Chapter 21: Make it real

201 18 2
                                    

:song recommendation how do I breath by Mario








Khairo's pov

Umagang umaga at heto ako ngayon nagkakape sa balkonahe. Hindi ko na ginising si Yn, wala kasi syang suot na damit kaya kinumutan kona lang sya.

Tandang-tanda ko pa ang nangyari kagabi.

Talagang naghubad sya....

Mag-isa ako na natawa habang nagkakape. Matapos nya maghubad ng damit kagabi ay napagdesisyon ko na matulog nalang. Inaamin ko, medyo nahirapan ako na magpigil nung naghubad na sya. She's virgin and I don't want to take that away from her that easy. Hindi ko dapat sya galawin unless kung kasal kami.

Totoong kasal hindi yung peke. This time I want to forget about that contract for fake fiancee. I want to make it real.

Naramdaman ko kagabi na niyogyog pa ako ni Yn masiguro lang kung tulog na ba talaga ako.
Napatakip ang mga kamay ko sa muka ko ng bigla ko naman maalala ang itsura ng dibdib nya matapos sya maghubad ng damit. Inaamin ko, kinabahan ako dun.

Napalingon nalang ako bigla ng mapansin ng mga mata ko si Yn na nakayuko, mabilis sya maglakad papunta sa kusina, hindi man lang ako liningon pero alam nya na nandito ako. Naka hoodie sya tsaka pajama.

Kagabi nagbabalak na maghubad, ngayon balot na balot....

Dahan-dahan ko nilagay ang tasa sa mesa at nakangiti ako na sinundan sya.








Yn's pov

Siniguro ko na dapat hindi ko makita pati anino ni khairo. Nakakahiya kasi nangyari kagabi, tinulugan lang ako tapos baka sabihin masyado akong desperada. Pagising ko kanina, ganun parin naka bra lang ako at nakabalot sa kumut. Ginawa ba naman ako na turon.

Matapos ko maglagay ng gatas sa baso ay kaagad ko ito ininom at inubos. Napatigil nalang ako ng may dalawang kamay ang humawak sa beywang ko, nakatalikod kasi ako kaya hindi ko sya makita pero alam ko kaagad kung sino. Khairo....

Masyadong malaki sakin yung hoodie, kasi hoodie nya pero yung pajama ay akin.

Pagharap ko sa kanya ay napatingala nalang ako sa tangkad nya habang sya ay nakayuko.

Pag minamalas ka nga oh, hindi ko nga sya kanina pinansin eh tapos ngayon harap-harapan pa.

Ayan na, ramdam ko na ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko. Mukang nahalata nya ata ang pisngi ko kasi halata na nagpipigil lang sya na ngumiti. Inirapan ko sya, pero agad nya ako hinalikan. Malambot ang labi nya sa paghalik sakin, at nalasahan ko pa ang kape sa dila nya.

"May gatas ka pa kasi sa labi, sayang" saad nya sakin bago sya umalis sa harapan ko at naglakad palayo. Napahawak ako sa beywang ko.

Kita mo to, matapos ako halikan aalis nalang...

Naglakad ako papunta kung saan sya nagkakape at umupo sa kaharap na upuan tapos may linagay sya sa harap ko. Soup

"May pupuntahan tayo kaya kumain ka" lumabas ang dimple nya dahil sa sinabi nya. He's wearing a plain black t-shirt. Yan din ang suot nya kagabi.

"Walang akong gana kumain" sagot ko sa kanya pero kinuha nya ang sopas na nasa harapan ko, humigop sya ng isang beses habang nakatingin sa ibang direksyon. Matapos nya maghigop ay lumingon sya sakin at hinawakan ako sa gilid ng pisngi ko sabay halik. Nalunok ko ang sopas na hinigpop nya kanina. Matapos ko malunok, ay agad din sya bumitaw. Hihigop pa sana sya pero pinigilan ko kaagad.

"Ako na" tugon ko tapos kihuha ko kaagad ang soup na nasa harapan nya at nagsimula na ako kumain.

"You didn't told me that you're dancing" napaubo ako sa sopas na hinihigop ko dahil sa sinabi nya.

Pinunasan ko ang mga labi ko dahil sa sopas na nagkalat.

"You should not dance like that" napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na sakin.

"Ayuko na may ibang lalaki na tumitingin sayo ng ganun" dagdag nya na saad dahilan para maging kamatis na ang mga pisngi ko. Hindi ako nakapag salita.

"Saan ba tayo pupunta?" agad ko na tanong sa kanya para maiba kaagad ang topic. Ngumiti lang sya sakin at di na nya ako sinagot.

Baliw...

One week yung school festival namin at wala akong balak na pumunta. Ganito na talaga ako since last year na festival ng school.










Habang nasa byahe kami ni khairo ay wala akong imik at napapatulala nalang ako sa bintana. Kaming dalawa lang ang nasa kotse, sya ang driver ng red Ferrari car nya.

Napalingon nalang ako sa kanya nang maramdaman ko na pinatong nya ang kanang kamay nya sa kaliwang hita ko at hinimas-himas nya ito gamit ang hinlalaki nya, hindi sya lumingon sakin at tuloy lang ang pagmaneho nya.

Nakatulog ako sa byahe, maya-maya naramdaman kona lang na may tumatanggal na ng seatbelt ko.

Kahit nakapikit ako ay ramdam ko pa rin ang paglapit ni khairo sa bandang tenga ko. I can feel his breath on my cheek.

"Baby, we're here" bulong nya sa tenga ko dahilan para mapadilat ako unti-unti at sinasabi ko sa sarili ko na malamang nabingi ako sa sinabi nya. Baby?

Hindi ko napigilan ang pisngi ko na mamula ng kaunti.

"Ha?" di ko alam kung ano dapat isagot ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin habang tinatanggal ang seatbelt nya.

"Wala, sabi ko andito na tayo" saad nya sakin bago sya bumaba. Pagkababa nya ng sasakyan ay bumaba na din agad ako. Asan ba kami?

Napangiti nalang ako sa nakita ko. It's a house, not just a house it's a modern house tapos malapit pa sa dagat, kitang kita ang papalubog na araw sa silangan.

"Kanino bahay to" namamangha ko na tanong sa kanya. Lumapit sya sakin at pinagsiklop nya ang kamay naming dalawa dahilan para mapatingin ako sa kamay namin na ngayon ay magkahawak.

"Sa akin" sagot nya sa tanong ko bago nya ako hinila paloob. Pagpasok namin sa loob ay dumiretso agad kami sa likod ng bahay. Napangiti ako sa ganda, merong malaking swimming pool at sa di kalayuan ay tanaw mo ang dagat. Ang ganda parang resort ang dating. It's simple but elegant.

"Bat tayo nandito?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sakin lumingon at sa sunset lang sya nakatingin.

"Dito na tayo titira" napalingon ako bigla sa kanya dahil sa sinabi nya.


____________________
Vote for this chapter ◖⁠⚆⁠ᴥ⁠⚆⁠◗.........

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon