my baby by David Cook.





Khairo's pov

Hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Buong akala ko ay ako lang ang nahirapan. Kanina ng makita nya na papalapit ako sa kanya ay kaagad syang tumalikod para lumayo pero nagbago ang isip nya.

Nang makita ko sya kanina, buo na ang desisyon ko na kunwari hindi ko sya nakita. Mas mabuti narin siguro ito kaysa sa madamay sya sa gulo ng buhay ko. Pinigilan ko lang ang sarili na lumingon sa kanya dahil kapag lumingon ako, alam ko na maglalakad ako pabalik sa kanya at para yakapin sya.

I'm not that famous racer anymore because I quit. Inasikaso kona ang dapat asikasuhin, kahit ayaw ng loob ko ay napilitan parin ako sa underground business ni Papa. My sister died then my mom died, and my Dad died leaving me behind with his fucking underground businesses.

Heto ako nasa kotse, napalingon kay Yn na ngayon ay tulog. Hindi ko alam kung saan sya ngayon nakatira. Sinabihan ko ang mga tauhan ko na gusto ko muna mapag-isa pero hindi ko inakala na makakasama ko si Yn.

Napabuntong hininga ako bago ko pinaandar ang kotse at sinimulan na ang pagpatakbo. Habang nagmamaneho ako ay narinig ko sya na humihikbi tapos may mga luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.

"Khairo" saad nya sa mahinang boses habang nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdama. Apat na taon na ang nakalipas but she still has this innocent look and I used to admire it, until now.

Just like before..... she's still beautiful like an angel.

I miss this feeling. Yung pakiramdam na kasama mo ulit ang mahal mo, yung pakiramdam na kapag kasama mo sya wala kang ibang inisip kundi sya lang at wala ng iba.
But I don't want to ruin an angel like her, she's too innocent for my world.

Hindi ko alam kung saan ko sya dapat dalhin dahil hindi ko alam kung saan sya ngayon nakatira.

Tsk bahala na....

Pagdating ko sa bahay ay agad ako bumaba ng kotse, saka ko napagdesisyonan na buhatin nalang si Yn. Agad ako sinalubong ng mga tauhan ko para tulungan ako kay Yn, pero agad ako umatras palayo sa kanila.

"Don't touch her" maitiim ko na saad sa kanila at napayuko lang sila na napatango. Kaagad ako dumiretso sa paglalakad pero napatigil ako sa paghakbang at humarap ulit sa mga tauhan ko. Tiningnan ko ang mga baril na hawak-hawak nila.

"Pagising ni Yn, hindi nya dapat makita ang mga baril nyo baka matakot sya" napatango lang sila sakin bago ako maglakad ulit papunta sa kwarto.

Dahan-dahan ko syang binaba para makahiga ng maayos sa higaan. I can hear her cute snort, she must be tired.

Ang bahay na to, ito ang pinagplanohan ko noon na bilhin para saaming dalawa, she loved nature that's why I bought this house which is on the mountain.

"Nanaginip ba ako?" napatingin ako kay Yn na ngayon ay kalahating gising. She's staring at me like it's her first time in her life to see me.

Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Naupo sya sa kama at hinawakan ako sa muka at tiningnan nya ako na para bang iiyak na sya.

"Kung totoo ito, sana nanaginip lang ako" saad nya habang tinitingnan ako sa mga mata.

"Tama, nanaginip ka lang" sagot ko sa kanya pero kaagad ako napatigil ng tumulo na naman ang mga luha nya habang tahimik lang sya na tinititigan ako. Pumikit sya at dahan-dahan nyang inilapit ang kanyang mapupulang labi sa aking mga labi. Then the next thing I knew is we're kissing.

Hindi ako nakagalaw at nalasahan ko ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng kanyang halik. Unti-unti syang bumitaw sa halik at humikbi sya.

"Kung isa itong panaginip, ayuko ng magising" saad nya habang nakayuko.

Lasing sya, yan ang nasa isip ko ngayon. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na lasing sya at hindi nya alam kung ani kanyang ginagawa.

Pero napatigil ako sa aking sarili ng maalala ko na lasing ako nun nang umamin ako sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa aking mga pisngi at dahan-dahan ko iyung tinanggal mula sa aking muka, dahan-dahan ko syang binitawan at lumayo ako sa kanya. Napatingin lang sya sakin na para bang napakaraming katanungan sa kanyang isipan na gusto nya itanung saakin.

"Khairo..." saad nya na para bang malapit ng umiyak. Her eyes, watering in tears while looking at me, at nagpipigil lang ako dahil pagdating kay Yn ay hindi ko alam kung bakit ang lambot ko pagdating sa kanya.

I missed her voice while saying my name, she's always be part of me. Her voice that sounds like an angel, her lips and eyes that looked like an angel. She's precious....

And I hate to see her crying because it breaks my heart into pieces, it feels like a fucking hell.

"Bakit ba ganyan ka..." tanong nya sakin habang nakaupo parin sa kama at ako naman na nasa malayo, malayo sa kanya. Her voice was weak and fragile.

"Mali ba ang mahalin ka?" she asked me while looking deeply in my eyes. Inaamin ko, nasasaktan ako ngayon.

"Mali ba ang....... maging akin ka?" tanong nya ulit sakin. Her cute voice was now broke.

"Bakit ba ang hirap magmahal?" napayuko sya at nakita ko kung paano nya hinawakan ng mahigpit ang kumut na nasa tabi nya.

"Bakit mo to ginawa sakin...." umiiyak sya at dito kolang nalaman na kahit anong pigil ko sa aking emosyon ay natalo parin ako. Andito ako banda kung saan madilim at bulto kolang ang nakikita nya, sigurado din ako na hindi nya makikita ang mga luha ko na ngayon ay dumadaloy na.

"Napaka makasarili mo..... hindi mo man lang naisip kung ano ang mararamdaman ko" saad nya pa habang tuloy-tuloy lang ang pagluha nya.

No Yn, you didn't know what happened. You didn't know that I did those for your safety..... to get away from me.

"Wala ka bang sasabihin?!" sigaw nya sakin.

"Halos apat na taon pero putangina wala pa akong nakakalimutan kahit isa!" she shouted out loud and I am just standing there, waiting for her to curse me if she wants.

"Sinubukan ko na maging masaya na wala ka pero paano ako sasaya kung alam ko sa sarili ko na kailangan kita!" she shouted out again, nakakuyom ang kanyang mga kamay. Talagang inipon nya lang lahat sa dibdib nya.

"Sa ating dalawa..... ako lang ba ang nagmahal ng totoo?" she asked me while her hand is on her chest. Hindi ko mabilang kung ilang luha na ang tumulo mula sa aking mga mata, alam ko na pagkaumaga maaring makalimutan nya lahat.

"Mahal kita Yn" sagot ko sa mahinang boses at kahit ako nahalata ko ang aking pag-iyak sa tunog ng aking boses.

__________________________
Vote for this chapter (⁠´⁠;⁠︵⁠;⁠'⁠)

Next chapter loading............... ☕

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon