: song recommendation for this chapter city of my heart by Lil-Eddie
______________________________________________Yn's pov
Nagulat nalang ako sa ginawa nya at dito kona lang nalaman na...
I'm in love
Hindi pwede kasi nagpapanggap lang kami. Napatingin nalang ako khairo na ngayon ay naglalakad na palayo sakin. Naiwan ako sa pintoan ng kusina, naguguluhan sa kilos nya.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo" narinig ko si khairo na nagsalita mula sa malayo. Naglakad ako ng nakayuko palapit sa kanya. Nakatayo ako ng tuwid habang ang mga kamay ko ay nasa likuran kona.
"W-wala akong dala na damit" napamura nalang ako sa sarili dahil nautal ako. Hindi naman ako dati nauutal sa harapan nya. He has smirk on his lips.
"Andoon sa kwarto mga damit mo" sagot nya sakin at tumango naman ako.
"Teka, binilhan mo ako ng damit?" tanong ko sa kanya.
"No, pinakuha ko sa boarding house mo" sagot nya sakin. Pinakuha?
So ibig sabihin dito na ako titira?
"Excuse me, at sino nagsabi sayo na kunin mo mga damit ko sa boarding house" nakahawak ang mga kamay ko sa beywang, naghihintay ng sagot nya.
"Ako" napanganga ako sa sagot nya. Ang kapal ng feslak ng lalaki na to. Basta-basta nalang sya nakikialam ng gamit ko.
"May pasok kami ngayon" pagsisinungaling ko sa kanya para makauwi na ako sa boarding house.
"Four days kayo na walang pasok" tumango lang ako sa sagot nya, pero napatigil nalang ako ng sinuntok na ako ng reyalisasyon.
What the heck, pano nya nalaman?
"Babalik ako mamaya, dapat naka bihis kana" pasigaw nya sakin mula sa malayo. Tiningnan ko lang sya habang naglalakad palabas.
Khairo's pov
I need to go to Vergara's Bar. Every month may may usapan kami na mag-pipinsan na magkita sa bar na yun ng isang beses sa isang buwan.
Pagdating ko sa bar, ay hindi ako nagkamali ng akala. Andito na silang lahat at ako nalang ang hinihintay.
"Oh, look who's here late again" bati sakin ni Zach. Zacharias Jake Vergara, he is my cousin in father's side. He grew up in Australia, and also running a business there.
Pagkatapos ko maupo ay agad ko nakita si Evan, nagtinginan kami mata sa mata. Naramdaman ko na saamin silang lahat nakatingin, at mukang ramdam din nila ang tensyon. Narinig ko na may nag kunwaring umubo isa sa mga pinsan ko.
"Well, kumusta na ang malapit ikasal?" pilyong tanong sakin ni Sev. Sevhastian Vergara, he is a medical professor and he owned the most luxurious hospital in the world.
"Di mo sinabi saamin na ikaw pala to ang may balak na mauna ikasal" natatawa na saad ni Gab na nasa likuran ko. Gabrielle Agustin, pinsan ko sya dahil Vergara ang mama nya. Sa aming pito, sya lang ang nagpatuloy na mag-aral ng Law of Political Science. He is an Attorney.
"Diba, ayaw mo magkaroon ng girlfriend tapos ngayon biglaan, ikakasal kana" napalingon ako kay Ricky na nasa tabi ko. Ricky Vergara, sya ang pinakabata saaming pito. He is a Technical Engineer and he grew up in Japan. Talagang umuwi lang sya dito mula Japan dahil sa may meeting kami.
"Kanina pa sila nagtatanong kung kaylan mo daw ipapakilala fiancee mo" napalingon ako kay Ace dahil sa sinabi nya. Pero dumapo din agad ang mga mata ko kay Evan na tahimik na nakikinig.
"Kumusta na" panimula ko na sabi. Alam ko na matagal na yun at gusto kona kalimutan pero hindi parin maalis ang galit ko.
Umupo sya ng maayos bago sumagot saakin. Sa aming pito sya ang pinakamatanda.
"Good, nothing's new" sagot nya sakin. Tumango naman ako pero ramdam ko pa rin ang awkwardness.
Hinawakan ni Gab si Evan sa balikat at mahina nya itong niyogyog.
"Kalimutan na natin yung nangyari, medyo may may ilangan pa sa inyong dalawa" pagrereklamo ni gab at tumawa naman yung iba.
Nilagay ni Ace ang dala-dala nya na wine glass sa gitna ng mesa at tumingin sya samin ni Evan.
"Right here, right now dapat magkaunawaan na kayo sa nangyari many years ago" nakahawak si Ace sa beywang nya habang sinasabihan nya kami ni Evan. Pero napuno lang ng katahimikan ang bar. Tuwing meeting namin dito, ay tanging kami lang dapat ang nandito wala ng iba.
"What are you waiting for, speak up" tiim na sabi ni Ace saaming dalawa. Tumikhim si Evan bago sya nagsalita.
"I'm sorry" panimula nya.
"Dapat sinabi kona sayo na girlfriend kona nun si Sandra" dagdag nya na sabi. Napangiti ako ng mapait bago ko sumagot.
"But you know that I like her, tapos gumagalaw kana pala sa likuran ko" sagot ko sa kanya at walang iba na nag-uusap kundi kami lang dalawa tapos yung iba nakikinig lang saamin.
"Look, hindi ko alam na sya pala ang sinasabi mo saakin noon na gusto mo ligawan" sagot nya sakin. But it's not enough for me to believe him.
"Naglolokohan ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"I met her before you did, I even told you her name" dagdag ko na sabi dahilan para mapatingin silang lahat kay Evan.
"I thought they just have the same name, hindi ko alam na nakikilala mo na sya noon bago ko sya nakilala tapos tinanong ko pa sya noon kung may nanliligaw o may nagugustuhan sya at sabi nya sakin wala" seryusong sagot nya sakin at saakin naman silang lahat nakatingin.
Ngumiti ako bago magsalita.
"I've known her for nine years, I've like her for nine years and you know her for fucking ten months, you should have ask me first kung sino yung sandra na minahal ko bago mo sya niligawan" tiim ko na sagot sa kanya. Napatahimik lang sya sa sinabi ko.
"I..... I didn't know, I swear" he sincerely replied to me but anger deep inside me didn't vanished. Ilang taon ako naghintay kay Sandra noon tapos nalaman ko nalang na sila na. Palagi ko pa noon kinukwento kay Evan ang lahat na tungkol saamin tapos hindi ko alam na nililigawan nya na pala.
Napuno na ng katahimikan ang paligid namin pero agad din naman nagsalita si Ace.
"Ok, change topic.... Khairo nagtatanong sila kung kaylan mo daw ipapakilala fiancee mo" madalian na salita ni Ace para maiba naman ang tensyon saamin.
"Grabe, si Khairo may fiancee na tapos si Evan naman may nagugustuhan na din at tayo stay single muna" medyo natawa ako kay Zach dahil sa sinabi nya.
"Aba kayo lang, idadamay nyo pa ako" sagot naman ni Gabrielle na babaero.
Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ito ng alak para umiinom.
"By the way, saan mo nakilala yung babae na sinasabi mo?" tanong ni Sev kay Evan. Nakita ko kung paano ngumiti si Evan at inaamin ko, nagagalit ako ngayon dahil parang agad din nya nakalimutan si Sandra at ngayon may bago na naman sya na nagugustuhan.
Ano akala nya kay Sandra, laruan?
Pagkatapos pakinabangan, iiwan?"Dito ko sya sa bar nakilala, noong pinahiram ko sa kanya racer jacket ko" sagot ni Evan sa tanong ni Sev dahilan para mapatigil ako sa pag-inom.
Si yn yung pinahiram nya ng jacket.
______________________________________________
Please don't forget to vote ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Sonstiges"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...