Chapter 35: Trip

142 19 3
                                    

: song recommendation for this chapter Your love by Nicki Minaj.






Yn's pov

Kakagising ko palang mula sa mahimbing na tulog. Napansin ko na nasa kwarto ako at wala si khairo sa tabi ko.

Agad ako bumaba at nakita ko sya na nagluluto sa kusina. Napangiti ako ng makita ko sya na naka apron habang sumasabay sa pagkanta ng Your love by Nicki Minaj.

"Good morning" nakangiti ko na bati sa kanya at agad sya napatingin sa mga paa ko na nadadampian ang sahig. Agad nya kinuha ang puffy pink slippers na binili nya para sakin.

"Malamig ang sahig wear your slippers" saad nya sakin saka sya bumalik sa pagluluto.

"Anong niluluto mo?" tanong ko sa kanya habang nasa mesa ako nakaupo.

"Just a simple breakfast for my queen" sagot nya sakin dahilan para magkaroon ako ng ngiti sa mga labi ko.

Nilapag nya sa mesa ang pagkain na niluto nya. It's not just a simple breakfast, it's a damn japanese food. A miso soup, tamagoyaki, Yakizakana, Tsukemono a pickled vegetables and a green tea. Grabe sa movie ko lang to nakikita.

"What?" napatanong sakin si khairo dahil parang napansin din ata nya na napatulala ako sa niluto nya. First time ko makakain ng ganito.

"Wala sabi ko ang galing mo magluto" saad ko sa kanya saka ko ma sinimulan ang kumain.

"Pakiramdam ko nasa Japan ako" dagdag ko na saad habang nakangiti na kumakain, napatingin sya sakin sabay lagay ng gulay sa kinakainan ko.

"Gusto mo ba makapunta ng Japan?" tanong nya sakin dahilan para mapatango ako.

"It's my dream country, pinakagusto ko sa Japan ay ang nature" sagot ko sa kanya habang kumakain. Tumayo sya mula sa pagkakaupo para kumuha ng tubig, maiinom na tubig para sakin.

"Ubusin mo ang kinakain mo at magbihis ka kaagad may pupuntahan tayo" saad nya sakin dahilan para mapataas ang isang kilay ko.

"Saan?" tanong ko habang may pagkain na nginunguya.

"Mamasyal" tipid nya na sagot sakin at tumango naman ako.

Heto kami nasa kotse nagbabyahe. Pero bakit parang hindi pamilyar sakin ang dinadaanan namin.

"May kailangan mona tayo puntahan" napalingon ako kay Khairo dahil sa sinabi nya.

"Saan?" tipid ko na tanong.

"Pupunta tayo kay Ace" tipid nya na sagot sakin.

Maya-maya lang ay dahan-dahan na tumigil ang kotse at si khairo mismo ang tumanggal ng seatbelt ko kahit alam nya na kaya ko naman.

Pagbaba ko ng kotse ay walang ibang tumambad sakin kundi isang building, na ang pangalan ay W.A Airlines.

"Kala ko ba kay Ace tayo pupunta, W.A Airlines ito" saad ko kay Ace habang nakaturo sa malaking billboard. Nakangiti lang si khairo sakin saka nya ako hinawakan sa kamay.

"Kaya nga kay Ace, William Ace Airlines" sagot nya sakin dahilan para mapanganga ako ng kunti. Hindi halata kay Ace na nagmamay-ari sya ng ganito kalaki na business.

Marahan nya ako na hinila paloob tapos agad kami sinalubong ng limang lalaki na naka suit.

"Sir handa na po ang private jet plane nyo" saad ng isang lalaki kay khairo at ako naman ito ang naguluhan.

"Asan si Ace" tanong ni khairo sa lalaki habang naglalakad kami at hindi ko alam kung nasaan na kami dahil sa dami ng tao sa airport na to.

"Nasa board meeting po sya pero sya mismo po ang nagsabi na kami nalang ang sumalubong sayo" sagot naman ng lalaki dahilan para mapatango si khairo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, yumuko sya banda sa aking tenga.

"Mamasyal" tipid nya na sagot dahilan para mapabuntong ulit ako.

"Saan?" tanong ko.

Tumigil kami sa paglakad at sa hindi kalayuan, nakikita ko ang malaking eroplano. Yan ba ang sinasabi nung lalaki na private jet plane ni khairo?

"Sa Japan" sagot ni khairo sa tanong ko dahilan para manlaki ang mga mata ko. Kung nagbibiro sya hindi magandang biro ito sa totoo lang. It's not just a private jet, it's his personal jet plane.

Hindi na talaga ako magdududa na mayaman sya....

Hawak-hawak nya ang kamay ko ng pumasok kami. Masasabi ko na napamangha ako sa loob ng private jet nya, parang bahay lang ang dating. It's cozy and feels like home. Ang ganda talaga, pakiramdam ko nasa loob ako ng movie.

"You can do whatever you want" napalingon ako kay Khairo dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung uupo ba ako o tatayo nalang.

Naramdaman ko na napayakap si Khairo sa likuran ko.

"Anong gagawin natin sa Japan?" tanong ko sa kanya habang nasa balikat ko nakapatong ang ulo nya.

"Mamasyal nga" sagot nya sakin, talaga bang seryuso sya.

"Hindi nga" natatawa ko na saad sa kanya at sya naman na seryuso lang ang ekspresyon. Kung alam ko lang na pupunta kami sa dream country ko, di sana nakapaghanda ako.

Khairo's pov

Hinayaan ko lang si Yn na maglibot sa loob ng private jet plane ko. Andito ako nakaupo habang nakatingin sa labas ng bintana, natatanaw ang mga ulap.

Maya-maya lang au tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatingin ako kung ano.

It's Gab

"We found Aica Deguzman" agad nagsalita si Gabrielle ng sinagot ko ang tawag nya. Hindi dapat malaman ni Yn ang tungkol dito. Mas lalong matatakot sya pag nalaman nya na kaya yung gawin ng kaklase nya.

"I'm in overseas, let's just catch up when I get back" sagot ko kay Gab sa kabilang linya at sumang-ayon naman sya sakin.

"Siguruhin mo na kulungan ang bagsak nyan" huli kong sabi bago ni Gabrielle binaba ang cellphone nya. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko para hanapin si Yn, hanggang sa natagpuan kona lang sya sa bedroom ng jet plane ko.

Heto ako kusa na napapangiti ng mag-isa habang nakatingin lang sa kanya na natutulog. She indeed looks like an angel, and I admired her because of that.

Pumunta ako sa gilid ng higaan at mahina akong natawa dahil sa narinig ko si Yn mahinang humihilik, but I found it cute. Masaya ako na komportable sya dito dahil nakakatulog sya ng mahimbing.

Napansin ko na may hibla ng buhok ang nakaharang sa muka nya at hindi ako nagdalawang isip na marahang alisin yun.

She's really pretty.....

Dahan-dahan akong yumuko at marahan ko syang hinalikan sa noo at sa mapupula nyang labi.

Sleep well my queen....

______________________
Vote for this chapter ♪⁠ヽ⁠(⁠・⁠ˇ⁠∀⁠ˇ⁠・⁠ゞ⁠)

Aminin mo!! inlove ka kay khairo nu?!.......
Recommend my story to other engenes...

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon