Chapter 17: Teardrops

133 14 5
                                    

: song recommendation for this chapter teardrops on my guitar by Taylor swift




Yn's pov

"Sino ba si Sandra?" sa wakas natanong ko na din yung gusto ko noon itanong kay khairo.
Napakurap lang sakin si Ace bago nya ako sinagot.

"Khairo's first love and Evan's ex-girlfreind" hindi na ako nagpaabot ng isang segundo matapos ko marinig ang sagot nya ay agad ako lumabas ng kotse dahil naramdaman ko ang paghinto nito sa tapat ng bahay.

Naka isang hakbang na ako palayo sa kotse pero narinig ko si Ace na napasalita dahilan para mapatigil ako sa paghakbang.

"Confirm, gusto mo nga si khairo"

Lumingon ako sa likuran kung nasaan si Ace, but he just give me an apologetic look.

"The two of you are just pretending so please act like one, dahil kung hindi sigurado ako na hindi mo magugustuhan ang mangyayari at ayaw din namin na mangyari yun" dagdag nya na sabi sakin, pero di ko alam kung ano dapat ko sabihin at hindi ko alam kung ano dapat ko na gawin.

"Hindi kayo nagpapanggap ni khairo dahil sa Career nya kundi nagpapanggap kayo dahil sa mama nya na may dalawang buwan nalang na natitira sa mundo, kaya ayaw ka e-public ni khairo dahil ayaw nya na malaman to ni Sandra at masira ang lahat" dagdag nya na saad sakin at napapatanong naman ako sa sarili kung ano ang dahilan kung bakit nya to sinasabi sakin.

"I'm not telling this for some other reason but because of what's good for the both of you, don't fall onto him dahil masasaktan kalang" hinayaan ko lang si Ace na sabihin nya ang lahat.

Hindi ko hinintay na makababa si Ace ng kotse at agad ako naglakad papasok ng bahay diretso sa kwarto.

First love pala.......

Pagkatapos ko magpalit ng damit ay napatingin nalang ako sa salamin na nasa bedside table.

Kala ko ba wala akong gusto kay khairo, pero bakit nararamdaman ko ito?
Selos.....

Napatakip ako sa muka at naramdaman kona lang na may luha na pala na unti-unting tumutulo sakin.

Bakit ba ganyan sya...
Matapos nya ako halikan ng gabi na yon at sabihin nya na gusto nya ako tapos......

Di ko napigilan ang sarili kaya kumuha nalang ako ng unan at yinakap ito ng mahigpit habang nakahiga sa kama.

Inaamin ko na ngayon, wala na akong gusto kay Evan. Dahil nahulog na ang loob ko kay khairo.....

Napatigil nalang ako sa pag-iyak dahil bumukas ang pinto ng pinto at si khairo agad ang nakita ko.

"Kumain kana?" tanong nya sakin habang nakasandal sya sa doorframe. Tumango lang ako sa kanya saka umalis na walang paalam.

What the heck, di nya man lang ako tinanong kung gutom pa ba ako.

Agad ako lumabas ng kwarto at hinabol sya pababa mula sa ikalawang palapag. Nang naabotan ko sya ay hinwakan ko kaagad ang dulo ng damit nya dahilan para mapalingon sya sakin. Heto ako ngayon nakayuko habang nakahawak sa laylayan ng damit nya ramdam ko na tiningnan nya lang ako.

"Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses.

"Why?" he asked me back.

"Sabi ni Ace may importante ka daw na pinuntahan" sagot ko sa kanya hakbang nasa damit nya pa rin ang kamay ko na nakakuyom.

"Why'd you want to know?" tanong nya ulit sakin. Napakagat ako sa labi dahil di ko alam kung ano ang dapat ko na sabihin pero hindi ko nalang namalayan ng biglang nagkusa na ang bibig ko.

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon