Chapter 36: To be loved

138 12 3
                                    

:song recommendation for this chapter Searching for love by Lil Eddie.












Khairo's pov

Nakarating na Kami sa Japan at andito na kami sa bahay pero si Yn tulog parin. Mula sa pagbaba ng eroplano binuhat ko sya hanggang kotse, at kanina pagbaba ko ng kotse binuhat ko sya papasok ng bahay.

Sabi nya gusto nya daw ang nature sa Japan kaya imbes na sa syudad ko sya dalhin dito ko sya sa kyoto dinala. We're in kyoto Japan, perfect for her preferences in nature.

We're in a village which is in the middle of the forest. I booked the most expensive house just for Yn to have a great experience here plus she's safe.

"Asan tayo?" napalingon ako kay Yn na bagong gising, dahan-dahan syang naglakad palapit sakin habang kinukusot ang mata at naka medyas lang sya.

Asan sapatos neto?

Sinenyasan ko sya na lumapit sakin at kaagad sya umupo sa mga hita ko.

"We're now in Japan" sagot ko sa kanya habang inaayos ang damit nya kasi nakikita na ang bra laces nya.

"Ahh ok" saad nya pero bigla syang napatigil at mukang gising na gising na.

"Nasa Japan na tayo?" tanong nya sakin at nakangiti naman ako na tumango. Agad sya umalis sa pagkakaupo sa hita ko at pumunta sya agad sa glass window kung saan makikita ang buong village. She's so cute...

"Woah saan tayo sa Japan?" tanong nya sakin habang nakatingin parin sa labas, tumitingkayad sya para makita ng maayos ang view at yun ang nagbigay sakin ng dahilan para ngumiti. 

"We're in kyoto Japan" sagot ko naman sa kanya.

"Punta tayo sa labas" saad nya sakin sabay takbo palabas at agad naman ako naalarma sa ginawa nya dahil naka medyas lang sya tapos naka shorts, malamig pa naman sa labas.

Kaagad ko sya hinabol at kinarga pabalik ng kwarto. Ang hirap pala magbantay ng bata.

"Wear something warm" saad ko habang karga-karga sya papasok. Tumawa lang sya sakin dahil sa ginawa ko. Kaagad ko sya binaba at dahan-dahan na tinulak paharap sa closet. Mabuti nalang nakabili ako ng damit para sa pag stay namin dito.

Hinintay ko lang sya na matapos magpalit habang ako ay nasa living room. Maya-maya lang ay lumabas na sya. She's wearing a pink knitted crop cardigan paired with floral high waisted blue jeans.

She didn't wear any makeup but I swear, ang ganda nya.

"Let's go" ahe excitedly said while dragging me out of the room.

Agad kami naglibot hindi lang sa village kundi pati sa labas ng village. Kung saan-saan kami umabot dahil kay Yn na turo dito at turo doon. Syempre ako naman to na ang hangad lang ay quality time nya pero ginawa ako na photographer.

She even picked a cherry blossom and put it inside of her phone case. Napatingin lang ako sa ginawa nya.

"Remembrance kasi" saad nya dahil napansin nya ata ako na napatingin sa kanya.

Masaya ako na makita syang masaya. Lumapit ako sa kanya sabay kuha sa phone na hawak-hawak nya.  Aagawin nya na sana sakin pero mabilis ko ito naitaas sa iri.

"Sino mas importante itong cherry blossom na nasa phone case mo o ako?" pilyo ko na  tanong sa kanya pero hindi sya sakin sumagot at napatingala lang sya sa kamay ko nakataas habang hawak-hawak ang phone nya.

"Respeto naman sa pandak o" lumingon ako sa ibang direksyon nagkukunwari na wala akong narinig.

Napabuntong hininga sya saka nya hinawakan ang magkabilang balikat ko sabay hila pababa para mapantayan ang tangkad nya. She kissed me on my lips, dahilan para mapatingin ako sa labi nya. Naibaba ko ang kamay ko at agad din nya naman hinawakan ang phone nya.

"Not so fast" saad ko sa kanya dahilan para mapataas ang isa nyang kilay. Hinila ko sya palapit sakin sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang beywang. Then the next thing I knew is  we're kissing under the tree of a cherry blossom.

She is the girl that I will cherish in my whole life and I am willing to give everything that she wanted to.






Yn's pov

Nakalubog na ang araw pagbalik namin sa tinutuluyan at hindi parin ako makapaniwala na talagang nasa Japan kami.

"What do you want for dinner" napalingon ako kay Khairo dahil sa tanong nya.

Ano ba dapat?.....

"Japanese food" tipid ko na sagot sa kanya saka ko binalik ang atensyon sa television. Narinig ko si khairo na napatawa ng mahina.

"Ofcourse it's a Japanese food we're in Japan" saad nya sakin habang nakangiti dahilan para lumabas ang dimple nya.

Napalingon ako sa labas ng bintana dahil sa lakas ng ulan at nagbigay iyon ng ngiti sa aking mga labi.

Paglingon ko kay khairo ay agad ko tinuro ang malaki na glass window. Napataas ang dalawa nyang kilay saakin.

"Ang lakas ng ulan ngayon" nakangiti ko na saad sa kanya at sana maisip nya ang naiisip ko.

"Gusto ko maligo" dagdag ko na saad.

"Buksan kona ba ang gripo ng bath tub?" tanong nya sakin dahilan para mapakurap ako ng ilang beses. 

"Gusto ko maligo sa ulan"  saad ko.

"No, malamig" kaagad nyang tanggi saakin dahilan para mapayuko ako at napabuntong hininga. Hindi na ako kumibo dahil alam ko hindi sya papayag, pero ang tanong.....

Hindi nga ba?

Paglingon ko kay khairo ay nahuli ko sya na nakatingin sakin pero hindi ko sya pinansin at binalik ko ang atensyon sa labas ng bintana kung saan umuulan. Narinig ko si khairo na napabuntong hininga at hinawakan nya ako sa kamay dahilan para mapalingon ako sa kanya.




Masaya ako na lumabas ng bahay habang unti-unting nababasa ng ulan ang balat naming dalawa.

Pumayag din sya....

Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Hindi ko inakala na ang unang ligo ko sa Japan ay sa ilalim ng ulan. He's just wearing a black t-shirt and a black sweatpants.

Naglibot kami sa village at masayang bumabati sa mga nakakasalubong naming dalawa.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang lamig dahilan para mapahawak ako ng mahigpit kamay ni khairo.

"Malamig?" tanong nya sakin na para bang hindi natatablan ng lamig.

Ano ba balat nito, bakal?

"Hindi kaya" natatawa ko na sagot sa tanong nya. Hanggang sa bigla kona lang natandaan ang nangyari saaming dalawa, noong nagkalabuan kami at umuulan din ng gabi na iyun, napansin ata ni khairo na napatigil ako.

"Bakit?" tanong nya sakin habang basang-basa na sya ng ulan.

"Wala sabi ko malamig" sagot ko naman.

"Kala ko ba sabi mo hindi malamig" pabalik nya na saad saakin.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na parang malamig na talaga. Dahan-dahan ko na itinaas ang damit  nya saka ko pinasok ang sarili sa loob. Narinig ko na tumawa lang sya dahil sa ginawa ko. He is hugging me while I'm inside of his shirt hugging him.

______________________

Vote for this chapter ⊙⁠﹏⁠⊙

Goodluck sa next chapter......
Swerte talaga ni Yn dito ಠ⁠◡⁠ಠ

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon