Chapter 30: The end of us

129 17 7
                                    

:song recommendation for this chapter Unconditionally by katy Perry

:may tissue ka?






------*---*-----

I love you to the moon and back
I love you in every universe
but what is love when you started to doubt it?

------*---*-----


















Khairo's pov

Nasa kotse kami ngayon, nagbabyahe pauwi pero wala ako sa mood ngayon. Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan kahit na malakas ang ulan.

"Khairo" narinig ko si Yn na tumawag sakin.

"Dahan-dahan lang" saad nya dahilan para bawasan ang bilis ng patakbo ko. Napuno ng katahimikan ang kotse hanggang sa nagsalita nalang si Yn.

"Bakit parang-

"Why you didn't told Evan about us in the very first place" saad ko dahilan para maputol ang pagsasalita nya. She didn't utter a words. Hindi man lang sya nag deny dahilan para itigil ko ang kotse, nasa parte kami kung saan walang kabahayan at puro street light ang nagliliwanag. Mula dito kita ang buong syudad.

Nasaktan ako dahil totoo pala ang sinabi ni Evan. Kung sinabi nya pala lahat kay Evan noon pa siguro hindi ito nangyayari ngayon. At napapaisip pa rin ako.....

"Nagdadalawang isip ka pa rin ba sakin?" tanong ko sa kanya habang diretso lang ang tingin ko.

"Hindi" she softly replied to me.

"Then why.... why did you told Evan that you're not in relationship?" tanong ko sa kanya.

"Laruan lang ba ako sayo, Yn?" tanong ko ulit dahilan para mapayuko lang sya.

Putangina.

Hindi ako nagdalawang isip na lumabas ng kotse kahit alam ko na umuulan. Mabigat ang paghinga ko, at hinayaan ko na ang sarili ko na mabasa sa ulan.

Maya-maya lang ay lumabas din si Yn sa kotse, napatingin lang ako sa kanya habang sya ay hinahayaan lang na madampian ng ulan ang malambot nya na balat.

"Pano mo naisip na laruan lang ang tingin ko sayo?" tanong nya sakin, bakas sa kanyang mga mata ang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ko yun naisip..... yun ang naramdaman ko Yn" bulong ko sa ulan at alam ko na narinig nya yun. Napakurap sya ng ilang beses, napaatras sya habang nakahawak sa pinto ng kotse ko.

"Diretsohin mo ako" panimula ko dahilan para mapahinga ako ng malalim bago ko maisipang itanong sa kanya.

"Do you still.... like him?" bakas sa boses ko kung paano ako nasaktan sa mismong tanong ko. She immediately shooked her head, saying no to me.

"Litong-lito ako nun, hindi ko masabi sa kanya kung anong meron tayo..... napapaisip din ako kung ano ba talaga tayo" sagot nya sakin sa nanginginig na boses.

No Yn, you can call me whatever you want and I can be your rest whenever you want, I can be your home, I can be your support and backup....

Yn.... what makes you think that you didn't know what we are...

"We can be anything you want" sagot ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sakin ng mata sa mata. Raindrops are traveling down from her forehead to the bridge of her nose then to her lips.

"But you didn't even know what we are" dagdag ko sa mahinang boses, heto kami magkaharap sa gitna ng ulan. I really like rains and I always thought to myself when can I take a romantic walks with my love... but I didn't know the romantic walks that I've been dreaming is far from reality. I'm here with my love arguing with our feelings under the rain.

"Nung una.... sinabi ko din sa sarili ko na hindi ko din alam kung ano tayo but... I thought to myself that I want to be whatever you want, If you want me to be your boyfriend, fiancee or husband... then I am willing to be. Yn, I can be whatever you want" paliwanag ko sa kanya sa mahinang boses, but she just stared at me with watery eyes. Nagsisimula na syang umiyak pero tahimik lang. I hate to see her crying it feels like I want to beat someone.

"Pero nalilito ka pa...." dagdag ko na saad sa kanya.

"You.. you didn't even know what we are" hindi ko alam kung kaya ko pa ba pigilan ang totoo ko na nararamdaman ngayon.

"And you need time to think, I can give you time" saad ko sa kanya.

"Basta ang alam ko mahal kita khairo" napatigil ako sa sinabi nya sakin. Her soft and fragile voice was like a voice of an angel.

"Think about it again, think twice then make sure that you wouldn't change your mind again" sagot ko dahilan para maging mabigat ang kanyang paghinga. Nasasaktan ako na makita sya na umiiyak at lahat ng yun ay dahil sakin. Pakiramdam ko, libo-libong kutsilyo ang nakatarak sakin kapag nakikita ko sya na ganyan.

"Pero-

"I am giving you chance to change your mind, when I said think about it again..... think about it again and think about us" matiim ko na sagot sa kanya, pinipigilan nya lang gumawa ng ingay sa pag-iyak at nahalata ko yun.

"Siguraduhin mo muna kung ano ang nararamdaman mo para sakin dahil ayuko na magsisi ka sa huli dahil ako ang... pinili mo" unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig ng ulan, unti unti na rin ako nawawalan ng dahilan para ipagpatuloy pa ang nasimulan namin.

"Khairo... I... love you, mahirap ba intindihin yun?" tanong nya sakin dahilan para magkaroon ako ng kunting ngiti sa labi.

"I love you too Yn, I love you to the moon and back, I love you in every universe..... but your love for me makes me think if it's really me, or Evan" I replied to her with admiration in her eyes.

"You... want us to stop?" tanong nya sa mahinang boses.

"Yun ba ang gusto mo?" tanong ko pabalik at agad din sya sumagot sakin.

"Hindi, ayuko" she replied to me with fears in her eyes. Inaamin ko, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ang sagot nya.

"Why would I think about it again when I already made my mind" saad nya sakin.

"Buo na ang desisyon ko... bakit ngayon pa khairo kung kaylan totoo na ang nararamdaman ko sayo saka ka nagdududa sakin" kahit anong pigil nya, bumuhos pa din ang pag-iyak nya kasabay ng ulan.

"Bakit ba kailangan ko pa pag-isipan ulit lahat kung alam ko naman sa sarili ko na ikaw ang mahal ko!" sigaw nya kasabay ng ingay ng ulan.

"Bakit ba ang hirap mo mahalin? Bakit kahit anong gawin ko napapatanong ka parin kung si Evan ba o ikaw!"

"Natatakot din ako khairo...." nakahawak sya sa dibdib nya, habang nakatingin sakin, habang ang luha nya ay sumasabay sa patak ng ulan.

"Natatakot din ako na baka dumating ang araw na magbago ang nararamdaman mo sakin-

"Tanungin mo man ako ng isang libong beses ay iisang sagot lang ang maririnig mo sakin.... hindi" sagot ko sa kanya dahilan para maputol ang pagsasalita nya.

"Yn, hindi ako nagdududa sayo, ang gusto ko lang ay siguruhin mo ang nararamdaman mo" dagdag ko na saad, basang-basa na kami sa ulan pero para bang wala lang kaming pakialam.

"Ayuko na may kahati ako dyan sa puso mo, All I want is you to be mine... just all mine" hindi na sya nakapagsalita sa sinabi ko, at alam ko na mas lalo akong masasaktan sa susunod ko na sasabihin.

"If you can't think twice.... maybe it's good for us to go back pretending at tapusin lahat ng walang nakakaalam"

______________________
Vote for this chapter .⁠·⁠´⁠¯⁠'⁠(⁠>⁠▂⁠<⁠)⁠´⁠¯⁠'⁠·⁠.

Goodluck sa next chapter....

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon