:song recommendation for this chapter searchin for love by Lil-Eddie.
______________________________________________Yn's pov
Nagising nalang ako dahil naramdaman ko na tumama sa muka ko ang sikat ng araw na nag tumatagos sa bintana. Pagmulat ko ng nga mata ay napansin ko na nakataas na ang malaking kurtina ng bintana. Agad ako tumingin sa tabi ko at napansin ko na wala si khairo.
Napakapkap ako sa katawan ko para masigurado. Hays salamat nakadamit pa ako.
Panaginip lang pala.
Napahinga ako ng maluwag ng maisip ko na panaginip lang pala lahat. Mabuti nalang, kung hindi baka nagtatago na ako ngayon sa hiya at walang muka na maiiharap sa kanya.
Masaya ako na lumabas ng kwarto na nakasuot pa ng pantulog. Mahina akong napapakanta pagbaba ko sa hagdan mula sa ikalawang palapag at dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Pinagtitinginan ako ng mga maid at hindi ko naman alam kung bakit kaya hinayaan kona lang.
Maganda siguro ako kaya sila nakatingin sakin.
Dire-diretso lang ako sa pagkuha ng tubig pero napaubo ako bigla habang umiinom dahil kay Ace.
Bakit parang araw-araw sya nandito.
Napatulala lang sya sakin at napatigil sya sa nginunguya nya na pagkain. Bakit parang nakakita sya ng multo?
"Maganda ba ako?" pilyo ko na tanong sa kanya.
"Tumingin ka sa salamin tapos itanong mo sa leeg mo" sagot nya sakin sabay bigay ng mini mirror na mula sa bulsa nya.
May dala-dala sya na salamin?
Tiningnan ko lang si Ace na naglalakad papalayo na gumegeywang ang balakang. Napatawa nalang ako sa ginawa nya at napatigil nalang ako ng dumapo ang mga mata ko sa salamin.
Inangat ko ang salamin para tingnan ang sarili. Ok naman itsura ko, pero umiba ang timpla ng mata ko ng biglang may umagaw ng atensyon ko pagtingin ko sa kanang bahagi ng leeg ko.
Napatakip ako sa bibig ng malaman ko na may bite mark ako sa leeg, not just a bite mark it's a hickey.So hindi pala yun panaginip.
Agad ko binaba ang salamin at hinanap ko kaagad si khairo. Ayun
Agad ko sya nilapitan tapos sya naman na may hawak-hawak na isang tasa ng kape.
"Excuse me, sino nagsabi sayo na pwede ka maglagay ng chikinini dito?" mataray at seryuso ko na tanong sa kanya pero pasikreto lang sya na ngumiti at nilagpasan lang ako habang umiinom sya ng kape at ang isang kamay nya ay nasa isang bulsa ng pants nya.
Kaya pala pinagtitinginan ako kanina ng maids.
Napatakip ako sa muka sabay takbo papunta sa kwarto sa ikalawang palapag.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong tumingin sa salamin na nasa bedside table. Hickey nga.....
Napatigil nalang ako ng makita ko sa salamin ang repleksyon ni khairo na nakatayo sa pintoan.
Pagalit ako tumingin sa kanya pero parang hindi sya tinatablan. Lumapit sya sakin at lumingon ulit ako sa salamin, kinukuskos yung pulang marka na nasa leeg ko.
Hinawakan nya ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagkuskos.
"Hindi basta-basta mawawala, pero pwede natin dagdagan" medyo napanganga ako sa sinabi nya at naitulak ko sya palayo dahilan para tumawa lang sya, tama lang para lumabas ang dimple nya.
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Random"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...