:song recommendation for this chapter your love by nicki minaj
Yn's pov
"Good morning Mam" nakangiti ko na bati sa PE teacher namin at nginitian nya din ako pabalik. Tanging ako lang ang nandito sa classroom tapos yung iba lumabas para mag snack.
"Nasabi na ba ni Shea sayo?" tanong sakin ni teacher at napataas lang ang magkabilang kilay ko.
"Today is our School festival at ang section ninyo ang naka assign sa dance performance para sa guest natin" saad sakin mam dahilan para mapanganga ako ng kunti.
"P-po?" nauutal ako ngayon.
Mamaya? pano yan.... baka nag practice na sila tapos ako hindi pa..
"Don't worry, fix na ang lahat at yung sasayawin nyo ay ang dati na dance performance nyo sakin na hindi natuloy" sagot sakin ni mam.
Yung dance performance namin na hindi natuloy....
Hindi natuloy ang dance performance namin kasi hindi yun appropriate para sa event tapos ngayon biglaan....
Heto kami ngayon, nasa dance practice room. Pito lang kami na napili kasama na sina Aica at Alena.
"Ok, isipin nyo na lang na dance performance nyo to sa subject ko at individual ang grading" saad ng teacher dahilan para mapangiti sina Aica. Sigurado kanya-kanya ang hataw dito.
Noon pa man sumasayaw na ako at naging member din ako ng gymnast sa loob ng limang taon pero noon pa yun, hindi ko alam kung marunong pa ako ngayon kasi tinigil ko na ang hubby sa pagsasayaw at nag focus nalang sa studies.
Ang importante makapasa ako....
Ngayon lang ang practice tapos mamayang gabi ang event, hindi ko alam kung natatandaan ko pa ba ang steps.
Bahala na...
Hindi ako humataw sa pagsasayaw kasi hindi ko binabalak na magkaroon ng perfect grade at ayos na sakin ang 85.
"Teka" napatigil kaming lahat sa pag practice dahil kay Aica. Tapos tumingin sya sakin.
"Ayusin mo nga ang pagsayaw hindi yung parang wala kang kinain" mataray nya na sabi sakin pero hinayaan ko lang. Lumapit sakin si Shea tapos may binulong.
"Anyare sayo? hindi ka naman katulad nito dati at diba ikaw palagi ang center nun sa private dance class natin"
Naalala ko pa noon. Oo ako nga yung palaging center, pero naisip ko na distraction lang ang pagsasayaw at baka hindi ako maka focus sa studies kaya tinigil ko. Private dance class, si Shea pa noon ang nagbabayad para sakin sa dance class na yun.
Napabuntong hininga lang ako.
"Students, magpahinga muna kayo at maya-maya magbibihis na kayo ng costumes" nakangiti na paalala samin ng PE teacher.
Pagtingin ko sa relo ay malapit na pumatak ng ala-sais. Grabe ang bilis, umaga palang kanina.
"Sisiguradohin ko na sakin mapupunta ang mga mata ni khairo" narinig ko si Aica na nagsalita kasama si Alena. Umiinom sila ng tubig at pawisan tulad ko.
Competitive pa naman si Aica...
"Wag mong sabihin na susuot ka ng eyeglasses sa performance natin" napalingon ako kay Shea na nasa tabi ko.
"Pano ako makakakita ng maayos kung tatanggalin ko to" saad ko sa kanya pero nginitian nya lang ako.
"Ako bahala, may dala ako na contact lenses" sagot nya sakin.
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
De Todo"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...