Chapter 37: Going to be okay

116 15 3
                                    

: song recommendation for this chapter Never be the same by Camila Cabello.







Khairo's pov

Matapos ng dalawang araw namin na stay sa Japan ay bumalik na kami sa Pilipinas. Heto ako nakatingin kay Yn na natutulog, napagod siguro sya sa byahe pauwi.

Bumaba ako galing sa ikalawang palapag ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Siguradong si Ace na ito dahil pinapunta ko sya. Pagbukas ko ng pinto ay agad syang pumasok sabay higa sa sofa.

"Oh my gosh, stress ako lately sira na beauty ko" saad nya habang hinhilot ang sentido nya. Naupo ako sa kabilang upuan.

"Bakit mo ako dito pinapunta, sabi mo emergency" dagdag nya pa na saad habang nakatingin sakin.

"Nasa itaas si Yn natutulog" I bluntly replied to him. Tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Magkikita kami ni Gab bantayan mo si Yn"

"Na naman?!" pasigaw nya na tanong sakin dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. Tumayo sya sa pagkakaupo tapos humawak sa beywang nya, sigurado ako na mahaba naman ang sasabihin nito.

"Alam mo ba na pina cancel ko ang meetings ko ngayong araw dahil sabi mo emergency, tapos noong nakaraan ako ang pinabantay mo sa kanya, alam mo ba na sumakit ang kamay ko nun sa sniper gun na hawak-hawak ko sa loob ng walong oras tapos ngayon sasabihin mo sakin bantayan ulit si Yn, I'm a CEO not a babysitter" dire-diretso nyang saad sakin na halos walang preno. Napapikit lang ako dahil sa mala dolphin nya na boses at tumango lang sa kanya. Hindi kona sya kinontra dahil mas lalong hahaba pa.

"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya sa seryusong ekspresyon. Napabuntong hininga sya sakin at alam ko na kung ano ang sagot nya.

"Di ko sinabi na ayaw ko" saad nya sakin na para bang mabigat sa kanyang loob.

"Good, and by the way...." panimula ko.

"Wag kang gagawa ng kahit na ano na ikakatakot ni Yn" dagdag ko na saad at inirapan nya lang ako. Mabigat ang loob ni Ace na mapatango nalang sakin.

"Thank you Mr. CEO" pabiro ko na sabi sa kanya pero parang galit pa rin.

"Bweysit ka" natawa lang ako sa sagot nya sakin bago ko naisipan na lumabas ng bahay at sumakay agad sa kotse.

Papunta ako sa Law Firm ngayon kung saan nagtatrabaho si Gabrielle sa pinakamataas na posisyon.

Pagdating ko sa office nya ay wala akong ibang nadatnan kundi sya at ang personal assistant nya na naglalandian. Natawa ako kasi parang may ginagawa sila. Hays babaero pa rin talaga, kawawa ang mapapangasawa nito.

Kaagad lumabas ang assistant nya na magulo ang damit at napalingon ako kay Gab na may mga marka ng lipstick sa leeg.

"Hindi mo man lang nilock ang pinto" natatawa ko na saad habang nakatawa. Naglakad ako papalapit sa upuan saka komportableng umupo. Pinunasan mona ni Gab ang mga marka sa leeg nya at inayos ang sarili bago nya ako hinarap.

"Bakit kayo ni Yn, linalock nyo ba?" tanong nya sakin dahilan para mapaubo ako habang umiinom ng tubig.

"You really have the guts to asked that" sagot ko sa kanya habang pinupasan ng tissue ang labi ko.

"Nakiusap sakin ang parents ni Aica" panimula ni Gab dahilan para mapatigil ako naghihintay ng susunod nya na sasabihin.

"They want to talk with you and Yn" dagdag nya na sabi. Napasandal ako sa upuan habang nakatingin sa pader.

"Ano desisyon mo-"

"Shut up I'm thinking" biglaang sagot ko sa kanya dahilan para mapatikom ang bibig nya. Kunwari nag-iisip pero ang sagot iisa lang naman.

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon